Aldrin's P.O.V
AFTER LUNCH
"Huy, okay ka lang ba? Ba't parang badmood ka ata ngayon?", tanong ko sa kay Kai na ngayon ay hindi na maipinta ang kaniyang mukha.
"Wala. Nagugutom lang ako.", sabi nito. Kumunot naman ang noo ko sa sagot niya. Seryoso? Gutom?
"Nanaman? Kakatapos lang ng lunch ah?", sabi ko pero sinamaan niya lang ako ng tingin.
"Pake mo? Eh sa gutom eh!", sabi nito tsaka tumayo. "Punta tayo canteen. Samahan mo'ko.", dagdag nito tsaka hinila na ako palabas. Aray ha! Makahila to wagas!
Teka, ano ba ang nangyari sa kaniya? Ang weird niya kanina. Crave ng crave eh! Tsaka ang sungit din niya sa'kin. Yung tipong isang tawag lang sa pangalan niya naiinip na. May nagawa ba ako? Ano ba kasi ang nagawa ko? Tas ngayon gutom na naman siya.
Teka..di kaya'y buntis ang tukmol?
Aish! Bobohan Aldrin! May nangyari na ba sa inyo, ha? Virgin pa kayo uy! Gago.
Tsk. Mag-sorry nalang kaya ako? Baka may mali akong nagawa pero di ko namalayan.
"Uh, Kai", tawag ko sa pangalan niya ngunit di ako pinansin sa loko. Suplada, amp.
"Limang banana cake po, aleng.", rinig kong sabi niya sa tindera na ikinalaki sa mata ko. Tang-ina. Lima?!
"Huy! Baka magkasakit tiyan mo diyan!", saway ko sa kaniya pero binelatan lamang ako sa loko. Ah sige! Tanggalin ko dila mo eh, amp.
"Pake mo? Eh nag crave ako eh!", sabi niya tsaka nagbayad na sa counter. Oh, tingnan niyo na? Nagc-crave na naman siya. Baka nga kasi buntis eh!
Hayop ka wala pa ngang nangyayari sa'min! Tsk, excited lang eh. HAHAHAHA hatdog.
Napangiwi lamang ako habang tinitingnan ang girlfriend ko na todo lamon sa banana cake na binili niya. Juicekopo, sana nama'y mabilaukan to.
"*ubo* *ubo* acck! T-tubig.", at ayon nabilaukan nga. Dali-dali naman akong bumili ng tubig at binigay kaagad sa kaniya. Hinihimas-himas ko ang kaniyang likod habang umiinom siya sa tubig. So bale para siyang bata.
"Okay ka lang ba talaga? Nag-alala na ako dito.", sabi ko ngunit ngiti lamang ang binigay niya sa'kin.
"Salamat sa tubig.", sabi nito tsaka hinalikan ako sa pisngi na ikinagulat ko. "At oo, okay na ako. Yay! You're the best boyfriend ever!", dagdag nito. Okay, ang weird niya talaga. Di kaya'y lasing to?
Ampotek di naman umiinom ang tukmol na ito eh. Tae! Ano ba kasi ang nangy--
Teka.. di kaya'y...
Menstruation?!
"B-balik na tayo sa room?", tanong ko sa kaniya na ikinangiti niya lamang sabay tango.
Tama. Baka menstruation nga. Eh kasi naman magc-cravings din naman ang mga babae diba? Tsaka magiging moody sila. Tsaka napansin ko si Kai na napakasungit sa'kin kanina. Tas ngayon pinagsabihan pa ako na best boyfriend daw ako. ampopo. Pero thank you, ah? Ayieee.
Ng makabalik na kami sa room ay kaagad naman kaming umupo sa mga upuan namin. Tsaka si Kai naman ay kapit ng kapit pa din sa braso ko. Parang tuko lang eh.
"Kai, baka makita tayo ni sir.", sabi ko sa kaniy ngunit nag-pout lang siya. Aba! Ang babae niya ata ngayon ah?
"Bahala na! Eh gusto ko ang braso mo eh.", sabi nito na ikinahawak ko lamang sa batok ko. O sige bahala ka diyan. Gawin mo gusto mo. Mahal naman kita eh. Ako nalang bahala mag-explain sa kay sir.
"O, sige. Alam kong masakit yang puson mo ngayon so itulog mo muna iyan para magiging maayos kana.", sabi ko tsaka hinimas na ang kaniyang buhok.
Maya-maya pa lamang ay dumating na si sir. Kasama niya ang bagong student. Yung famous daw sa putragis na tiktok.
"We have a new student--
"Hailey Morgan!", sigaw ng lahat. Well I mean, nila lang pala. Di kami kasali. Pake ba namin?
"Ay, kilala niyo na pala ako.", sabi nito na ikinatawa naman nila. "Nice to meet ya'll! Sana nama'y maging kaibigan ko kayo!", sabi nito na ikinahiyaw lamang sa lahat.
"Ms. Beautiful, pwede ba tayo maging more than friends?", tanong ng chixboy naming kaklase na ikinahiyaw naman sa lahat. Putragis ang ingay. Natutulog girlfriend ko dito!
"Luh siya parang tanga.", pabebeng sabi nung Hailey na ikinatawa lamang sa lahat. "Kidding aside. You want to be more than friends? Sure! We can be best friend!", dagdag nito na ikinahiyaw na naman nila.
"Then best friend turns into lovers.", sagot naman ng isa naming kaklase na ikinahiyaw na naman nila.
"O, tama na iyan. Ang landi niyo pala, ah?", sabi ni sir na ikinahagalpak lang ng tawa nila. "Okay, Hailey, upo ka doon sa tabi ni Lester.", dagdag ni sir na mas ikinahiyaw pa nila. Si Lester pala ang chixboy naming kaklase.
"Paniguradong perfect attendance na ang bugok na 'yan!", sabi ng isa naming kaklase na ikinatawa naman sa lahat.
"Di lang perfect attendance, kundi perfect in exam din!", sabi ni Lester na ikinagalpak naman nila. Loko-loko talaga 'tong abnuy na ito.
Sa gitna ng pag-aasaran nila dito ay biglang tumunog ang cellphone ko. Isang text na galing sa kay Jacob.
[Dre, di muna ako papasok ah? Sinamahan ko kasi si Samantha dito sa clinic. Sumakit tiyan niya eh. May nakain yatang masama. Tsaka, puntahan niyo lang kami dito mamaya at ibalita mo sa'kin ang mga ganap diyan. Ha? Hatdog. Salamat, dre!]
Loko-loko may hatdog pa amp.
Nag-reply naman ako ng 'okay' at tiningnan si Kai na mahimbing lamang ang tulog. Napangiti lamang ako atsaka hinalikan ang buhok niya.
"Okay, listen.", sabi ni sir na ikinatahimik na sa lahat. "Next week, will be having our campings. Ewan ko kung saan basta sa labas. And alam niyo naman siguro ang mga dadalhin diba?", tanong ni sir na ikinatango lang naming lahat.
"Good. And also, no bringing of alcoholic drinks, drugs, tobacco, at mga iba pang mga nakakamatay na gamit. Kapag mahuli ko kayo, lahat kayo mismo, detention. Understood?", tanong nito na ikinatango naman sa lahat. Ay hindi, undersit.
"Okay good. So ngayon, bibigyan ko kayo ng oras na mag-meeting para sa camping. May kukunin lamang ako sa office. Okay?", sabi ni sir tsaka tumayo. "Bell na pala mamaya at uwi kayo kaagad.",dagdag ni sir at tuluyan ng umalis.
Tae, kailangan na naming puntahan si Jacob sa clinic.
BINABASA MO ANG
Ang Girlfriend Kong Tomboy (REVISED)
Novela Juvenil(Completed) Kakayanin kaya ng isang lalake ang relasyon nila kasama ang kaniyang barakong babae? Paano kaya sila magkaintindi kung pareho sila mismong galaw lalake?