Napatingin ako sa bola at sa taong may dala nito. Nakangiti siya sa akin at hinihintay akong sumagot. Sa pangalawang pagkakataon ngayong araw, naramdaman ko ulit ang lungkot at sakit ng mga sinabi niya sa akin kanina. Ito ba ang taong gustong umiwas sa akin at lumayo? Ito ba ang taong naging dahilan ng dalawang beses kong asthma attack? Ito din ba ang lalaking ginusto kong iwasan? Siya din ba ang taong ngayon ay laman ng ng puso ko? Nasasaktan ako sa mga tanong na iyan. Nasasaktan ako kasi kahit nasa harap ko na siya, hindi ko magawang maging masaya knowing na may nararamdaman na ako para sa kaniya.
"Kaila, okay ka lang? Tara na, practice na tayo. Andoon na sila oh." Sabay turo sa mga classmates namin na ngayon ay nage-enjoy nang nagpapalitan ng turn sa pag shoot sa ring. Ang saya nila sa partners nila. Ang saya nila palagi kapag P.E. class na.
I composed myself, huminga ng malalim at naglakas-loob na tumingin sa kanya. Kailangan kong labanan ang lahat ng bigat sa pakiramdam ko. "Ah, o-oo. Tara na."
Tumabi muna kami para maturuan niya ako ng proper positioning sa pag-shoot. Isinantabi ko muna ang lahat ng iniisip ko para makapag-concentrate ako sa gagawin namin. Lumapit siya sa akin at nagsimula nang magturo.
"Kapag magsu-shoot, kailangang ganito ang position mo." Hawak niya ang bola at pinakita niya sa akin ang tamang tayo at position. Nakuha ko naman kaagad kaya ibinigay niya sa akin ang bola at sinabi na itry ko. Ginawa ko naman. Himala, nakikisama ang katawan ko sa akin ngayon.
"Nice. Madali ka naman palang matuto e. Ngayon, itry naman natin ang pag-shoot mismo sa ring." Hinila niya ako. Ayun na naman yung parang kuryente sa pakiramdam nang mahawakan niya ako. Tinap niya si Mario habang nagsu-shoot. Turn na kasi nila. Tumango ang bakla kong classmate. Siguro sinabihan siya ni Kevin na kami na ang susunod kaya bilisan na niya.
"Oh, Kaila, sige na. Try.. Bigyan mo lang na konting force para makaabot sa net." Nange-encourage yung tingin niya. Yung mga classmates ko naman, nakatingin din sa akin kasi hinihintay nila ang turn nila. Hinawakan ko ng maayos yung bola, inayos ang tayo at position ko at shinoot ko ang bola. Sablay.
Kinuha ni Kevin yung bola at ibinigay ulit sa akin. "Again". Nag try ulit ako pero wala pa rin. Tumama lang sa ring. "Again". Inulit ko then bam! Naka-shoot!
"Ang galing mo, Kaila!" Lumapit siya sa akin at hinawakan ang mga kamay ko. Ganoon siya kasaya kasi naka-shoot yung bola. Ngiting ngiti siya, abot tainga. Napangiti naman ako. First time today, ngumiti ako. Dahil yan sa lalaking nasa harap ko na siya ring dahilan ng pagiyak ko kanina. Natauhan siya bigla at inalis yung pagkakahawak sa akin. Kahit ako, nahiya. Tumungo ako. Siya naman umalis sa harap ko.
Tapos na ang P.E. class. Uwian na naman pero nag-remind si Lisa na babalik muna kami sa classroom after magpalit ng damit. Lahat kasi kami pinagpawisan. Ngayon na yung meeting namin para sa play. Sabay kami ni Beth na nagpunta ng C.R. at nagpalit ng shirt. Nag link siya sa arm ko at naglakad na kami pabalik sa classroom. Nadatnan namin na nasa harap na si Lisa.
"Okay, classmates, let's make this meeting quick para makauwi na rin kaagad tayo. Andito na sa akin ang copies niyo para sa play natin next month. I suggest na basahin at i-familiarize niyo ang lines and scenes. Kung pwede din, i-feel niyo na ang characters niyo para hindi tayo mahirapan sa practice natin na magsisimula na bukas after class. Paki-pass na lang ito." Binigay niya kay Mark na nasa harap yung copies at isa isa kaming kumuha.
"One more thing, sa weekend, kailangan nating pumunta dito sa school. Kukulangin kasi tayo sa oras ng practice so paki clear na muna ang schedules niyo. Classmates, pagbutihan natin ang play, ha? Major memory natin ito in the future. Masarap itong balikan. Bonding na rin naman kasi natin. After this, hindi natin alam kung may activity pa na magkakasama sama tayong lahat. Well, meron pa siguro. Yung retreat. Pero iba na rin ang experience doon." Itong si Lisa, nagda-drama na kaagad. Hello, September pa lang. Pero tama naman siya. Bonding nga ito ng buong klase kaya kahit nakaka stress, pagbubutihan talaga namin.
Pagdating ko sa kwarto ko, ini-scan ko yung script. Ang haba pala ng play namin. Mukhang mapapalaban talaga ako sa pag-memorize nito. Tiningnan ko yung sa part na unang nagkita si Anneliese at Erika pati na rin sa scenes with King Dominick. Nastress ako. Ang dami ng gagawin kasama sila. Tatandaan ko yung sinabi ni Kevin kanina.
"Isa na lang ang pakiusap ko. Gawin natin ng maayos yung play. After noon, magpapalipat na ako ng upuan kay Sir Enriquez. Hindi mo na kailangang lumayo. Ako na ang gagawa noon."
Hay.. Ito na ang last moment ko na makakasama pa si Kevin. Yung makakausap siya, makikitang ngumiti, tumawa at ito na rin ang huling beses na pwede pa akong maging malapit sa kanya. Iti-treasure ko ang lahat ng oras na makakasama ko siya simula bukas. Ita-try kong maging okay kapag nasa harap niya. Ayaw ko na din kasing mabigyan pa siya ng rason na mag alala para sa akin. Nag aalala nga ba siya? Baka sinabi niya lang naman yun dahil sa mga nakita niyang asthma attacks ko.
Ay ewan ko. Mabuti pa matulog na muna ako para may lakas ako bukas. Kinabukasan, dinamihan ko ang kain kaya nagtaka naman sila mommy. Para daw akong mauubusan. Hindi ko na sila pinansin masyado. Nagpahatid kaagad ako sa school. Kagaya ng palagi kong ginagawa, hinintay ko ulit si Beth sa harap ng gate. Hindi naman nagtagal at dumating na siya.
"Bes, babalik na ako sa dati kong upuan, ha?"
"Bakit? Okay ka na ba? Sure ka?"
"Naisip ko lang kasi na kailangan kong pahalagahan ang natitirang panahon na pwede ko pang gawin yun. Yung tumabi kay Kevin, matingnan siya maya't maya, maamoy siya at kahit papaano, makasama."
"Oh sige, bes. Wala namang problema sa akin. Mabuti na rin yun para hindi na mag litanya si sir." Nagtawanan na lang kami. Pagdating ng classroom, nadatnan ko siya na nakaupo na sa upuan niya. Dahan dahan akong lumapit at tumabi sa kanya. Nabigla naman siya at napatingin sa akin.
"Dito ka uulit uupo sa tabi ko?" Nagtataka niyang tanong.
"Ah, oo eh. Hehe." Pilit ang tawa ko, i know. "Tinamaan lang kasi ako sa mga sinabi ni Lisa kahapon na konti na lang ang panahon nating magkakasama. Since ikaw naman ang original seatmate ko at para na din hindi na mag sermon si sir na lumipat ako ng upuan, dito na ulit ako uupo." Napapikit ako. I can't believe na nasabi ko yun. Nabigla ako, swear. Nadala siguro ako ng excitement ko na makatabi siya ulit.
"Thank you, Kaila." Dumilat ako nang marinig ko yun. Tumingin ako sa kanya at sigurado ako sa nakikita ko. Masaya siya.
BINABASA MO ANG
That Summer Night (Short Story - On going)
Krótkie OpowiadaniaSummer na naman. Habang ang ibang tao masayang nagpa-plano ng outings, vacations at family gatherings, eto ako sa kwarto ko - nasa harap ng laptop at nanonood lang ng movies. Hindi kasi ako pwede sa outdoor activities. Bawal akong pagpawisan at mapa...