Part 13

29 1 0
                                    

"Uhm, s-sige." Sagot ko. Hinihintay ko siyang magsalita na pero nakailang buntong-hininga muna siya. Nung tatanungin ko na siya kung kailan niya pa balak simulan ang sasabihin niya, naunahan niya ako. Tumingin siya sa akin. Hindi ko napigilan ang sarili ko kaya tumingin na din ako sa mga mata niya.

"I'm very sorry. Sorry kasi inagaw ko yung bag mo at pinahabol kita hanggang sa napagod ka at inatake ng asthma nung Grade 1 pa lang tayo. Hindi ko alam na may sakit ka. Natakot ako noong nakita kitang nahihirapan ka nang huminga at ang putla mo. Ilang gabi din akong hindi nakatulog noon kasi sising sisi ako. Tinanong ako nila mommy kung napano ako pero hindi ko masabi kasi mas papagalitan lang nila ako. Sorry ulit kasi naulit ko na naman yun nung isang araw. Akala ko magaling ka na. Akala ko kaya mo pa. Pero ang tanga ko. Aware na ako sa sakit mo pero hinayaan ko pa rin ang sarili kong maging mean sayo. Sa pangalawang pagkakataon, ako ang dahilan kung bakit ka inatake ng asthma at kung bakit muntik ka nang hindi naka recover kung hindi kaagad naagapan. Alam kong galit na galit ka sa akin kaya nga ayaw mo akong kausapin. Naiintindihan kita. Hindi ako magtatampo sayo kung ayaw mo na akong kausapin o katabi sa clasroom. You have every right kasi i deserve this kind of treatment. Pero, salamat kasi pinagbigyan mo ako ngayon. Kaila, i'm really really sorry. Don't worry, hindi na yun mauulit pa. Kasi ako na ang iiwas. Hindi na ulit tayo magkakaroon ng encounter. Natatakot na din kasi ako. Pakiramdam ko, kapag malapit ka sa akin, hindi kita mapoprotektahan. Instead, napapasama ka pa. Isa na lang ang pakiusap ko. Gawin natin ng maayos yung play. After noon, magpapalipat na ako ng upuan kay Sir Enriquez. Hindi mo na kailangang lumayo. Ako na ang gagawa noon."

Tuloy tuloy lang si Kevin sa pagsasalita habang nakatingin kami sa isa't isa. Hindi ko namalayan na pumatak na ang luha ko. Naging aware lang ako nung magsalita siya at makitang basang basa na ang skirt ko.

"Kaila, huwag kang umiyak. Baka may makakita sa atin at sabihin na pinapaiyak kita. May sasabihin ka ba sa akin?" Pinunasan ko ang pisngi at mata ko. Oo nga pala, ako na ang magsasalita. Ibubuka ko na ang bibig ko pero wala akong makapang sabihin sa kanya. Masyado akong nalunod sa mga sinabi niya. Ang bigat ng pangako niyang lalayuan na niya ako. Bakit ako nalulungkot? Bakit masakit? Gusto ko siyang pigilan sa balak niyang paglayo. Gusto ko sa kanyang sabihin na okay na lahat yun at kalimutan na lang namin. Gusto ko siyang hawakan at yakapin para maiparamdam na huwag na siyang magalala pa sa akin. Pero bakit hindi ko magawa ang lahat ng iyon?

"I guess, wala ka nang sasabihin pa. Thank you for listening and again, i'm very sorry." Nakita ko ang lungkot sa mga mata niya. Tumayo na siya at umalis. Tinalikuran na niya ako. Mawawala na nga si Kevin sa buhay ko. Kakayanin ko ba ito? Hindi. Alam kong hindi. Pero yun na ang gusto niya. Wala naman akong magagawa.

Iyak lang ako ng iyak hanggang sa may yumakap sa akin at pinapatahan ako. "Bes, tahan na. Hindi maganda sayo ang umiyak. Kalmahin mo ang sarili mo at pagusapan natin. Hindi naman daw papasok si sir kasi may emergency meeting sila. Gusto mo bang lumabas muna tayo ng school?" 

"Bes, ang sakit. Ang bigat." Humahagulhol ako ngayon sa balikat ng best friend ko. Alam kong hindi ko na kailangang sabihin sa kanya ang lahat ng nararamdaman ko kasi alam kong alam niya na yun. Tinatapik tapik niya ang likod ko habang nakayakap pa rin sa akin kaya medyo gumaan ang pakiramdam ko.

Nung medyo kalmado na ako, napagusapan namin ni Beth na magpunta na muna sa malapit na Starbucks sa school. Kailangan kong magpahangin. Kailangan kong mailabas ang lahat ng sakit na nararamdaman ko. Alam kong makakasama sa akin ang pagiyak at sobrang emosyon pero mas mahirap ang sarilinin at kimkimin ko lang ito.

Umorder muna siya at umupo sa harap ko. "Bes, gusto mong pagusapan?"

"Bes, bakit ganoon? Akala ko kapag pinagbigyan ko siyang magusap kami, magiging okay na ang lahat. Kakalimutan na lang namin yung nangyari at magsisimula ulit bilang magkaibigan. Bakit kabaliktaran yung nangyari? Bakit siya na ngayon ang iiwas? Bakit?" Naiiyak na naman ako.

"E kasi bes, hindi mo naman siya masisisi. Naka 2 strikes na yung tao sayo. Kung ikaw ba, gugustuhin mo pang maging malapit sa kanya? Feeling ko, hindi. Kagaya niya, matatakot ka din. Kung ako sa lugar ni Kevin, ganoon din ang sasabihin at gagawin ko."

"Hindi ko ba siya pwedeng kausapin ulit at sabihing huwag na siyang umiwas? Okay lang naman yun, di ba bes?"

Paulit ulit lang kami ni Beth kasi hindi ako nagiging okay. Hindi sa akin okay ang naging usapan namin. Hindi sa akin okay na hindi ako nakapagsalita. Kakausapin ko siya. Determinado ako diyan. Pero, paano kong gagawin yun? Para akong ewan. Nung una, ako itong iwas ng iwas at siya naman ang lumalapit. Ngayon, feel ko ang ibang role? Paano kung hindi niya ako pagbigyan? Paano kung seryoso na talaga siya na lalayuan ako? Paano kung masaktan ulit ako? Kakayanin ko pa ba kung mangyari yun?

Mahaba ang pasensiya sa akin ng best friend ko kaya alam kong hindi siya mapapagod sa pakikinig sa akin. Pero ayaw ko yung abusuhin. Inubos niya ang inorder niya. Wala kasi akong ganang kumain. Naglakad na kami papunta ng school. Dumaan ang morning period na andun ako sa upuan ni Beth. Hindi ko pa kayang kausapin ulit si Kevin ngayon. Tinitingnan ko lang siya. Hindi siya halos umimik at nag participate sa class discussions. Nag lunch break. Konti lang ang kinain ko. Ngayon nga ay 4:00 na. Nag announce na sa forum daw ulit kami para sa P.E. Shoot! P.E. na naman! Partner ko si Kevin.

Nagpunta kami ni Beth sa C.R. para magpalit ng P.E. uniforms. Dumiretso kami sa basketball court at nadatnan namin si Sir Paul. Nag check siya ng attendance at isa-isa nang naghanapan ang magkakapareha para simulan ang next practicum sa basics ng basketball. Shooting kami ngayon. Magtuturuan muna ang magka-partner kung paano ang tamang tayo at position para maka shoot ng maayos at isa-isa kaming magta-try mag shoot sa ring. Hinati ang klase. Since 40 kami, may 20 pairs. Tig 10 pairs sa bawat ring.

Nakatayo lang ako hanggang sa may lumapit sa akin at may binigay na bola. "Tara, practice tayong mag- shoot? Tuturuan kita."

That Summer Night (Short Story - On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon