Part 10

30 1 0
                                    

Nakarating na kami sa canteen at bumili kami ng cupcakes and choco drink. Naupo kami sa usual naming upuan ni Beth. Yung malapit sa may pinto para mabilis kaagad kaming makalabas lalo kapag madaming tao.

“Ano ka ba, bes? Kung magiging affected ka masyado, mahahalata ng classmates natin na crush mo siya. Yun ang problemahin mo kapag nalaman nila lalong lalo na ni Kevin.”

“Isa pa nga yun e. Paano kung yung inis ko sa kanya, mapalitan lahat at mas lumakas yung andito, kung ano man ito?“ Sabay turo ko sa dibdib ko.

“E ano na nga ba talaga ang meron diyan para sa kanya?” Nginuso niya yung dibdib ko.

“Hindi ko rin alam. Naalala mo noong dinala niyo ako sa clinic tapos pauwi na tayo at pinipilit niya akong makipagusap sa kanya? Tapos hinawakan niya ako sa balikat ko. Iba yung naramdaman ko, bes, e. Parang may kuryente na ewan. Yung parang ayaw kong alisin yung kamay niya. Kinakabahan ako na masaya na ewan. Ang labo nga e.” Nag try akong ipaliwanag sa kanya yung naramdaman ko nung gabing yun. Baka sakaling masagot niya ako kung ano yun at bakit ganoon.

“Hmm..” Linagay niya ang index finger niya sa may sentido niya na parang nagiisip ng malalim. “.., para sa akin, tinamaan ka na sa kanya, bes. Seryoso siya. Kilala ko si Beth, hindi siya basta basta nagbibigay ng opinion lalo na kapag hindi siya sigurado. Isa pa, kilalang kilala niya ako kaya wala naman akong maitatago sa kanya. Sa kanya ko rin lang naman pwedeng sabihin ito.

“Tingin mo, bes? E di malaking problema yun? Ano na ang mangyayari sa pagiwas ko para hindi na maulit yung nangyari? Tsaka, magiging mas mahirap kapag mas tumindi ito, di ba? Hay..” Buntong-hininga na lang ang nagawa ko. Paano na nga ba?

“Huwag kang magalala, bes. September na ngayon. After ng play, ilang araw din kayong hindi magkikita kasi semestral break natin. Doon mo malalaman kung ano ba talaga ang totoo mong nararamdaman para kay Kevin. Huwag mong pigilan ang sarili mo kasi mas mahirap yan. Steady ka lang. Parang wala lang. Hanggang in denial ka kasi at pinipigilan mo ang feelings mo para sa kanya, mas titindi yan."

"Teka nga, kanina pa kita nahahalata. Bakit andami mong alam sa love? Na in love ka na ba na hindi mo sinabi sa akin?" Pag uusisa ko. Malay ko ba kung naglilihim na siya sa akin.

"Ako?" Turo niya sa sarili niya. "Na in love? Hindi no. Wala ngang nanliligaw sa akin e. Tsaka grabe ka ha. Lahat ko naman sinasabi sayo ah." Pag pout niya. Nagtampo?

"Uy, nagtatampo siya. Joke lang naman, bes. Kinukulit lang kita kasi ang seryoso mo. Pero, thank you sa advices mo. Malaking tulong." Kiniliti ko siya sa tagiliran. Hindi naman ako matitiis niyan e.

"Sus! Hindi lang kita matiis e. Ikaw, ang chorva mo din. Kahit naman hindi pa nai-in love, pwedeng makapag advice ng ganoon. Ang clueless mo lang talaga."

Pinalo ko siya. Ako? Clueless? Hindi ah! Gusto ko lang makasiguro. Nagtatawanan na lang kami. Inubos na namin yung snacks namin at naglakad na pabalik ng classroom. Napahinto kami ng may magsalita sa likod namin.

"So.. Crush mo pala Kaila si Kevin?" Mataray na tanong nung tao sa likod namin. Nabigla kami ni Beth. Narinig niya ba lahat? Patay!

"Uhm, Denise, narinig mo ba lahat ng usapan namin?" Kinakabahan kong tanong sa kanya.

"Yap. Lahat." Pag emphasize niya pa sa huling salita. Pinaglalaruan niya ngayon ang mga daliri niya.

"Ah, eh, di ba hindi mo naman ipagsasabi?" Sana lang hindi talaga. Hindi ko alam ang gagawin ko kung sakali.

"Depende." Tipid niyang sagot.

"Depende? Ano ba ang gusto mo, Denise?" Naiinis na siguro si Beth kaya sumabat na siya sa usapan namin.

"Oo, depende. Alam mo naman siguro Kaila na mas maganda ako sa'yo, di ba? Aware ka din naman siguro na gwapo si Kevin. Ang gwapo para lang sa maganda at ang maganda para lang din sa gwapo."

"Ang lakas din naman ng loob mong sabihin yan, Denise! Baka gusto mong makatikim sa akin?" Natutulala na lang ako habang si Beth, nakikipag sagutan ko na sa babaeng nasa harap namin.

"Oops, relax ka lang, Beth. Hindi ikaw ang kausap ko. Siya oh." Sabay turo sa akin. Huminga ako ng malalim at tumingin sa kanya.

"Fine. Sa'yo na si Kevin. Wala naman akong balak na angkinin siya. At kung narinig mo nga lahat ng usapan namin kanina, e di sana alam mo din na sinabi ko kay Beth na ginagawa ko ang lahat para iwasan siya. Sana lang din, kumontra ka kanina nung nag volunteer si Patrick na ako ang mag play ng role ni Erika."

"Hindi ako kumontra kasi I was expecting na siya ang magiging si Julian at hindi si Patrick. Kaya nga nag volunteer akong maging si Anneliese kasi mas bagay akong maging princess kesa sa'yo o sino man sa classroom." Ay sobrang mahangin. Siya na ang maganda. Gusto niya, siya na rin ang gumanap sa role ni Erika at nang magsawa siya sa kayabangan niya.

"Look, Denise. Hindi ko ginusto na maging si Erika. Hindi ko rin ginusto na si Kevin ang maging si King Dominick. Bakit sa akin mo isisisi ang kamalasan mo? Sandali, malas din pala ako. Pareho lang tayo. Akala mo ba gusto kong maging main character sa play na yan? Hindi no! Gusto mo sayo na lahat? Go!" Iinisin ko na rin siya.

"Nakakainis ka, Kaila! Alam mo ba yun? As if mababago ko pa ang sa play na yan. Eto lang ang sasabihin ko sa'yo. Kevin is mine." Lumapit siya sa akin at pinandilatan ako ng mata.

"He's all yours, Denise. Don't worry. Ang pakiusap ko lang sa'yo, huwag mo sanang ipagsasabi kahit kanino yung mga narinig mo kanina. Nakikiusap ako." Malumanay na ako this time para pakinggan niya ako.

"Okay, i'll shut my mouth for now. Pero kapag nakita ko na you're flirting with him na or making pa-cute, alam mo na." Ngumiti pa siya ng nakakaloko at umalis na.

"Ggrrr! Kaila, mapapatay ko siya!" Nanggigigil si Beth. Pero hinawakan ko siya sa braso niya para makalmahin.

"Kung alam ko lang na andoon siya, sana mas nag ingat tayo sa usapan natin. Bakit ba kasi hindi natin siya nakita?

"Hindi ko din alam. Siguro, masyado lang tayong focused sa topic natin kanina kaya hindi na natin napansin na andoon pala siya. Sorry, Kaila."

"Ano ka ba, Beth. Wala ka namang mali. Hindi naman natin alam e. Ang dapat ngayon, doble ang gawin kong pagiwas kay Kevin para hindi magsalita si Denise."

Nag ring na yung bell. Bumalik na kami ni Beth sa classroom. Kagaya ng kanina, hindi pa rin ako tumabi kay Kevin. Unang message ko yun kay Denise na wala akong intention na magpapansin sa kanya.

Yung sinabi kong mabait naman si Denise, i take it back. Hindi ko pa pala siya ganoon kakilala kahit classmate ko na siya since first year. Wala rin kasi kaming masyadong encounter except sa fact na classmates kami. Nakakainis!

That Summer Night (Short Story - On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon