/Adapting in the Old Environment/
Azul's/Titanium's POV
Hay salamat naman umuwi na si Hail. Ang kulit din ng lalaking yun ah. Pero ang cute nya, parang bata
Kinuha ko ang phone ko at kinalikot iyon ng kinalikot habang nakahiga sa kama ko. Syempre naman, cellphone ko to kaya may karapatan akong kalikutin to
Nadaanan ko bigla ang gallery. Agad ko itong inopen at nakita ko ang mga pictures ko. Mahilig pala akong magselfie? Hindi lang siguro halata no? Tsk tsk. Pero kung titingnan ang dating ako, may salamin ako sa isa, tapos nakaleather jacket na itim naman isa. Kung iko-compare, magkaiba talaga. Parang magkaibang pagkatao lang. Pareho ang mukha, pero magkaiba ang ugali. Di kaya, ito ang sakit namin? Yung transformios syndrome na nakita ko dito sa loob ng kwarto ko?
Hala naman. Ang malas namin. May sakit pa talaga kami ah. Pero base sa nakita ko kanina, iba iba ang percentage ng pagkakagaling na namin sa sakit. So far, si Pyre, o si Amethyst ang may pinakamalaking percentage ng cure. At ako, si Titanium, ang pinakamababa
Pero kung transformios syndrome, sinearch ko yun eh. Ang sabi, isa itong syndrome na ang isang tao ay may double personality. For example sa araw na ito iba siya, sa susunod na araw magiiba din ang ugali nya. For example, a nerd by this day, will be a gangster by the next day. At sa araw na gangster sya, hindi nya maaalala ang nangyari noong gangster siya, kapag bumalik na siya sa pagiging nerd
Is that it? Pero ngayon...I can't see anything different from us since the day na nandun kami kina JJ. We're still the same everyday. Nothing changes on your attitude, nor on our movements
Napailing ako ng biglang sumakit ang ulo ko
I like you, jewel.
Shit. That voice again. Palagi ko na lang siyang naririnig sa mga visions ko. And jewel. Ganun din ang tawag nya sakin. Diba, ganun din ang endearment sakin ng tumawag sa telepono? Siya ba si Sky? Yung lalaking tumawag sakin at sinabing siya daw ang lalaking nagmamahal sa akin
Napatingin ako sa cellphone ko at naisipan kong tingnan ang contacts. Agad akong nagscroll at napahinto kaagad ako
Sky.
Gotcha.
Agad akong nagisip kung anong sasabihin ko sa kanya. Plano ko sana na alamin ang totoo, sa tulong ng lalaking to. Kasi alam ko, sigurado ako, may connection siya sa nakaraan ko
To: Sky
Message: Hello, is this Sky?_Okay na siguro ito. Para hindi nya mahalata na may motibo ako kaya ako nakipagusap sa kanya. Pero, Azul, duh. Nakapangalan na nga ng Sky pinagdududahan mo pa na iba
Excuse moi, basta contacts pwede mong mapalitan ang pangalan diba? Malay ko bang iba pala ang taong ito at Sky lang ang nilagay ni Titanium kasi...
Kasi ano?
Kasi trip niya.
Message sent.
Ay ewan ko na lang sayo.
Napakagat ako sa kuko ko sa hinlalaki habang hinihintay ko ang reply nya, kung magrereply nga ba siya
Nang magvibrate ito ay agad na dumagundong ang dibdib ko. Sya na kaya ito? Ano kayang sagot nya?
From: Sky
Message: Yes, this is Sky.Nahigit ko ang hininga ko at nagisip kaagad kung anong sasabihin ko. Kung sabihin ko kayang nagkaamnesia kami at gusto kong tulungan nya ako para maalala ko ang nakaraan?
To: Sky
Message: I'm just wondering if you can help me_Message sent.
Shems!! Dapat ba talaga akong humingi ng tulong sa kanya???
YOU ARE READING
SATE Academy
AdventureSilver, Amethyst, Titanium and Emerald are the leaders of SATE Academy. Strong, brave, powerful, beautiful and smart. People fear them. People admire them. People envy them. They love and hate these leaders. Until four men came and managed to be wit...