Part 2

46 2 1
                                    

Sino?! Si Kevin?! As in si Kevin?! Kill me now!

Of all people, bakit siya pa? Bakit hindi na lang rin lampa na katulad ko o kaya si Beth? Destiny, ikaw ba ang may gawa? Why?! OA ba ang dating? E kasi si Kevin yan. Si Kevin na MVP ng basketball team dito sa school namin. E ako?

Si Kevin. Ang classmate ko din since elementary. Aamin ako, crush ko siya simula pa noon. Pero, kagaya ng pagkakakilala ng lahat, isa siyang snob at mayabang na lalaki. May ipagyayabang naman kasi talaga siya. Gwapo, mayaman at MVP pa ng basketball team. Parang perfect? Hindi rin. Woman hater daw yan.

Kung bakit siya nagkaganyan, hindi ko alam.

Kung bakit ko siya naging crush, ewan.

Basta, I have one goal. Yun ang layuan siya.

Pero bakit ganoon? Sa dinami rami namin sa klase, siya pa ang partner ko. Ang malas ko! At oo, malas din siya.

Si Beth lang ang nakakaalam na crush ko siya. Tinutukso niya din ako diyan pero dahil alam niya na wala namang mangyayari, napagod na lang din siguro kaya tumigil na.

"Hoy, tumayo ka na diyan." Sabi ni Kevin. 

Dahan dahan kong inalis ang mga kamay ko sa ulo ko, unti unting dumilat at tumingin sa kanya. Inis ang nakikita ko sa mukha niya.

Nasa bulsa niya ang dalawa niyang kamay at nakatingin siya sa mga bakanteng upuan sa gilid ng court. Halatang di siya natutuwa na ako ang partner niya.

"Uy, ano? Tumayo ka na sabi." Natakot ako kaya tumayo na ako at sumunod sa kanya.

Habang naglalakad, di ko maiwasang tumingin sa likod niya. Nababakat doon ang muscles niya. Ang way niyang maglakad, parang pang modelo. Naaamoy ko din yung pabango niya. Halatang mamahalin.

"Bilisan mo." Nabigla ako kasi tumingin siya sakin.

Binilisan ko na ang lakad ko para di na siya mainis lalo.

Natapos na si Sir Paul sa pagtawag ng names ng magkakapareha. Lahat na din kami nasa ilalim ng ring.

"Since alam niyo na kung sino ang ka-partner niyo, form two lines and face each other. Doon lang ako uupo at magmamasid sa inyo. Boys, be nice sa mga girls kasi di pa sila marunong ng gagawin niyo. Good luck and have fun, class!"

Umalis na si sir. Bigla namang lumapit sa akin si Beth.

"Uy, bes! Si Kevin ang partner mo? My gosh!" Alam ni Beth ang lahat kasi best friend ko siya at classmate din naman niya si Kevin simula elementary.

"Oo, bes. Ang malas ko! Hindi ba pwedeng magpalit kayo? Si Yna na lang ang ka-partner niya para tayong dalawa."

"Gusto ko din sana pero ang sabi ni sir, bawal magpalit kasi may lista siya. Gawin na lang natin."

"Kayanin ko kaya? Buhay pa ba akong uuwi nito?"

"Kaya mo yan. Basta, tandaan mo na hindi ka pwedeng mapagod masyado. Baka kung mapano ka."

"Sige, bes. Salamat sa paalala. Sundan mo na si Yna."

"Okay. Good luck!" Kumaway na ako kay Beth. Tumakbo na rin siya palapit kay Yna.

"Kaya ko to, kaya ko to. Si Kevin lang yan. Dribbling lang yan. Relax, Kaila. Hingang malalim." Paalala ko sa sarili ko.

Sinunod namin si sir. Nag form kami ng two lines. Sa kabila yung partners namin. Hinarap namin ang isa't isa at nag extend kami ng arms para may space in between.

Hawak na niya ang bola at nakatingin sa akin na halatang bored na. Kasi naman, basic ang dribbling. E MVP siya. Kahit siguro tulog siya, magagawa niya yun. E ako? Hay...

"Para malaman mo, dahil lang sa grades kaya gagawin ko 'to." Inis na sabi ni Kevin sabay pasa sa akin ng bola.

"Oh, ayan. Mag dribble ka na ng limang beses tapos siguraduhin mong sa akin papunta ang bola after ng last bounce."

Limang beses tapos papunta sa kanya ang bola. Okay. Kaya ko to!

Hinawakan ko ng maayos yung bola at nagsimulang magdribble pero sa paa ko tumama ang bola kaya gumulong papunta sa gilid ng court.

"Kunin mo yun." Matigas na sabi ni Kevin.

Sumunod naman ako kasi ako naman ang may maling ginawa. Lakad-takbo ang ginawa ko kasi malayo din ang narating nung bola.

Nung makuha ko na, tumakbo na naman ako pabalik sa harap niya. Nag-try ulit akong mag dribble. Kung hindi tumatama sa paa ko, hindi nakakarating sa kanya ng maayos.

Paulit ulit yung ganoon. Nakakaramdan na din ako ng pagod.

"Ano ba?! Di ba ang simple naman? Bakit di mo kayang gawin ng maayos?"

Galit na siya. Pagod na ako. 30 minutes pa bago matapos ang P.E. class. Kaya ko pa ba?

"Pasensiya ka na. Ngayon ko lang kasi ginawa 'to." Paliwanag ko. E totoo naman. Kung siya, ilang taon nang naglalaro ng basketball, ako ngayon lang.

"Tingnan mo nga sila." Sabay turo sa classmates namin. Nakaramdam ako ng inggit. Paano ba naman. Buti pa sila masaya sa partners nila. E ako? Ayoko na nga! Pero paano ang grade ko? Di ako pwedeng bumagsak. Graduating pa naman ako. Tsaka P.E. lang ito.

"Sila, natuto na kung paano ang maayos na pag dribble at pagpasa sa partners nila. E ikaw?" Nag-compare? Sige lang, Kevin. Naiinis na din ako.

"Ulitin mo at gawin mo na ng maayos."

"Okay!" Pasigaw na sagot ko. Nakakapagod kaya. Choice ko ba na ikaw ang makapareha? Hindi naman di ba? Bakit ang init ng ulo mo? Ang ganda sanang sabihin sa kanya pero huwag na. Lalaki lang at tatagal ang usapan.

Nag concentrate ako at hinawakan ng maayos yung bola.

"Please, ball. Tulungan mo ako." Pati yung bola, kinakausap ko na. Nakaka stress na kasi! Nag try ulit ako pero wala talaga. Di na naman nakarating sa kanya ng maayos yung pagpasa ko. 

Ang swerte ko din. Ang layo ng narating nung bola.

"Bilisan mo. Kunin mo yun at ulitin mo ng maayos." Naubusan na din ng pasensiya si Kevin sa akin. Tinakbo ko ang bola at pagbalik ko sa position ko, humihingal na.

"Kevin, pwedeng rest muna kahit 5 minutes?" Pakiusap ko. Di ko na talaga kaya. Ramdam ko na ang pagod.

"Rest? E hindi mo pa nga nagagawa ng maayos, gusto mo nang mag rest?"

"5 minutes lang naman. Sige na. After noon, gagawin ko na ng maayos."

"Hindi pwede. Gawin mo muna ng maayos bago ka mag rest." Mukhang di ako mananalo sa kanya kaya wala akong nagawa. Nag concentrate ulit ako. This time, alam kong magagawa ko na ng maayos.

Pero, mali ako. Ayun na naman ang bola. Naiinis na rin ako sa sarili ko. Ang simple nga. Pero bakit hindi ko magawa ng maayos?

Wala akong choice kundi habulin ang bola at mag try ulit. Ramdam ko na talaga ang pagod at hinihingal na ako. Tumutulo na ang pawis sa noo ko at basang basa na rin ang likod ko. Alam ko din ang posibleng mangyari.

Pag dampot ko ng bola, nakaramdam ako ng sakit. "A-a-ahh!"

That Summer Night (Short Story - On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon