/Seeing The Outside Again/
"para ano, JJ? Hindi mo ba alam na parang kinukulong nyo na kami rito sa bahay nyo?"
Napapitlag ako ng padabog nyang sinarado ang libro at hinampas sa sofa
"hindi namin kayo ikinukulong rito, Azul. Pinoprotektahan lang namin kayo mula sa labas kaya as soon as possible pinapanatili ko na lang kayo rito sa loob ng bahay"
"eh ano? Paano namin malalaman ang sinasabi mong delikado sa labas, ha? Mananatili na lang ba kami rito sa loob at aasa na lang na may apat na lalaki na poprotekta samin kapag may nanakit?"
"bakit hindi? Nandito naman talaga kami ah?"
"JJ you don't understand! Sa loob ng ilang months namin na paninirahan namin rito sa inyo, sa bawat oras na nandito lang kami sa compound nyo? Naiisip mo ba na gusto rin naming lumabas at magexplore?" napatayo na ako at hinarap siya
"yun na nga eh! Delikado ang magexplore, Azul! Manatili lang kayo rito sa bahay at hindi kayo mapapahamak!" tumayo na rin ito at humarap sakin. Ang iba naman, parang walang planong pigilan ang away namin
"eh bakit ayaw mo kaming palabasin? O sinabi mo na na ayaw mo kaming mapahamak, pero bakit ayaw nyo na alalahanin namin ang nakaraan? May mga amnesia kami, pero hindi ibig sabihin nun ay hindi na namin maaalala ang mga nakaraan namin. Yun ba? Ayaw nyo ba na lumabas kami sa compound nyo kasi natatakot kayo na maalala namin ang lahat at iwanan namin kayo? Ano? Anong hinihintay nyo? Natatakot kayo na takasan namin kayo sa kabila ng lahat ng naitulong nyo samin? Ganun ba JJ? Wag kayong magalala, gagala lang kami, hindi namin tatakasan ang utang na dapat babayaran namin sa inyo--"
"fuck! Hindi yun ganun Azul!"
"eh ano?! Sabihin nyo ang rason kung bakit at baka maintindihan namin kayo!"
"gusto naming nandito lang kayo! Gusto kong nandito ka lang sa bahay! Ayokong umalis ka! Dito ka lang sa tabi ko!"
Napatigil ako at napatingin sa kanya
"a-ano?" napasabunot ito sa buhok at napabuntong hininga
"I-I like you, Azul. Yun ang puno't dulo ng hindi ko pagpayag na lumabas kayo. Na lumabas ka" sabi nito at nakayukong naglakad papalayo habang bumubulong ng sorry
Naiwan naman ako na ako na nakanganga na nakatayo sa sala
"pupuntahan muna namin siya" sabi ni Iren at umakyat na rin. Nanghihinang umupo ako sa sofa at agad akong nilapitan ng tatlo
"atleast alam na natin kung bakit" mahinang sabi ko
"anong plano natin, Azul?" Gem
Tiningnan ko sila isa isa habang may namumuong plano sa isip ko na nais kong gawin para makalabas na kami at makalaya sa kagustuhan ni JJ na manatili kami rito
"tatakas tayo. Mamayang gabi"
Tinignan ako ng tatlo at agad na tumango habang niyayakap ako
Sky's POV
"Sky, tama na yan" iniwaksi ko ang kamay na humawak sa braso ko
"bitawan mo ko Lava. Pabayaan mo lang ako rito"
"pero Sky, tatlong araw ka nang sunod sunod na umiinom"
"eh ano ngayon?"
"Sky..."
"hindi ka ba nagluluksa sa pagkawala ng pinakamamahal mong berde, ha, Lava? Bakit hindi ka umiinom? Nagsecelebrate ka? Masaya ka? Samantalang yung girlfriend mo nandun na sa--"
YOU ARE READING
SATE Academy
AdventureSilver, Amethyst, Titanium and Emerald are the leaders of SATE Academy. Strong, brave, powerful, beautiful and smart. People fear them. People admire them. People envy them. They love and hate these leaders. Until four men came and managed to be wit...