4:00 pm na. P.E. class na naman namin. ‘Pag ganitong oras, sobrang excited ang buong klase namin kasi finally hindi na boring ang subject. Sana ako din, kahit once, makasabay sa sigawan at excitement nila.
"Kaila, tara na. Punta na tayo sa C.R. para makapagpalit ng P.E. uniforms natin.” Sabi ni Beth.
Best friend ko siya since elementary. Fourth year high school na kami ngayon. Mas pinili naming mag enroll sa same school and class. Mahirap din kasi kapag wala kang kakilala sa first day of school.
“Okay lang, Beth. Mauna ka na. Susunod kaagad ako.”
“Sure ka?” Nag thumbs up ako.
“Sige. Sa basketball court ka na sa forum dumiretso ha? May 5 minutes ka na lang para magpalit. Huwag kang magpapa-late.” Tumango ako at ngumiti. Etong best friend ko talaga, sobra kung maging caring. Maswerte ako sa kanya.
Bumalik ako sa upuan ko at kinuha sa ilalim ang pulang paper bag ko. Si mommy pa ang nag prepare noon. Sa loob, andoon yung P.E. uniform ko, rubber shoes, mini towels, extra t-shirt and bote ng mineral water.
"Kaila, anak, 'wag mong kakalimutan na hindi ka pwedeng mapagod at pagpawisan masyado. Inayos ko na ang mga gamit mo." Reminder yan ng mommy ko kanina sa bahay bago ako hinatid ng driver namin.
Normally, madami pang kasunod yan. Like..
"Be sure na tuyo lagi ang likod mo."
"Yung inhaler mo, nasa bag mo na ba? Lagi mo yung dadalhin."
"Huwag mong kalimutang magpalit ng shirt lalo pag mainit na."
"Huwag kang lalayo ng matagal kay Beth kasi baka mapano ka."
"Ingatan mo ang sarili mo, anak, ha? Wala si mommy sa school. Hindi kita maaasikaso."
"Kapag sumama ang pakiramdam mo, i-text mo lang ako, si daddy, si Beth o si Mang Ben."
Nalungkot ako bigla habang nakatingin sa gamit ko. Hindi ba talaga ako pwedeng maging isang normal teenager na anytime pwedeng sumali sa games, mag enjoy o simpleng mag take part kagaya ng sa P.E. class namin?
Alam ko na ang sagot kaya mas nalungkot ako. Aware naman ako simula pagkabata na hindi ako pwedeng pagpawisan at mapagod ng sobra. Delikado kasi kaya sobra akong nag-iingat.
BINABASA MO ANG
That Summer Night (Short Story - On going)
Short StorySummer na naman. Habang ang ibang tao masayang nagpa-plano ng outings, vacations at family gatherings, eto ako sa kwarto ko - nasa harap ng laptop at nanonood lang ng movies. Hindi kasi ako pwede sa outdoor activities. Bawal akong pagpawisan at mapa...