/Titanium's Anger/
Silver's POV
Humingi kami ng tulong kila Cloud at Amethyst
"anong nangyari Silver?" tanong ni Ame
"mamaya ko na sasabihin Ame" sumakay nalang kami sa sasakyan ni Cloud
"ano bang nangyari Drought?" tanong ni Cloud habang nagdadrive
"mamaya na nga" sabi ni Drought
"okay"
Pagdating namin sa academy ay nandoon si Titanium sa mismong tapat ng Officials' Building. Nakahalukipkip ito habang cold ang mukha. Hala
"T-tane, hi" lumapit ako sa kanya at niyakap ito. Nakahinga ako ng maluwag ng ginantihan niya ang yakap ko. Kinissan ko naman siya sa pisngi pagkatapos
"where have you been, Silver?" tanong nya with a cold voice. Pero ang tanging nakakabawas sa kaba ko ay ang mahinahon nyang pagsasalita
"Tane, ikekwento ko naman"
"nagalala kami sayo"sabi nya
"si Vapor kasi eh--"
"anong ginawa nya sayo?" tanong ni Tane na ayokong sagutin
"sabihin mo na" sabi pa nito. Sasabihin ko ba?
"kinidnap sya nito" napatingin kami pareho sa nagsalita. Pinandilatan ko ng mata si Drought. Yung nagsasabing, 'bakit mo sinabi kay Tane?!'
"totoo ba?" baling ni Tane sakin
"hindi--"
"totoo yun Titanium" sabat na naman ni Drought. Napapikit na lang ako sa inis sa kanya
"alam ko kung saan sila nakatira" sabi ni Tane
"s-sino Tane?"
"alam ko kung saan ang bahay ni Vapor Smith" kaswal lang na sabi ni Tane
"gusto mo bang gawin ko sa kanya ulit ang ginawa ko dati?" tanong ni Tane
"no, Tane, please. Just leave him"
"kinidnap ka nya. Dapat lang syang parusahan gaya ng dati" sabi pa ni Tane
"pero Tane--"
"no buts, Silver. Madami naman silang pera. Kaya nilang ipaospital ulit si Vapor ng isang buwan"
"at palakarin siya palabas gamit ang saklay?" dugtong ko ng nakangiwi
"yes"
"ano bang ikinakatakot mo, Silv-silv? Nandyan naman si Titanium para protektahan kayo" Drought
Hinila ko sya palayo ng ilang metro
"Drought, three months ago, kinidnap ako ni Vapor. Niligtas ako ni Tane at binugbog nya si Vapor dahil nagalit sya dito dahil daw sinaktan nya ako. Naospital si Vapor ng isang buwan dahil sa bugbog na tinamo nya mula kay Tane. At ang pagkaospital na yun is two months ago. Paglabas ni Vapor ay may saklay pa sya sa paglalakad"
"then? Anong ipinaparating mo?"
"ayokong gawin ulit yun ni Tane kay Vapor"
"bakit, dahil ba nagaalala ka sa kanya?"
"hindi ako kay Vapor nagaalala, Drought! Kay Tane!"
"bakit?"
"alam mo ba, dahil dun ay muntik nang makulong si Tane. Mabuti nalang dahil sa statement ko at ang evidences, hindi sya nakulong. Ayokong irisk uli ang time na makukulong si Tane dahil sakin" paliwanag ko
YOU ARE READING
SATE Academy
AventuraSilver, Amethyst, Titanium and Emerald are the leaders of SATE Academy. Strong, brave, powerful, beautiful and smart. People fear them. People admire them. People envy them. They love and hate these leaders. Until four men came and managed to be wit...