Part 5

41 2 0
                                    

I dedicate this to my sister for making the new cover. Gomawo! :)

"Hindi ka naman excited sa first day of school mo, Kaila, ano?" Pabirong sabi niya.

"Hindi po masyado. Hihi." 

"Yung seat belt mo." Paalala niya. 

Ilinagay ko naman ang seat belt ko at tumingin na ako sa bintana nung pinaandar na niya yung kotse. Nag-play din siya ng love songs. 

Ito talaga si Mang Ben, mahilig sa love songs. Kagaya ni daddy, mabait din siya sa pamilya niya. Mapagmahal na asawa at ama kaya sobrang gaan ng pakiramdam ko sa kanya. May dalawa siyang anak. Isang lalaki at isang babae. Ka-age ko yung babae, si Myka. Kuya naman ang turing ko sa anak niyang lalaki, si Kuya Arnold. Madalas sila sa bahay kaya parang mga kapatid ko na din. Halos sabay na kaming lumalaki.

Hindi ganoon kalayo ang distance ng school at bahay namin. Mga 10 minutes lang yung byahe namin. Nasa harap na ako ng school.

"School." Naibulong ko pagbaba ko ng kotse. Ibinigay na sa akin ni Mang Ben yung bag and lunch box ko.

"School." Di ko alam ang pakiramdam. Yung excitement ko kanina, parang nawala na. Napalitan na ulit ng kaba.

"Ok ka lang, Kaila? Gusto mo bang samahan kitang pumasok hanggang sa classroom mo?" Tanong ni Mang Ben. Nahalata niya siguro akong natutulala dito sa harap ng gate.

"O-opo. Pero magpapasama na po ako. Baka di ko kaagad mahanap ang classroom ko." Kinakabahan kong sagot.

Kinuha ulit ni Mang Ben yung bag at lunch box ko at pumasok na kami sa gate ng school. May tinanong siyang teacher. Siguro inalam niya kung saan makikita yung classroom ko. Nang tapos na silang mag-usap, hinawakan niya ang kamay ko at dumiretso kami sa corridor. Nadaan namin ang cafeteria. Wala pang estudyante at teachers doon.

Lumiko kami sa kaliwa. Madaming estudyante na ka-age ko lang kung tingnan. Kasama din nila ang mommy o yaya nila. Buti na lang pala nagpasama ako kay Mang Ben. Tiningnan niya ulit ang papel na hawak niyo. Yung siguro yung enrollment form ko na ibinigay sa kanya ni mommy kanina.

"Kaila, ito ang classroom mo. Okay ka na ba? Iwan na kita? Sabi ng teacher mo, doon ka daw uupo sa malapit sa window sa right. Okay sayo yun?" Sabi ni Mang Ben sabay turo sa lugar na uupuan ko.

"Okay na po sakin yun. Akin na po yang gamit ko para makaupo na ako. Thank you, Mang Ben." Sabay kuha ko sa bag at lunch box ko.

"Oh sige. Mag enjoy ka sa first day of school mo, ha? Doon lang ako sa may kotse. Puntahan mo ako doon pag may problema o masama ng pakiramdam mo. Magpasama ka na lang sa teacher mo."

Ngumiti ako at kumaway na. Pumasok na din ang iba kong classmates. Magsisimula na siguro ang first subject namin. Nakita kong kumaway si Mang Ben at naglakad palayo ng classroom.

Nakuha ang attention ko ng isang babae nung mahulog ang pencil case niya. Bumukas yun kaya nagkalat tuloy yung lapis, eraser and sharpener niya. Tumayo ako at tinulungan siyang damputin yung gamit niya at ipinasok ko sa bag niya yung pencil case.

"T-Thank you." Nahihiyang sabi niya. Sabay takbo paalis sa harap ko. Doon siya umupo sa tabi ng upuan ko. Siya ang seatmate ko?

"Ok, class. Go to your own seats now." Sabi nung teacher namin. Lahat naman ng classmates ko nagtakbuhan na sa kanya kanyang upuan. Yung iba, kumaway na din sa mga mommy at yaya nila na nasa labas pa ng pinto ng room namin. Bumalik na din ako sa upuan ko. Nabigla yung katabi kong girl. Inalis niya kaagad yung tingin niya sa akin at niyakap yung bag niya.

"Good morning, class! I am Teacher Anne."

"Good morning, Teacher Anne!" Sabay sabay naming bati ng mga classmates ko. Tiningnan ko silang lahat. Nasa 30 lang kaming lahat. Medyo madami ang girls kesa sa boys.

"Why don't you introduce yourselves too? Let's start with the boy on my right." Turo ni Teacher Anne sa classmate kong lalaki. Palagi siyang naka ngiti kaya magaan ang loob ko sa kanya. Tama si mommy. Iba ang dating sa tao kapag palaging naka smile.

"H-hello. My name is Mark." "Hi classmates, I'm Irene." "I am Kristine." "M-my name is Nikki." "I am Kevin". Isa-isa kaming nagpapakilala hanggang umabot na sa girl na katabi ko. Hindi kaagad siya tumatayo. Yakap yakap pa rin niya yung bag niya at nakatungo. Parang iiyak na siya. Tinapik tapik ko ang shoulder niya at nginitian siya.

"Kaya mo yan. Sabihin mo lang yung name mo. Gusto mo sabay na tayong tumayo?" Baka kasi kinakabahan siya masyado. Okay naman kay Teacher Anne na sabay kaming tumayo pero siya daw muna ang magpakilala tapos ako na.

"H-h-hello po. I am B-Beth." Nauutal niya pang sabi. Hinawakan ko siya sa kamay at nginitian. Ako na. 

"Good morning, classmates and Teacher Anne. I am Kaila." Masigla kong bati sa kanila habang hawak ko pa din ang kamay ng katabi ko, si Beth pala siya. Umupo na kami nung turn na ng ibang classmates namin. Natapos kaming lahat sa simple self introductions namin.

"Okay. Ngayon alam niyo na ang names ng mga classmates niyo. Pero para matandaan kaagad natin, I want you all to make your own name tags and bring them tomorrow. I will check before the start of the class. Make it simple. Mas maganda kung kayo ang gagawa. Ilalagay niyo yung name tags niya sa likod ng I.D.s niyo. Opo?"

"Opo, Teacher Anne." Chorus na naman naming sagot. Hindi pa kami nagstart ng lesson kasi first day pa lang naman. Hinayaan muna kami ni Teacher Anne na makipagkilala sa classmates namin. Masaya ako kasi mabait ang katabi ko, si Beth. Alam kong magkakasundo kami. Mahiyain lang talaga siya.

Nung napansin ko na hindi siya umaalis sa upuan niya, linapitan ko siya.

"Hello, Beth!" Bati ko sa kanya. Naghihintay akong tumingin siya pero hindi pa rin. Nag squat ako sa harap niya para makita ng mabuti ang mukha niya. Ang cute niya. May pink siyang headband na may pink ribbon and feathers. Bagay sa kanya.

"Beth, kausapin mo naman ako. Mabait naman ako e. Tsaka pareho mo, natatakot din ako kasi first day of school pero sabi ng mommy ko, may makikilala naman akong friend. Ikaw yun."

Hinintay ko kung may reaction na siya. Natuwa ako nung nag angat siya ng mukha at tumingin sa akin. Mas lumapad naman ang ngiti ko.

"A-ako? Friend mo?"Ngumiti na siya ng kaunti.

"Oo naman! Friends na tayo simula ngayon ha?" Masaya kong sagot. Tumango siya kaya nayakap ko siya. Tama nga si mommy. May bago na akong friend. Ang saya ng first day of school ko.

Simula noon, sabay na kami palagi ni Beth kung mags-snack, pupunta sa C.R. at lalabas ng classroom. Hindi na ako nag-iisa. Andiyan na siya palagi, kasama ko. Nahalata ko din na habang tumatagal, hindi na siya masyadong mahiyain. Masaya ako sa pagbabago niya.

Isang hapon, after ng last subject namin, sabay kami ni Beth na lumabas ng classroom. Nasa labas yung classmates naming boys. May pinagpapasa-pasahan silang bag ng classmate naming babae, si Irene. Umiiyak na siya kasi hindi niya talaga maagaw yung bag niya. Tawa pa ng tawa sila Mark, Tom at yung isang classmate naming lalaki na hindi yata marunong makitawa, si Kevin.

That Summer Night (Short Story - On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon