Part 6

44 1 0
                                    

Naawa kami ni Beth kay Irene. Hindi na ako nakatiis. Pumunta ako sa gitna, sa tabi ni Irene. Naiwan si Beth sa kinatatayuan namin kanina.

"Boys, ibigay niyo na ang bag ni Irene. Kita niyo nga na umiiyak na siya." Sigaw ko sa kanila.

"Bakit, gusto mo bang bag mo ang pagpasa-pasahan namin?" Mayabang na tanong ni Tom.

"Oo nga. Haha! Tom, ibigay mo na ang bag ni Irene. Ito ang pagpasa-pasahan natin." Sabay hila ni Mark sa bag ko na sa isang balikat ko lang nakasabit.

"Hoy Mark, akin na ang bag ko!" Pinagpapasa-pasahan na nila. Kahit ano ang gawin kong pag-agaw, pagtalon at pagsigaw, hindi pa rin nila ako tinitigilan. Ipinasa ulit nila kay Kevin yung bag ko sabay takbo. Hinabol ko siya. Sumisigaw ako at tinatawag siya na ibalik na ang bag ko pero takbo pa rin siya ng takbo. Ang bilis niya.

"Kevin, akin na sabi ang bag ko e!" Tumigil ako sa pagtakbo. Naramdaman ko na ang pagod at hinihingal na ako.

Biglang sumisikip ang dibdib ko. Nahihirapan akong huminga.

Hawak hawak ko ang dibdib ko at naramdaman kong bumagsak na ako sa grass. Pumikit ako at nagsimulang umiyak.

"B-Beth!" Tawag ko sa kanya. Maya maya, narinig ko na siya sa tabi ko. Pero nung magsasalita ako ulit, . .

"Kaila!" Si Mang Ben. Alam niya ang gagawin. Teka, yung bag ko. Andun yung inhaler ko.

"Asan yung bag ni Kaila?" Tanong niya kay Beth. Tinuro ni Beth si Kevin na ngayon ay tumigil na din sa pagtakbo. Tinawag ni Mang Ben si Kevin at inagaw niya yung bag ko. Binuksan niya ito at narinig ko ang tunog ng zipper. Yun yung pouch na lagayan ng inhaler ko.

"Kaila, anak, ito na ang inhaler mo. Higupin mo ang gamot after kong i-press to ha? Sinunod ko siya. Dalawang beses niya yung ginawa. Dalawang beses ko ding nakayanan na higupin yung gamot galing sa inhaler ko. Maya maya pa, naramdaman ko na binuhat na ako ni Mang Ben.

"Bata, itatakbo ko si Kaila sa hospital ha? Sarado na kasi ang clinic dito. Umuwi ka na rin." Kinausap ni Mang Ben si Beth. Lakad-takbo ang ginawa ni Mang Ben hanggang sa naramdaman kong ihiniga na niya ako sa kotse.

Naramdaman ko ang hangin sa ilong ko. Unti unti kong idinilat ang mga mata ko para matingnan kung nasaan ako. Lahat puti. Sa kaliwa ko, may vase at mga white roses. Sa right side ko, andun si mommy. Hawak ang kamay ko at nakatungo. Nakatulog na siguro. Ginalaw ko ang kamay ko kaya nagising siya.

"Kaila, anak, gising ka na. Kamusta ang pakiramdam mo?" Very worried na naman siya. Ngumiti ako sa kanya at hinawakan ko din ang kamay niya ng left hand ko.

"Okay na po ako, mommy." Na relieve siya.

"Mabuti naman. Nag worry ako sayo, anak, nung tinawagan ako ni Mang Ben na andito ka daw sa hospital. Akala ko kung napano ka na. Classmate mo daw ang dahilan kung bakit ka inatake. Sino siya, anak? I have to talk to him with his parents."

Natakot ako bigla sa sinabi ni mommy. Mukhang galit siya. Sasabihin ko ba na si Kevin ang dahilan? E ako naman yung pumagitna sa kanila kasi ayaw ko sa ginawa nila kay Irene. 

"Uh, mommy. Huwag na po. Okay naman na ako e. Iiwasan ko na lang po siguro siya." Pag assure ko kay mommy.

"Oh sige, anak. What's important is you're okay now. Ayaw ko na lang maulit ito kasi hindi ko na mapapalampas. Alam mong may sakit ka. Di ba sabi ko sayo bawal kang mapagod at pagpawisan. Mabuti na lang, nakita ka kaagad ni Mang Ben at nakuha niya yung inhaler mo. Ang tagal mo daw kasing lumabas ng classroom kaya nainip siya at pinuntahan ka na."

Natigil si mommy nung biglang may kumatok sa pinto at bumukas ito. Si Beth kasama ang mommy niya. May dala silang flowers and fruits. Lumapit sa akin si Beth samantalang yung mommy niya, kinausap naman si mommy.

"Kaila, okay ka na ba? Natakot ako kanina. Akala ko kung napano ka na. Iyak ako ng iyak kay mommy. Sabi ko, kailangan kitang puntahan. Wala akong nagawa kanina para tulungan ka, Kaila. Hinayaan ko lang na pagpasa-pasahan nila yung bag mo. Hindi ko kasi alam na may sakit ka. Takot din ako sa classmates natin. Sorry, Kaila. Sorry.." Umiiyak na si Beth.

Naiyak din ako sa mga sinabi niya kasi hindi ko expected na ganoon siya nag worry sa akin. Tinakpan niya ang mukha niya ng dalawa niyang kamay habang umiiyak pa rin. Lumapit naman ang mommy niya sa kanya at niyakap siya. Tinapik ko siya sa balikat at humarap naman siya. Kinuha ko yung kamay niya.

"Beth, huwag ka nang umiyak. Okay naman na ako. Tsaka wala kang kasalanan. Ako naman yung may kagustuhan na tulungan si Irene. Hindi ko lang siguro nakayanan yung pagod kaya inatake ako." Ngumiti ako sa kanya para tumigil na siya sa pagiyak.

"Thank you, Kaila. Promise ko sayo, hindi na kita hahayaan na magisa kahit kailan. Lagi lang akong nasa tabi mo. Hindi tayo maghihiwalay. Aalagaan at poprotektahan kita. Ikaw kasi ang best friend ko."

Mas naiyak na ako sa mga sinabi niya. May best friend na ako. Umupo ako sa bed at yinakap siya. Nung okay na kami pareho, nagtawanan na lang kami. Maya maya pa, nagpaalam na sila ng mommy niya.

"Good bye, Kaila. Magpagaling ka. See you sa school, kapag okay ka na." Kumaway siya at lumabas na sila ng kwarto.

Ilang araw pa akong nag stay sa hospital kasi inobserbahan pa ako ng doctor ko. Nung saturday na, sinundo na kami ni Mang Ben. Nasa likod ng driver's seat, katabi ko sila mommy and daddy. Masaya sila kasi okay na talaga ako. Pagdating namin sa bahay, kinarga ako ni daddy at dinala sa room ko. Inihiga nya ako, kinumutan at nag kiss sa forehead ko. Hinawakan niya ang kamay ko.

"Anak, huwag na sanang mangyayari ulit yun. Kinabahan si daddy. Ayaw naming may masamang mangyari sayo ulit. Hindi ko kaya, hindi namin kaya ng mommy kapag nawala ka sa amin.." Naiiyak na sinabi ni daddy. Niyakap ko siya.

Nagiisa kasi akong anak. Hindi na daw ulit nagbuntis si mommy kasi maselan yung pagbubuntis niya sa akin. Simula nung bata pa ako, sakitin na daw ako. Maya't mayang itatakbo sa hospital. Halos doon na nga daw kami tumira. Kaya nga hindi na rin nagwowork si mommy para maalagaan niya ako. Naging okay naman yung kalagayan ko kaya lang, nalaman namin lately na may asthma ako. Naiintindihan ko ang parents ko kung bakit ganito na lang sila mag alala para sa akin.

"Promise, daddy. Hindi na po mauulit yun. Iiwasan ko yung classmate kong yun. Magiging good girl po ako at susundin ko ang sinasabi niyo palagi ni mommy. Andiyan naman na ang best friend ko. Siya po lagi ang kasama ko."

Umalis na si daddy sa room nung sinabi kong inaantok na ako. Nagpahinga pa ako sa bahay hanggang Sunday kasi kailangan ko na din pumasok sa school nung Monday.Pagdating ko sa classroom, si Kevin kaagad ang nakita ko. Tumingin siya sa akin pero saglit lang. Gaya ng promise ko kay daddy, iiwasan ko siya. Nakita naman ako ni Beth. Tumakbo siya at niyakap ako.

"Andito ka na, Kaila. Yehey! Okay na talaga ang best friend ko!" Hinawakan niya ako sa kamay at kinuha niya yung gamit ko. Dumiretso kami sa upuan namin at nagkwentuhan muna bago nagstart si Teacher Anne ng lesson.

~End of Flashback

That Summer Night (Short Story - On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon