Chapter 13

781 20 3
                                    

Kai's P.O.V

4:30A.M

Animal napaka-aga pa pala. Akala ko late na ako putek.

Bumaba ako sa hagdanan at napansin ko ang bahay na napakatahimik. Nasan ba si kuya?

Pumasok ako sa kwarto niya pero nagtaka ako kung bakit wala na siya doon. Grabe ang aga naman niyang nawala! Tsaka, hindi siya nagpaalam ah!

May napansin akong papel sa kama niya kaya agad ko itong kinuha. Mahirap na baka puro pornsites ang nandito. Edi masaya.

Binuksan ko yung papel at nagkakamali ako, hindi pala pornsites kundi letter.

Sports day ngayon at maaga ako sa school. May paguusapan pa kaming mga soccer players. Kitakits tayo doon.

Nagmamahal,

Ang masarap mong Kuya

Putang liham nato. Okay na sana eh! At talagang nilagyan pa ng 'masarap' sa hulihan. Badtrip tuloy.

Bumalik ako sa kwarto ko at natulog ulit. Maaga pa eh. Tsaka, okay lang din naman ma late ngayong araw dahil sports day naman. Tsaka, walang klase so yeah, tulog ulit.

Kyle's P.O.V

"Ano ba kasi yang itatanong mo sa'kin?", tanong ko sa kay Aldrin. "Siguraduin mong importante yan dahil sinakripisyo ko talaga ang sarili ko na pupunta dito ng maaga dahil lang sa'yo", dagdag ko.

May sasabihin kasi si Aldrin kaya umaga akong pumasok sa school. May meeting din naman kami pero mamaya pang alas 7.

Timecheck: 5:20A.M

"Gusto ko sanang sabihan ka na liligawan ko ang kapatid mo. Tsaka---

"Nababaliw ka na ba?", tanong ko sa kaniya. Pero di siya umimik, halatang seryoso ang loko.

"Baliw nga ako sa paningin mo. Pero tong kabaliwan ko ay nasa tao. At ang taong iyon ay ang kapatid mo", sabi niya. Di ako makapaniwala sa sinabi niya.

Lumapit pa siya sa'kin tsaka pinatong niya ang kamay niya sa balikat ko.

"Pare, alam kong imposibleng mangyari ang panliligaw ko sa kay Kai dahil tomboy naman ang nilalang na'yon. Pero gusto kong magpaalam sa'yo na seryoso ako ngayon at walang halong biro ito. Kaya kung pwede man, tulungan mo akong makamit ang gusto kong maganap na pangyayari sa espesyal na paraan sa pagliligaw kay Kai Duazo", mataas niyang sinabi.

Hindi ako makapaniwala na isa sa barkada ni Kai ang manliligaw sa kaniya.

"Pare, okay lang naman sa'kin na ligawan mo ang kapatid ko PERO!", sabi ko nung akmang magsasalita na sana siya kaso pinigilan ko siya.

"Masakit man sabihin ito pero, kung ano ang tingin ni Kai sa inyong magbabarkada, hanggang doon lamang ang tingin niya sa'yo", sabi ko.

"Kaya nga nagmamakaawa akong tulungan mo ako pagbaguhin ang desisyon niya. Atsaka, wag kang mag-alala. Hindi ako hihinto, unless she told me to", sabi niya.

Patay englishero na ang buang. Halatang seryoso nga.

"O sige. Walang problema. So, ano ang plano mo? Kailan ka manliligaw? Ano oras? Saan ka manliligaw? Ano ang mga sasabihin mo? Ano ang ibibigay mo? Delikado ba yan? Is there sex involved?", tanong ko na ikinalaki sa mata niya. Nagulat ako nung bigla niya akong sinapak.

"Puta ikaw pa tong tutulungan ko tas ikaw pa ang mananapak!", sabi ko sa kaniya.

"Animal ka syempre sasapakin kita! Nasali pa yung sex amp", sabi naman niya. Napangiti lang ako sa nagawa niya ngayon.

Ang Girlfriend Kong Tomboy (REVISED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon