Part 4

49 2 0
                                    

"Sabi ni doc kanina, mild asthma attack lang yun. Napagod ka lang masyado. Di ba, hindi pwede sayo yun?"

In-explain ni Nurse Lenie yung kalagayan ko kanina. Akala ko talaga seryoso na nung inaatake ako.

"Kasi po, P.E. class namin at kailangan lahat mag-participate. Mas mag iingat na lang po ako. Thank you po ulit." Nagpaalam na kami ni Beth kay Nurse Lenie at lumabas na ng clinic.

Paglabas namin ng clinic, mas inusisa at tinukso ako ni Beth tungkol kay Kevin.

"Bes, sinave ka ni Kevin. Uuyy..!" Eto na naman siya sa panunukso sa akin sa lalaking yun.

"Kinikilig ka na niyan, bes?" Inis na tanong ko. Alam kong hindi siya makukuntento kapag hindi niya nakitang naiinis na ako.

"Eto naman. Joke lang. Huwag kang magalit sa akin." Nararamdaman ko na pinapagaan niya lang ang sitwasyon. Hindi naman talaga ako nagagalit. Gusto ko lang na tumigil na siya kasi hindi naman nakakatuwa.

Pero bakit may part sa akin ang napapa smile pag naiisip ko si Kevin? Ay hindi! Kabaliktaran dapat ang nararamdaman ko.

Di ba nga, siya ang dahilan kung bakit inatake na naman ako ng asthma ko? Siya ang dahilan kung bakit napagod ako masyado.

Nakiusap pa ako sa kanya na mag-rest muna ako kasi naramdaman ko na talaga yung pagod. Pero hindi siya napakiusapan.

Ang mean niya. Wala siyang consideration sa kasama niya. Naiinis ako sa kanya! Ay mali. Nagagalit ako sa kanya.

Paano na lang kung di ako naagapan kaagad kanina?

Paano kung nagtagal pa ako doon at hindi kaagad nakuha ni Beth yung inhaler ko?

Pero, sa likod ng isip ko, alam kong si Kevin naman ang unang nakakita sa akin.

Dapat ba akong maging thankful sa kanya o dapat akong magalit?

Sumasama ang pakiramdam ko kakaisip nung nangyari kanina.

Habang naglalakad, nakaalalay pa rin sa akin si Beth. Natakot nga talaga siguro siya sa nangyari kanina. Anong klase na naman kaya yung itsura ko kanina?

Sabi kasi ni mommy, sobrang putla ko daw pag inaatake. Ramdam daw yung sakit sa mukha ko. Nakakaawa, in short. Kahit sila ni daddy, sobrang natatakot pa din pag inaatake ako kaya lahat ng pag iingat, ginagawa.

Mabuti na lang andito si Beth at lagi ko siyang kasama. Assured ako na may tutulong sa akin. Pero sabi ko nga, ayaw ko noon. Yung umaasa lagi sa iba.

"Ihahatid kita sa bahay niyo, bes, ha?" Natigil ako sa pagiisip nang magsalita si Beth.

"Sure ka, okay lang?" Pasiguro ko.

"Syempre naman. Kailangan ding malaman nila tita yung nangyari."

"Naku, Beth, huwag mo nang ipaalam sa kanila. Please? Mas magaalala lang sila e. Di naman na mauulit." Pakiusap ko.

"Oh sige. Pero, mag promise ka na mas mag iingat ka na."

"Promise!" Sabay mark ng cross sa heart ko at nginitian siya.

Wala akong kapatid pero may best friend ako. Masaya na ako doon. Nagiisa din kasing anak si Beth. Una kaming nagkakilala nung elementary. First day of school.

~ Flashback: The day I met my best friend, Beth

at si Kevin.

First day of school. Grade 1 na ako. Nasa dining room kami nila mommy and daddy at kumakain ng breakfast.

"Anak, excited ka bang pumasok sa school?" Nakangiting tanong sa akin ni daddy.

"Hindi po masyado, daddy. Kinakabahan ako. Baka wala sa aking pumansin sa room namin. Baka awayin ako ng classmates ko. Baka wala akong maging kaibigan." Nakatungong sagot ko.

"Ikaw talaga. Syempre, may magiging friend ka kaagad doon kasi mabait kang bata." Sabi ni daddy habang hinahaplos ang buhok ko.

"Oo nga, anak. Basta, naka smile ka lang palagi. I'm sure magugustuhan ka ng classmates mo." Pang encourage naman ng mommy ko.

Medyo gumaan naman ang pakiramdam ko sa mga sinabi ng parents ko kaya hindi na ako masyadong kinakabahan sa first day of school.

"Oh, tapusin mo na yang food sa plate mo and drink your milk tapos mag brush na ng teeth at ipapahatid na kita kay Mang Ben." 

"Opo, mommy." At inubos ko na nga ang pagkain ko pati yung isang baso ng milk.

Dumiretso ako sa kusina at nag toothbrush. May apakan ako doon kaya abot ko na ang sink. Nung matapos na ako, pinunasan ko ang kamay at mukha ko ng towel na bigay ni mommy at tumuloy na sa sala.

"Oh, anak. Don't forget yung mga dapat iwasan sa school. Bawal kang pagpawisan at mapagod masyado. Hindi yun pwede sayo. Sa bag mo, may extra shirt at mini towel. Linagay ko sa isang pink na pouch yung inhaler mo. Sa lunch box mo naman, andiyan ang mineral water. Ubusin mo yung linuto ko para hindi ka magutom kaagad."

Nakatingin lang ako kay mommy habang inuulit niya ang mga bagay na dapat kong tandaan. Ganyan si mommy. Very loving and caring. Maswerte ako sa parents ko.

"At kung magka problema man, nasa labas lang ng room mo si Mang Ben. Huwag kang magdalawang-isip na tawagin siya." Dagdag pa ni mommy.

"Opo. Huwag ka pong mag worry sa akin, mommy." Pag-assure ko naman sa kanya.

"Big girl ka na, anak. Hindi magtatagal, dalaga ka na at baka hindi mo na kailanganin si mommy." Bigla niya akong niyakap.

"Mommy naman e. Male-late na po ako." Naiipit niya kasi ako masyado sa yakap niya.

"Ay oo nga pala. Oh siya sige, anak. Good bye! Kiss mo na si mommy."

Nagkiss ako sa cheek niya at ibinigay na ang gamit ko kay Mang Ben.

"Good bye, mommy!" Nakangiting sigaw ko habang palabas ng bahay.

"Mang Ben, ikaw na po ang bahala kay Kaila." Paalala niya sa driver namin.

"Opo, maam. Huwag kayong mag-alala. Ako na po ang bahala sa anak niyo."

 "Salamat, Mang Ben."

Narinig ko pa yung usapan nila mommy at Mang Ben bago ako nakarating sa harap ng kotse at hinihintay ang driver namin.

 "Mang Ben, tara na po!" Excited na tawag ko sa kanya.

Binuksan niya ang passenger's seat ng kotse at pumasok na ako. Sa likod niya linagay yung mga gamit ko.

That Summer Night (Short Story - On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon