Kai's P.O.V
Pagkatapos sinabi ni Aldrin ang mga naganap sa classroom sa kanina ay sakto din na nagbell na.
Kaagad naman kaming nagpa-alam kina Jacob at Samantha na-uuwi na kami. At syempre ihahatid ako sa jowa ko mismo. Di yun papayag eh na uuwi akong mag-isa. Sweet diba? Protective amp.
"Okay ka lang?", tanong ni Aldrin sa'kin kaya agad naman akong tumango at ngitian siya.
"Oo naman! Bakit mo naman naitanong?", tanong ko naman sa kaniya.
"Hindi ba puwede? Char.", sabi nito na ikinatawa ko kaagad sa sinabi niyang char. Eh ba't ba? Nakakatawa eh. "Sakay ka na.", dagdag nito.
"Sakay saan?", tanong ko ngunit kumunot lamang ang noo ni Aldrin.
"Alangan namang sasakay ka sa'kin diba? Syempre dito sa kotse. Pero mas gusto ko talaga kung sasakyan mo din ako.", pilosopong sagot nito sabay ngising manyak. Napahawak na lamang ako sa ulo ko dahil hindi ko din alam kung bakit ko naitanong ang tanong na iyon.
Sumakay naman ako sa kotse at nagsimula na ding nagdrive si Aldrin. Nakatingin lamang ako sa kaniyang mga kamay na maraming ugat. Ang ganda kasi tingnan.
"Anong tinitingin-tingin mo diyan?", tanong niya. Kaagad naman akong umiiling-iling atsaka ngitian siya. Taeng menstruation 'to. Ang lagkit na sa napkin ko letche.
"Kai Duazo.", tawag ni Aldrin sa'kin kaya napatingin naman kaagad ako sa kaniya.
"Hmm?"
Hininto niya muna ang kotse atsaka hinarap ako. Dahan-dahan naman siyang lumapit sa'kin kaya agad namang pumintig ng malakas ang puso ko at di ko namalayan na nakapikit na pala ang aking mga mata at naghintay lamang sa mga halik niya.
Ngunit nagtaka ako kung bakit hindi pa din siya humalik kaya dinilat ko naman ang aking mga mata at nakita siya na ningitian lamang ako.
"Nandito na tayo.", sabi niya sabay labas sa kaniyang sasakyan. Agad naman akong tumingin sa labas at nakita ko na nasa bahay na pala kami.
At kaya pala lumapit siya sa'kin kanina para pagbuksan ang pinto na kung saan akala ko talaga na hahalikan niya ako.
Sige. Asa ka pa Kai! Ang landi mong tomboy ka. Itapon kita sa Mercury eh.
Ngitian ko lamang si Aldrin atsaka bumaba na din ako sa kotse. Sinara naman niya ang pinto at hinatid pa niya talaga ako sa gate. Hanggang gate lang din naman.
Habang naglalakad kami, naiinis ako dito habang siya naman ay tawang-tawa pa talaga. Sana nama'y mabilaukan ka diyan.
"Ayieee umaasa ka ba na hahalikan kita?", asar nito sa'kin at talagang ginugusot-gusot niya pa talaga ang gilid ko ah. Hayop 'to.
"Nakakatuwa 'yon? Tss, hayop.", sabi ko tsaka inirapan siya. Ng nakarating na ako sa gate ay akmang bubuksan ko na sana kaso agad naman niya akong pinigilan.
"Babe, sorry na oh.", sabi niya kaso di ko pinansin ang loko. Bahala siya diyan. Nakakatawa ba yung umasa ka dahil akala mo hahalikan ka? Tss.
"'Wag mo akong ma babe-babe diyan. Hindi kita kilala.", malamig kong sabi at tiningnan siya ng masama. "Alis na'ko. Salamat sa paghatid. Night.", sabi ko sabay bukas sa gate.
"Ehh Kai naman eh! Hahalikan naman talaga kita eh! Nagplano pa nga ako paano ka halikan para romantic.", parang bata na sabi ni Aldrin. Tiningnan ko lang siya atsaka ngisihan ng nakakaloka.
"Pake-hanap nalang ang pake ko. Uwi ka na.", sabi ko sabay sara sa gate at pumasok na sa bahay. Bahala siya doon. Gago yun.
Oo! Umasa talaga ako! Pero respeto naman! Wag naman sanang pagtatawanin lalong-lalo na't nasasaktan mismo ang sarili natin.
Pagkabukas ko palang sa pintuan ay nabungad ko kaagad si mama na nakahibis ng panlakad.
"Hi ma.", bati ko at kaagad namang nag-mano.
"Hay salamat at nandito ka na. Magbihis ka dahil pupunta tayo ng hospital ngayon!", natatarantang sabi ni mama na ikinakunot lamang sa noo ko.
"Bakit? Anong nangyari?", kaagad na tanong ko. Pati ako nagumpisa na ding natataranta.
"Yung kuya mo naaksidente! Putchi bilis na kasi!", sabi ni mama at talagang natataranta na talaga. Nabitawan ko naman ang dala kong bag at kaagad na dumiretso sa kwarto ko para magbihis.
Mga 10 segundo lang yata ako natapos sa pagbihis dahil pati ako natataranta na din. Agad naman akong bumaba at sabay na kami ni mama lumabas sa bahay. Ni-lock naman niya ang mga pinto at sumakay na kami sa kotse. At ako mismo ang nag-drive.
"Bilisan mong magmaneho anak. Nag-alala na ako dito sa kuya mo.",maiyak-iyak na sabi ni mama na ikinapintig naman sa puso ko.
"O-opo ma.", sabi ko at saktong umandar na ang kotse ay kaagad ko naman itong ini-full speed. Nagingibabaw na ang kaba at takot ko dito. Mahigpit din ang paghawak ko sa manobela habang nagsasariling nagdasal na sana'y okay lang si Kuya at buhay pa.
"A-ang kuya mo..ang anak ko. Si Kyle..", rinig kong sabi ni mama kaya mas napabilis ko ang takbo ng sasakyan. Peste. Mas nararamdaman ko lalo ang sakit ng nakikita ko si mama na umiiyak. Tae ayokong makitang umiiyak siya.
"Kalma ka lang, mama. Malapit na tayo. Think positive lang po.", sabi ko pero maski sa sarili kong sinabi ay hindi ko magawa. Hindi ko magawang mag-isip ng positibo kung sa sarili ko mismo ay napaka-negatibo na.
"Ang anak ko..", paulit-ulit na sabi ni mama na mas ikinahigpit ko ng hawak sa manobela.
Maya-maya pa lamang ay nandito na kami sa ospital kaya hindi na kami nagdadalawang-isip ni mama at kaagad ng bumaba.
Tumakbo naman kami papasok at kaagad din namang nagtanong si mama sa Counter kung saan ngayon nakalagay si kuya.
Room 44 daw. Tae ang layo. 3rd floor ang gago.
Kaya agad naman kaming tumakbo ni mama sa elevator at pinindot na ang numerong 44.
Habang naghihintay kami na makarating doon ay niyakap ko si mama dahil iyak pa din siya ng iyak. Mas lalong sumakit ang puso ko ng marinig ko ang kaniyang hagulhol na iyak at ang kaniyang mga luhang tumutulo sa kaniyang mga magagandang mata.
Maya-maya pa lamang aybumukas na ang pinto sa elevator kaya agad naman kaming lumabas at hinanap ang room 44.
Ng nahanap na namin ay syempre kaagad na kaming pumasok at nasalubong kaagad namin ang girlfriend ni kuya na si Perley na todo iyak din.
Tumakbo naman si Perley sa kay mama at niyakap ito. Habang ako dito ay nakatitig lamang kay Kuya na nakahiga sa kama at wala itong malay. Puno din ng dugo ang kaniyang uniporme.
Di ko namalayan na niyakap na din pala ako nina Perley at mama dahilm humahagulhol na pala ako sa iyak.
Sana nama'y magiging maayos lang si kuya. Sana lang po. Gabayan niyo po siya, Ama.
BINABASA MO ANG
Ang Girlfriend Kong Tomboy (REVISED)
Novela Juvenil(Completed) Kakayanin kaya ng isang lalake ang relasyon nila kasama ang kaniyang barakong babae? Paano kaya sila magkaintindi kung pareho sila mismong galaw lalake?