Chapter 21

666 21 10
                                    

*Kinaumagahan*

Kai's P.O.V

"Hoy!", sigaw ni kuya na ikinatigil ko sa pagikot ng doorknob tsaka hinarap siya. "Joggers ko 'yan, ah? Hubarin mo yan!", sabi nito sabay turo pa talaga sa joggers na sinuot ko.

"Sus! Di na ito kasya sa'yo.", sabi ko at lumabas na. Saktong paglabas ko ay nabungad ko kaagad si Aldrin na nakasandal na sa kaniyang kotse. Tae, ang gwapo ng maligno.

"Good morning, sweetheart!", bati niya sa'kin sabay halik sa noo ko. Kunot-noo ko naman siyang tiningnan atsaka tinaasan ng kilay.

"Seryoso? Sweetheart? Napaka-adult namang pakinggan!", sabi ko tsaka sumakay na sa kotse. Tinawanan lamang ako sa loko atsaka sumakay na din siya sa driver's seat.

"Sorry na.", sabi nito tsaka ngisihan ako. "Ready for our date?", nakangising tanong nito.

"Kanina pa ako ready.", sabi ko na ikinatango niya lamang.

"Edi mabuti!", sabi nito at pinaharurot na ang sasakyan. "Where do we go first?", tanong nito.

Napa-isip naman ako sa tanong niya. Medyo gutom din naman ako kaya kakain muna kami.

Akmang sasagot na sana ako kaso natahimik ako ng biglang tumunog ang tiyan ni Aldrin. Kaya hindi ko mapigilan ang humagalpak ng tawa.

"Hindi yun nakakatuwa.", seryosong sabi niya ngunit di ko siya pinakinggan kaya tawa lang ako ng tawa dito. "Huy! Waaah! Kai naman eh! Nakakahiya kaya yun!", sabi nito na parang bata.

"Ang cute mo kaya sa lagay na yun!", sabi ko tsaka humagalpak ulit ng tawa. "HAHAHA panira yang tiyan mo dre.", dagdag ko. Napatigil naman ako sa pagtawa ng bigla akong sinamaan ng tingin ni Aldrin.

"Dre?," tanong niya. "Anong klaseng callsign iyan?"

"'To naman! Pasensya na! Sadyang nasanay lang talaga ako tumawag ng ganyan sa inyo.", sabi ko tsaka nagpout. Ay gagu, kailan ako natutong mag pout?! Yak! Nakakadiri!

"Takte itigil mo yan.", sabi ni Aldrin. "Baka makurot ko pa iyang mga pisngi mo.", dagdag nito. Inirapan ko na lamang atsaka tumingin na sa labas ng bintana. Pero syempre di maalis ang ngiti sa labi ko.

Maya-maya pa lamang ay nakarating na kami sa mall. Agad namang nagparking ang tukmol at sabay na kaming lumabas sa kotse.

Naglakad naman kami patungo sa entrance na nagkaakbayan. Ay hindi, siya lang pala ang nakaakbay sa'kin. Kumapit lang kasi ako sa laylayan ng t-shirt niya. Haha.

"Aldrin?!", sabay naman kaming napalingon sa nagtawag sa kay Aldrin at nakita namin si Gracel kasama ang dalawang kumag.

"O nandito ka din pala.", walang expression na sabi ni Aldrin. Napansin ko na tiningnan ako ni Gracel mula ulo hanggang paa at talagang nakataas pa ang kaniyang kilay. Well, still the same yawa I've known.

"Oh, Kai Duazo! It's been a while!", sabi nito sabay ngisi sa'kin. "Congrats pala sa inyong dalawa! You two are very bagay talaga!", dagdag nito.

"Salamat. Pero kailangan na naming umalis dahil nagugutom na kami. Bye!", agad na sabi ko atsaka hinila na si Aldrin paalis sa bruhang 'yun.

"Takteng bruha na'yun. Nakakasira ng araw!", sabi ni Aldrin.

Pumasok na kami sa Jollibee at nag order ng dalawang burgersteak at Chocolate floats. Umupo naman kami sa pinakadulo na kung saan, malapit lang sa bintana.

"Saan tayo pupunta pagkatapos nito?", tanong nito sa'kin na ikinakunot lamang sa noo ko.

"Actually, wala akong alam sa date na ito. Why don't you decide instead of me? Perhaps, this is my first time having a jowa.", sabi ko na ikinatulala niya lamang sa'kin.

"Well, yeah.", sabi niya sabay kuha sa tissue at pinahiran ang bibig ko. Napatulala naman ako sa ginawa niya and my heart begins to throbbed so fast.

"P-pwede namang ako lamang ang pumahid eh.", sabi ko tsaka nagpatuloy na sa pag kain. Takte! Nauutal na naman ako!

"You're welcome!", nakangiting sambit niya atsaka kumain na din. Napayuko na lamang ako sa sinabi niya atsaka sinubo na ang kutsara. Tae naman ito. Nakakahiya!

"Uy Aldrin!", sabay naman kaming napalingon sa nagtawag sa kay Aldrin. And there we saw Jacob coming. Andaming nandito ah?

"Uy pare! Sino yan? Girlfriend mo?", tanong ni Aldrin sabay turo sa babaeng nasa likod ni Jacob.

"Syempre! Alangan namang lola ko.", sabi ni Jacob sabay akbay sa babae. "Mga kumpare, meet my girlfriend, Samantha.", dagdag nito atsaka kumaway naman ang babae sa'min.

"Oh to the em to the gee!", sabi nung Samantha sabay lapit sa'kin. "Are you Kai Duazo? The table tennis champion?!", tanong nito na ikinakunot naman sa noo ko. Teka, paano niya nalaman?

"Yes! Aldrin's girlfriend.", sabat naman ni Jacob sabay upo sa tabing upuan ni Aldrin.

"H-hello!", tanging bati ko sa kaniya. Nagulat naman ako nung bigla itong sumigaw atsaka niyakap ako ng mahigpit.

"Waaaah! Takte idol na idol talaga kita! Napanood ko din mga videos mo, grabe ang swabe ng mga galaw mo! Acck!", sabi nito sabay tili. VIDEOS?! May videos ako? Anong video? Saang video? Sino ang nagvideo? WAT?!

"Guess you've made a new friend, babe.", sabi ni Aldrin na ikinakunot-noo ko lamang.

"Nice to meet you, ma'am--

"Oh for goodness sake! Don't ma'am-ma'am me! Call me Sam, for short! Kaibigan na tayo ah? Bahala ka diyan. Hahaha!", sabi nito atsaka tumawa. Ngitian ko lamang si Samantha atsaka tinapos na ang aking pagkain. Grabe first time yata akong nahiya sa babae. Watdafak!

"Kuya mo si Kyle, diba? Kyle Duazo? The soccer's heartthrob?", tanong nito. Muntik naman akong nabilaukan sa sinabi niyang heartthrob. Puta, heartthrob pala ang gurang na yun? Di ko alam yan ah!

"H-heartthrob?", tanong ko na ikinatango niya naman kaagad. May kinuha siya na magazine sa bag niya atsaka pinakita sa'kin. "Look. Nandito kayong magkakapatid sa sports magazine na ito. And I can really say na ang galing niyo talaga! Super! Aaack!", sabi nito atsaka tumili na naman. Napaface-palm lamang si Jacob na ikinatawa lamang namin ni Aldrin.

"Teka, tapos naba kayong kum--

"Nasan ang kuya mo ngayon, Kai?!", Samantha asked me with beaming eyes.

"Nasa bahay. Nanonood ng po--

"Aaah omg! Ang gwapo talaga sa heartthrob na yun aweee", sabi nito. Tiningnan ko si Jacob na ngayon ay nakakunot ang noo.

"Hoy! Mas gwapo pa ako sa tikbalang na yun!", biglang sabat ni Jacob. "Atsaka marunong din kaya ako mag soccer!", dagdag nito.

"Marunong ka nga. Pero hindi kagaya ni Kyle na super expert talaga!", sabi nito atsaka tumili na naman. "Takte may pic pa ako dito na ininom niya ang tubig tsaka tulo pawis pa. Waaah! Omg! How to be a waterbottle?!", dagdag nito.

Tawang-tawa lamang kaming dalawa ni Aldrin dito habang si Jacob naman ay halatang nagseselos at nabobored sa kay Samantha.

"Edi doon ka sa Kyle na yun! Tss.", agad na sabi ni Jacob atsaka umalis. Natahimik naman si Samantha atsaka sinundan ng tingin si Jacob.

"Teka lang ah? Susundin ko lamang ang seloso na yun. Be right back!", agad na sabi nito at kaagad ng umalis.

Nagkatinginan lamang kami ni Aldrin atsaka napatawa na lamang sa nangyari. Hay nako. Ang saya sa araw ko.

Ang Girlfriend Kong Tomboy (REVISED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon