Part 3

48 3 1
                                    

Ang sakit ng dibdib ko!

Hindi ako makahinga ng maayos.

Ang sakit! Ang hirap huminga!

Kinakabahan na ako.

Ayaw ko sa pakiramdam na 'to.

Ito yung iniiwasan kong mangyari.

Tulungan niyo ako, please!

Natatakot ako. Ang sakit sakit na.

"B-Beth..." Tawag ko sa best friend ko. Siya ang kailangan ko ngayon.

"B-Beth..." Hindi niya ako naririnig. Ang ingay sa loob ng forum. 

Nanghihina na ako at takot na takot na. Hindi ko na kaya.

Bigla na lang akong bumagsak na hawak hawak ang dibdib ko.

Tulungan niyo ako! Beth, yung gamot ko! 

Iyan ang sinisigaw ng isip ko. Pero alam kong walang makakarinig sa akin.

Biglang may umangat ng ulo ko at ipinatong sa lap niya.

May nakarinig sa akin.

May tumutulong sa akin ngayon.

"Kaila!" Narinig kong tawag niya.

"Kaila, gumising ka!" Kilala ko ang boses na 'to.

"Kaila, anong nangyayari sa'yo?" Bakit pag-aalala ang nararamdaman ko sa mga sinasabi niya?

"Sagutin mo naman ako para matulungan kita." Kilala ko siya pero hindi ko maalala kung sino siya.

Ang nangingibabaw ngayon ay yung sakit ng dibdib ko. Inipon ko ang konting lakas na natitira sa akin.

"B-Beth..."

"Si Beth? Sandali. Tatawagin ko siya. Dito ka lang."

Dahan dahan niyang ibinaba ang ulo ko at rinig na rinig ko ang pagtakbo niya.

"Beth, si Kaila!" Tawag nung pamilyar na tao sa best friend ko.

Ilang tao ang naririnig kong tumatakbo papalapit sa akin.

"Kaila!" Si Beth yun. Alam ko.

"Bes, sandali lang. Labanan mo, okay?"

Bilisan mo na. Hindi ko na kaya ang sakit. Yan ang gusto kong sabihin sa kanya pero hindi ko magawa.

"Beth, napano si Kaila?" Narinig kong tanong ni Sir Paul.

"May asthma po siya, sir. Sandali, kukunin ko ang inhaler niya sa bag."

"Sige. Bigyan niyo ng space si Kaila. Doon muna kayo sa tabi." Si Sir Paul. Narinig ko naman ang mga lakad ng classmates ko palayo.

"Kaila, ito ang inhaler mo. I-try mong higupin ang gamot, okay?" Narinig kong sabi ni Beth. Nung maramdaman ko na ang mouth piece at pag press ni Beth sa inhaler, hinigop ko.

Isa pa. Nagawa ko ulit na higupin yung gamot.

"Sir, dalhin na po natin si Kaila sa clinic. Naibigay ko naman na po yung gamot niya."

"Sige, sige. Ako na ang magdadala sa kanya."

"Class, that's all for today. You can go home now." Narinig kong sabi ni Sir Paul sa mga classmates ko.

Tapos, naramdaman ko na ang pagbuhat niya sa akin. Si Beth, nasa likod ko at naririnig kong umiiyak na siya.

"Bes, magiging okay ka. Alam ko."

Maya maya lang, nasa clinic na kami. Inihiga nila ako sa isang kama doon pagkatapos lagyan ng towel sa likod ko. Inalis din yung sapatos ko at linuwagan yung hook ng bra ko.

May linagay sa ilong ko at maya maya naramdaman ko na may hangin. Oxygen to, sigurado ako. Si Nurse Lenie ang kasama ko ngayon.

"Kaila, deep breathing lang ha? You'll be fine." Narinig kong bulong sa akin ng nurse.

Sinusubukan kong dumilat para sumagot pero mahina pa ako. Mas pinili ko na lang na magpahinga para makaipon ulit ng lakas.

Tinanong ng doctor doon kung ano ang nangyari. Nag kwento naman sila. Pagkatapos noon, nakatulog na ako kaya hindi ko na narinig pa ang mga usapan nila.

Nagising ako nang may maramdaman akong nakahawak sa kamay ko. "Kaila, gising ka na!" Nakangiting Beth ang nakita ko. Ngumiti din ako para ma-assure siya na okay na ako.

"Okay ka na ba talaga?" Tanong niya.

"Oo, bes. Okay na ko."

"Hay.. Buti naman. Kinabahan ako kanina. Akala ko kung napano ka na."

"Salamat kanina. Buti na lang, naturuan na kita kung paano gamitin ang inhaler ko." Natatawa kong sagot.

"Buti na lang kamo at naalala ko kung saan mo linalagay yun sa bag mo. At buti na lang, naisip ko pa yun kahit natataranta na ako."

"Oo nga e. Salamat talaga, bes. Sa ingay ng mga classmates natin kanina, narinig mo ako."

"Narinig? Bakit, tinawag mo ba ako?" Nagtataka niyang tanong.

"Oo, tinawag kita. Kaya ka nga lumapit, di ba?"

"Si Kevin ang tumawag sa akin, Kaila. Siya ang nakakita sayong nasa sahig na."

"Si Kevin?" Kunot-noo kong tanong.

"Oo, siya nga. Ang putla niya kanina, Kaila. Halatang nataranta siya sa lagay mo."

"Kaya pala parang may pamilyar na boses kanina nung nanghihina na ako. Siya pala yun."

"Bakit, bes?"

"Wala, bes."

"Pero teka nga. Bakit ka ba inatake ng asthma mo? Di ba pinaalalahanan kita na huwag magpapagod masyado? Simple lang naman yung pinagawa sa atin e."

"Simple na nga pero di ko pa nagawa." Malungkot kong sagot. 

"Hindi ba naging nice sayo si Kevin? Pinahirapan ka ba niya?"

"Strikto lang siya pero ako naman talaga ang mali. Hindi ko nagawa ng maayos kahit ilang beses ako nag try." Hinawakan ako ni Beth sa balikat ko at tinapik tapik yun.

"Okay lang yan, Kaila. Bawi ka na lang sa sunod. Gusto mo, turuan kita sa sabado?"

"Huwag na, Beth. Ako na lang. Nakakahiya naman. Yun lang tapos aabalahin pa kita."

 Ayaw ko talaga sa lahat ang maging pabigat.

 Ayaw kong nahihirapan ang ibang tao dahil sa akin.

 Ayaw kong may nag-sa-suffer dahil sa akin.

 Ilang taon na akong pabigat dahil sa sakit ko. Gusto kong baguhin na yun.

"Sige, bes. Pero pag kailangan mo ako, i-text mo lang ako, ha? Sa bahay lang naman ako sa sabado."

"Thanks, bes."

"Kung okay ka na talaga, tara na. Almost 6pm na. Magsasara na din itong clinic. Hinintay ka lang talaga naming magising."

"Ay, sige. Nakakahiya naman sa nurse." Sabi ko habang sinusuot yung sapatos ko.

"Nurse Lenie, okay na po ako. Thank you kanina."

"Sure ka, Kaila? Okay ka na talaga?"

"Opo. Mauna na po kami. Ingat ka din po sa paguwi. Thanks ulit."

"You're welcome. Pagdating mo ng bahay, magpalit ka ng damit, kumain ng maayos at magpahinga na. Buti na lang nakita ka kaagad nung isa mong classmate na nakahandusay sa sahig."

"O-oo nga po eh." Nauutal kong sagot kasi naalala ko na naman yung pamilyar na boses na yun pero hindi ko kanina maalala kung sino siya. Si Beth pa ang nagsabi sa akin na si Kevin pala yun.

That Summer Night (Short Story - On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon