"Hay..Bakit ang complicated? Teka, complicated nga ba? Seriously, ang gulo." Lately talaga, mahilig ko nang kausapin ang sarili ko. Nakaka stress! Idagdag pa ang worries ko kay Denise na anytime baka ipagsabi niya yung nalalaman niya.
Habang nakababad ako sa pagiisip, biglang dumating yung kotse ni daddy. Pinagbuksan siya ni Mang Ben at siya na ang nagpasok nung kotse. Si daddy, sa main gate na dumaan. Nakita niya akong nasa garden kaya lumapit siya. Hindi na ako umalis sa swing.
"Oh, Kaila, why are you here? Maambon na ah. May problema ba?" Nag kiss ako sa cheek niya at inakbayan naman niya ako.
"Wala naman po, daddy. Nagpahangin lang ako. Lately kasi, parang lagi akong pagod. Namiss ko ding tumambay dito sa swing. Ang ganda din po pala ng stars, look!" Sabay turo ko. Tumingala naman siya at napangiti.
"Sa sobrang busy natin, minsan hindi na natin naa-appreciate ang kagandahan ng simpleng bagay, sitwasyon o tao." Bumuntong-hininga si daddy. Nagda-drama ba siya? Dala lang yata ng pagod.
"Si daddy oh, nagda-drama! Haha!" Kiniliti ko siya. Nagtawanan na lang kami at pumasok na rin sa loob. Tinawag na kasi kami ni mommy for dinner.
"Yes, adobo!" Sabay hila ko sa upuan. Si daddy, umakyat muna saglit para magpalit ng pang bahay. Si mommy, naupo na rin sa right side ng chair ni daddy. Kaharap ko naman si mommy. Maya maya pa bumaba na si daddy. Nag bless kami ng food. Habang kumukuha ako ng rice,..
"Mommy, Kaila, why don't we go to Baguio? Naisip ko kasi na matagal na din yung last family outing natin. Besides, it's not so cold there kasi hindi pa naman Christmas season. What do you think? Nagpapalit palit siya ng tingin sa amin ni mommy.
"I think, that's a good idea, daddy. Ano, anytime naman available. Ikaw ba, kailan ka pwede? And you, Kaila?"
"I can file for a vacation leave. Hindi ko pa naman nagagamit yun e. Mga 3 days din yun. Si Kaila na lang." Tumingin sila sa akin pareho at hinihintay ang sagot ko.
"After po ng play namin, semestral break na. Second week na ulit ng November ang balik sa school."
"Really? That's good then. Let's set the date. Uhm, kung sa November 3 kaya para naman makabisita muna tayo sa puntod nila mama at papa? Okay sa inyo?"
"Okay na yun, daddy. Ako na ang bahala sa pagbook ng hotel natin. May more than a month pa naman tayo to prepare. Nakaka excite ito!" Tuwang tuwa si mommy.
"Excited na kaagad si mommy, anak, oh.." Natatawa na lang si daddy sa kanya. "Ikaw ba, anak, excited ka din?"
"Ah, eh, opo naman." Hindi yata sila naniwala sa akin." Oo nga po, naiisip ko lang kasi na bago ako magsasaya sa semestral break namin, magpapakahirap muna ako sa play."
"Ay yes, anak. Tell us about that play. Kasama ka ba sa main cast?" Sabay subo ni daddy ng food niya.
"Sadly po, yes. Isa sa main. The Princess and The Pauper po. Musical play siya. Ako si Erika doon. Yung twin sister nung princess na lumaking mahirap."
"Wow, congratulations! I'm sure you'll be the prettiest pauper and girl sa play na yun." Tinap pa ni daddy yung ulo ko.
"T-thanks, daddy." Tipid na ngiti ang sumunod sa sagot ko. Naalala ko na naman na si Kevin ang makaka pareha ko lalo sa sweet scenes. Nakakainis talaga! Isama pa si Denise na akala mo naman inaagawan ko.
Kumain na kami ng tahimik after nung usapan sa family outing at play ko. Nung nasa kwarto na ako at ready nang matulog. Bukas, itutuloy yung meeting para sa play. Hindi kasi natuloy kanina kasi may ibang pinagawa si Sir Enriquez kay Lisa kaya nagsiuwian na lang din kami.
Nasa school na ako. Hinihintay ko na lang si Beth dito sa harap ng gate. Maya maya din dumating na siya. Yumakap siya sa braso ko at naglakad na kami papunta ng classroom. Nadatnan namin si Kevin sa harap ng pinto. Mukhang may hinihintay. Nung papasok na kami sa pinto, nagsalita siya.
"Kaila, pwede na ba tayong magusap?" Ayan na naman siya sa tingin niyang ang lungkot. Bakit ba ganito na naman siya? Akala ko nakuha na niya ang mensahe na ayaw ko nga siyang kausapin.
"Please?" Sobra naman siyang makiusap. Tumingin ako kay Beth at tumango siya. Gusto niyang pagbigyan ko si Kevin at kausapin na. Nakita kong naka cross arms si Denise at may warning sa tingin niya. Bahala na.
"S-sige. Saan tayo maguusap?" Nakayuko kong tanong.
"Doon sa may terrace." Nauna na siyang naglakad. Sumunod naman ako. Tumingin muna ako sa wrist watch ko para masiguro na hindi pa magsstart ang first class. Nung makarating kami sa terrace, umupo siya sa isang bench doon at tumingin sa akin na parang hinihintay akong lumapit sa kanya.
"Tabi ka sa akin." Yaya niya na hindi ko pa rin matingnan pero nakikita ko na nakatingin nga siya. Hindi ko alam pero sumunod ako. Tumabi naman ako sa kaniya pero dahil medyo mahaba yung bench, siniguro ko na may space sa gitna namin.
"Kaila, sana pakinggan mo muna ako. Kapag tapos na akong magsalita, ikaw naman ang papakinggan ko. Gusto ko lang talagang sabihin to lahat sayo, matagal na. Ok lang ba?"
BINABASA MO ANG
That Summer Night (Short Story - On going)
Short StorySummer na naman. Habang ang ibang tao masayang nagpa-plano ng outings, vacations at family gatherings, eto ako sa kwarto ko - nasa harap ng laptop at nanonood lang ng movies. Hindi kasi ako pwede sa outdoor activities. Bawal akong pagpawisan at mapa...