Kai's P.O.V
Fast forward and today is monday. Dito na mag-uumpisa ang aming camping. Kitang-kita ang mukha sa lahat ang kanilang pagkakaexcite. Well, sila lang naman. I don't feel any excite at all. Lalong-lalo na't wala si Aldrin dito.
"Is everybody present?", tanong nung guro namin. Kaagad naman silang sumagot ng 'hindi' dahil si Aldrin na lamang ang kulang. Nasan na kaya ang tipaklong na'yon?
"Nag-text si Aldrin sa'kin sir na malapit na po daw siya.", biglang sabat nung Hailey na ikinalingon ko naman kaagad sa kaniya. What the eff? Tama ba 'yung narinig ko? Nag-text? TEXT?! Aba't puta textmate na ba sila?! Yari talaga 'yang mokong sa'kin mamaya.
"Uy Kai, rinig mo 'yun? Nag-text si Aldrin sa kay Hailey instead of sa'yo. Kaloka.", sabi ni Jacob. Sinamaan ko naman siya ng tingin dahil ayokong inuulit ang thought na ikina-andar na naman sa selos ko.
"May dalawang tenga ako at alam ko mismo paano ito gagamitin. Kaya wag mo ng ulitin ang pesteng text na 'yon dahil parang gusto ko yatang sakalin ang lahat ng tao dito sa mundo.", malamig na sabi ko na ikinapeace-sign naman ni Jacob.
"Wrestling-ngin natin si Aldrin, mamaya?", tanong ni Samantha.
"Payts ako diyan!", sabi naman ni Jacob. Hindi ko na lamang sila pinansin at humarap na sa harapan. Iniisip kung bakit niya tinext ang halimparot na 'yon.
Like fuck, hello? Anong gamit sa number ko diyan sa cellphone mo kung makipag-text ka lang din naman sa ibang babae. At talagang sa kay Hailey pa! At talagang sa maganda pa! Puta, sana'y binura mo nalang ang number ko diyan.
Gusto ko kasi ako lang dapat ang ka-text niya! Gusto ko ako lang. Nasa akin ang updates, nasa akin ang attention. Nasa akin ang lahat! Selosa na kung selosa pero boyfriend ko siya. At mahal na mahal ko 'yun. OO! Tomboy man ako pero handa akong magbago para sa kaniya. At gagawin ko talaga 'yon dahil mahal ko siya.
Puta corny na sa kung corny pero 'yon ang totoo! Yawa.
"Sorry sir, I'm late!", rinig kong sigaw ni Aldrin sa malayo. Syempre alam ko na si Aldrin talaga! Ang gwapo ng boses eh pero wala! Nagseselos pa din ako. Eh ba't ba? Ako ang girlfriend dito eh.
"Bakit ka late? 'Wag mong sabihin sa'kin na nakalimutan mo na naman na camping natin ngayon?", tanong ni sir na ikinahagalpak lamang nila ng tawa. Di ako kasali. Malamang 'nila' nga eh.
Pero di niya alam na gustong-gusto ko na talaga siyang pansinin kaso pinipigilan lamang ako dito sa selos ko.
"Ah, eh, 'yun nga po. Ehehe.", sabi nito. Napairap lamang ako at nakita ko naman sa peripheral vision ko na pumila na siya sa linya sa mga boys. Malamang boys! Alangan namang girls.
Ako nga dapat sa boys lane eh. charot.
"Good morning, girlfriend!", siglang bati ni Aldrin sa'kin. Ay teka, sa akin nga ba? Ako ba girlfriend niya dito? O iyang pesteng Hailey na 'yan?
"Good morning din, Aldrin!", sabat naman ni Hailey. AYAN, PUTA! MAGSAMA KAYONG MGA MALALANDI!
"Tumahimik ka, di ikaw girlfriend ko.", rinig kong sabi ni Aldrin na ikinatawa naman sa lahat. Ramdam ko na tumingin ulit si Aldrin sa'kin at talagang hinalikan pa niya ako sa pisngi. "Good morning, Kai Duazo ang gwapo kong girlfriend!", dagdag niya na ikinairap ko lang. Tss. Edi salamat sa pagtawag sa'kin ng gwapo!
"Uy, pansinin mo naman ako o.", sabi nito sabay gusot-gusot pa talaga sa tagiliran ko. Wala. Walang epek. Doon ka na kay Hailey tutal pareho din naman kayong mga halimparot.
"Okay class, pasok na sa van lahat! Wag magulo ah? Dahan-dahan lang.", sabi ni sir na ikinasunod naman sa lahat.
"Uy babe, rinig mo 'yun? Dahan-dahan daw.", rinig kong sabi ni Jacob kay Samantha kaya nakatanggap naman ito ng batok.
Ng makapasok sa van ay kaagad naman akong umupo sa pinakalikod. Tumabi naman si Aldrin sa'kin at kinalabit niya ako ngunit di ko pa din siya pinansin. Mas lalo naman akong nainis nung umupo ang pesteng Hailey sa harapan namin.
Tsk. Landi talaga.
Aldrin's P.O.V
Ano ba yan! Ba't hindi ako pinansin sa sarili kong girlfriend? Kanina pa ako kalabit ng kalabit sa kaniya ngunit wala pa din. Hindi ko din narinig na nagsasalita siya ngayong umaga. Expected na menstruation na ngayon pero teka, napakagrabe naman ata.
Naalala ko na may chocolate pala ako dito sa bag kaya agad ko namang kinuha 'yon at hinarap si Kai.
"Kai o, sa'yo na to. I love you!", sabi ko sabay lahad ng chocolate sa harapan niya. Ngunit nakatunganga lamang ito sa cellphone niya.
See? Di pa din ako pinansin. Napaginhawa lamang ako at isinauli muli ang chocolate sa bag. Takte, may nagawa ba akong mali?
"Oy pare.", tawag ko sa kay Jacob na ikinahinto naman din niya sa paglandi sa kay Samantha. Baka may ideya 'tong si Jacob.
"Wassap.", Jacob.
"Pare, tulungan mo naman ako o. May nangyari bang masama sa girlfriend ko? Ba't ayaw niya akong pansinin? Tutal, expert ka din naman sa mga babae.", sabi ko na nagmamaka-awa.
"Hmm.", Jacob na tila'y nag-iisip pa talaga. "Pasensya na pare, ang masasabi ko lang sa'yo ay isipin mo ang mga nagawa mong mali.", sabi ni Jacob sabay ngisi at nagpatuloy na sa pag landi sa kay Samantha.
Kumunot naman ang noo ko sa sinabi ni Jacob. Isipin ang mga nagawa kong mali? Paano 'yan? Wala akong isip. charot.
Guminhawa na lamang ako ng malalim at susubukang irerecall ang mga nagawa ko kanina. Natulog, gumising, naligo, nagbihis---
"Hi Aldrin!", naputol ang pag-iisip ko ng biglang sumabat ang harapan ko na si Hailey. "May biscuit ako dito. Gusto mo?", tanong nito na ikinakulo lamang sa dugo ko.
"Di ako patay gutom para manghingi ng biscuit sa iba. Tsaka may sariling biscuit ako dito. Mind your own business.", sabi ko tsaka pinikit na ang aking mga mata at nagpatuloy sa pag-iisip.
Saan na nga ako? Aish, ulitin ko nalang. Natulog ako nun, tas paggising ko nataranta ako dahil late na ako. Tas naligo na ako, nagbihis, naghanda, tsaka kumain. Tas nag toothbrush. Tas paglabas ko tinext ko si Kai na malapit na ako sa school na may kasama ang I love you. Ano ang mali doon?"Kai.", tawag ko sa pangalan niya ngunit ayaw niya pa din akong pansinin. Mag-sorry na lang kaya ako? Baka may nagawa talaga akong mali at di ko napansin? "Sorry na please.", dagdag ko sabay hawak pa talaga sa mga kamay niya.
"Sorry my ass. Magsama kayo sa hinayupak na Hailey na 'yon", malamig na sambit niya na ikinakunot noo ko lamang. Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako dahil nagsasalita na siya o magiging malungkot ng dahil sa sinabi niya?
Tsaka anong Hailey ba 'yang pinagsasabi niya? Wala akong interest sa mga babaeng katulad niya no! Tinaboy pa ko, amp,
"Hailey? Wala naman akong pake sa babaeng 'yun eh.", mahinang sambit ko at baka marinig 'yun ni Hailey. Baka magbigti 'to nako. "Tsaka ikaw lang naman ang binigyan ko ng pake sa buhay ko eh. Nag-iisa ka lang kaya dito sa puso ko.", dagdag ko. Aba'y syempre totoo talaga 'yan! Pinanganak akong loyal sa mama ko no.
"Ewan ko sa'yo. Talk to the window. Matutulog na ako.", sabi niya at talagang pinikit pa niya ang kaniyang mga mata.
"Kai, please naman o. I won't let you sleep if you're still mad at me.", sabi ko ngunit di na ito sumagot pa. Tiningnan ko ito at natulog na talaga.
Napasabunot lamang ako sa buhok ko at hinilamos ang aking mukha gamit ang aking mga kamay. Syempre kamay! Alangan namang paa diba? Tss.
Tiningnan ko si Jacob na ngayon ay nakikipag-usap sa kay Samantha. Alam ko namang may alamag ang dalawang ito eh. Tatadtarin ko talaga sila ng tanong mamaya.
BINABASA MO ANG
Ang Girlfriend Kong Tomboy (REVISED)
Teen Fiction(Completed) Kakayanin kaya ng isang lalake ang relasyon nila kasama ang kaniyang barakong babae? Paano kaya sila magkaintindi kung pareho sila mismong galaw lalake?