Naalala ko na naman yung nangyari noong Grade 1 pa lang kami. Hindi ito ang unang beses na inatake ako. Hindi rin ito ang unang beses na si Kevin ang dahilan. Kaya ganoon na lang ang pag iwas ko sa kanya simula noon. Pero ang hindi ko maintindihan, bakit parang pinagtatagpo kami palagi ng tadhana? Natigil ako sa pagalala ko sa mga nakaraan nung nagsalit si Beth.
"Hoy, Kaila, nakikinig ka ba? Kanina pa ako nagsasalita dito, wala ka na naman sa sarili mo." Inis na sinabi ni Beth.
"Bakit, ano ba ang sinasabi mo?"
"Sabi ko, ayun si Kevin sa may gate." Sabay turo sa kinatatayuan niya.
"Oh, ano naman ngayon?" Mataray na kung mataray. E naiinis talaga ako.
"Hoy, bes. Huwag mo nga akong dinadamay sa galit mo kay Kevin. E, feeling ko kasi, hinihintay niya tayo. Siguro, magso-sorry siya. Siguro, ihahatid ka niya sa bahay niyo. Waaah! Kinikilig ako." Pigilan niyo ako. Masasapak ko itong si Beth.
"Wala akong pakialam. Sabi ko sayo, hanggang makakaya ko, iiwasan ko siya. Nag promise ako sa parents ko. Alam mo yan, Beth.
"Oo na,sorry na. E kasi, bakit naman siya tatayo sa may gate kung wala siyang hinihintay?"
"Ewan ko. Bahala siya. Umuwi na tayo. Baka hinihintay na ako nila daddy. Magwo-worry na naman yun. At ikaw, please lang, huwag mong mababanggit sa kanila ang nangyari kanina. Nag promise ka."
"Oo na, promise na nga po, di ba? Huwag ka lang magalit. Tara na." Naglalakad na kami ni Beth palabas ng school. Dadaanan na namin si Kevin. Napatingin ako sa kanya kaya nakita ko na umayos siya ng tayo. Nakapamulsa kasi siya kanina. Bigla siyang kinakabahan na parang ewan. Inalis ko ang tingin ko sa kanya at nagtuloy tuloy sa paglalakad. Nasa tabi ko naman si Beth. Hindi siya nagsasalita. Takot niya lang na magalit ako sa kanya.
"Uhm, K-Kaila.."
Si Kevin yun, di ba? Tinawag niya ako sa pangalan ko. Ang alam ko, 'hoy' ang tawag niya sa akin. Ay ewan, di ko siya lilingunin.
"Kaila, sandali!"
Ang kulit din. Hindi niya ba maramdaman na ayaw ko siyang kausapin? Lumapit siya sa akin at hinawakan ang balikat ko. Bakit ganoon? Iba ang pakiramdam ko sa ginawa niya? Bakit parang gusto ko yung paghawak niya sa akin? Sandali! Anong nangyayari sa akin? Tumingin ako sa kanya. Ano itong nababasa ko sa mata niya? Lungkot, pagsisisi,sakit at takot. Kung hindi ako nagkakamali, yan ang mensahe ng mga mata niya. Pero bakit?
"Mag usap tayo, Kaila, please?"
"Bakit? Anong dapat nating pagusapan? Wala naman, di ba?" Mataray kong sagot.
"Meron, Kaila. Pakinggan mo ako, please." Pakiusap niya. Pero ayoko. Ayaw ko siyang pakinggan. Inalis ko ang kamay niya sa balikat ko at naglakad ako ng mabilis habang hila hila si Beth.
"Kaila, please!" Narinig ko pang sigaw ni Kevin. Pero hindi ko na siya pinansin pa. Simula ngayon, mas gagawin ko ang lahat para iwasan siya.
Nakarating kami ni Beth sa bahay kasi inihatid niya nga ako gamit ang kotse niya. Day off kasi ni Mang Ben ngayon. Dinala niya sa clinic ang asawa niya. Nagpa checkup kasi madalas na nahihilo. Baka nga daw buntis. Pagdating namin, linagay muna namin yung bags namin sa sofa at dumiretso ako sa kusina. Andoon si mommy. Linalagay niya sa plate yung linuto niyang adobo. Mukhang mapapasarap ang kain ko nito. Yes!
"Hello, mommy!" Masigla kong bati sa kanya. Lumapit ako at nag kiss sa cheek niya.
"Kasama ko po si Beth. Hinatid niya ako. Pwede po bang dito na siya mag dinner? Magpapasundo na lang daw po siya sa driver nila."
"Oo naman. Teka, bakit ba ginabi kayo? Wala pa naman si Mang Ben para sunduin ka kanina." Pumunta si mommy sa sala at tinanong si Beth.
Patay! Si Beth pa ang tinanong. I swear, makakatikim siya sa akin bukas pag sinabi niya kay mommy na inatake ako ng asthma kanina."Ah, eh, ano po kasi tita, m-may pinagawa pa sa amin si maam after nung P.E. class kaya ngayon lang po kami nakauwi." Sabay kamot niya sa ulo. Kahit kailan itong si Beth hindi man lang magaling magpalusot.
"Mommy, gutom na gutom na po ako kanina pa. Kain na tayo?" Pag-agaw ko sa attention niya para huwag na niyang usisain pa si Beth. Usually kasi nasa bahay na ako ng 5:30. Medyo late ako ngayon. Tinawag ko na si Beth para kumain na kami. Sumenyas ako sa kanya na mag relax na kasi hindi naman na ulit magtatanong pa si mommy.
After mag dinner, nagpaalam na si Beth. Inihatid ko siya sa may gate at sumakay na siya sa kotse niya. Mabuti pa siya pinapayagan na ng parents niyang dalhin ang kotse nang mag isa. Marunong din naman akong mag drive kaso nga lang, hindi panatag ang loob nila kapag mag isa lang ako. Si Mang Ben ang nakabantay sa akin lagi. Pero, ang gusto ko naman sa kanya e hindi siya nakikialam. I mean, sinisiguro lang niyang safe ako. Yung nakikita niya ako. Mataas din naman ang respeto at tiwala ko sa kanya kaya panatag ang loob ko kapag andiyan siya. Second father ko na siya.
Pumasok na ako ng bahay para makapag freshen up na din. Ang lagkit ko pa nga pala dahil pinagpawisan ako kanina. Kailangan ko na din munang mapag isa para mas masagot ko ang mga tanong ko kung bakit ganoon na lang ang naramdaman ko sa encounter namin ni Kevin. Nag kiss na ako kay mommy na ngayon ay nasa kusina na kasama ni manang. Maya maya pa kasi uuwi si daddy. Nag overtime daw kasi may presentation sila bukas sa office.
BINABASA MO ANG
That Summer Night (Short Story - On going)
Short StorySummer na naman. Habang ang ibang tao masayang nagpa-plano ng outings, vacations at family gatherings, eto ako sa kwarto ko - nasa harap ng laptop at nanonood lang ng movies. Hindi kasi ako pwede sa outdoor activities. Bawal akong pagpawisan at mapa...