Chapter 10

953 19 11
                                    

Kai's P.O.V

"KAI DUAZO! BUMANGON KANAAA!", sigaw na ng pangalawang alam clock ko.

"5 minutes!", inis kong sigaw at inilibing na ng kumot ang sarili ko kaso kinuha yun ni Kuya at tinapon lang kaya inis naman akong bumangon at sinamaan siya ng tingin.

"Matutulog ka nalang ba diyan habang buhay?! Nandiyan na si Aldrin sa labas oh! Naghintay sayo!", sigaw na sabi ni Kuya sa'kin na ikinalaki ng mata ko. Agad akong tumayo at sumilip sa bintana kaso ginawa ko lang ang sarili ko na tanga dahil umasa lang pala ako sa WALA. 

Inis kong tiningnan si Kuya pero nakita ko na siya humagalpak na ng tawa ang buang. At dahil sa kainis ko, inis kong kinuha yung sapatos ko at tinapon sa kaniya. Ayun. HEAD SHOT!

"ARAY!", inis niyang sabi at sinamaan ako ng tingin pero ngisihan ko lang siya.

"Serves you right, asshole", sabi ko sabay kuha na sa tuwalya ko at dumiretso na sa banyo. Nung nasa banyo na ako ay biglang sumigaw si Kuya.

"HUMANDA KA MAMAYA BUNSO!", inis niyang sabi na ikinangisi ko lang sa banyo. Ooh, matatakot na ba ako? Charot lang.

Naligo na ako then after that, ginawa ko na ang morning routines ko and then lumabas na at sumakay na sa kotse ni Kuya.

Habang nagda-drive si Kuya ay kinain lamang kami ng tahimik. Maski isa man lang sa'min, WALA talaga ang nagsalita. First time in My history ko nga ito eh.

Pagkatapos ini-parking ni Kuya yung kotse, agad akong bumaba at pumasok na sa gate. Pagpasok ko palang sa gate ay narinig ko na yung bell kaya agad akong kumaripas ng takbo na mala FLASH ang dating papunta sa line formation namin. 

"Oh? Bat pinagpawisan ka?", agad na tanong ni Jacob sa'kin.

"Kasi tumakbo ako?", patanong ko na sagot pero sinamaan lang niya ako ng tingin

"Leche mo din eh no?", sabi ni Jacob na ikinangisi ko lang.

After morning activities ay pumasok na kami sa room at dumating naman kaagad ang guro namin.

"Okay class so halfday lang pala tayo ngayon dahil may emergency meeting kami mamaya at kailangan talaga ng principal ang attendance namin. Ngayong lunes na pala ang Sports Day natin so I expect na lahat dapat kayo ay may sports na lalaruin. Okay? Bye!", sabi ni Sir at lumabas na kaya agad namang nag-ingayan ang mga kaklase namin. 

"Uy! Anyare sayo? Bat tahimik kapa sa may patay?", tanong ni Aldrin sabay tawang buang.

"Kasi hindi ako maingay", pilosopa kong sagot na ikinasama lang ng tingin ni Aldrin sa'kin.

"Ay oo nga pala! Anong sport ang lalaruin niyo?", tanong ni Jacob sa'min. Oo nga, ano kaya ang sport ang lalaruin ko?

"Soccer ako. Ka team ko ang kuya ni Kai", sabi ni Aldrin. Astig naman.

"Edi wow. Ikaw Kai? Ano ang sport na lalaruin mo? Soccer ka din?", tanong ni Jacob sa'kin pero agad naman akong umiiling-iling.

"Table tennis. Yun lang kasi ang gusto ko", sabi ko na ikinatango lang ni Jacob. 

"Buti pa yung table tennis, gusto mo. Eh samantalang ako?", biglang tanong ni Aldrin at talagang hinawakan pa niya ang dibdib niya.

"Anong nahithit mo at talagang sinabi mo pa yan sa'kin ha? Syempre gusto din kita no! Kaibigan ko kayo eh", sabi ko at ngisihan si Aldrin pero tinawanan lang niya ako.

Ang Girlfriend Kong Tomboy (REVISED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon