Pagpasok ko ng room ko, sinara ko kaagad ang pinto. Kinuha ko yung towel ko, pink pajamas and undies at naligo ako. Paglabas ko ng banyo, tinuyo ko muna yung buhok ko na hanggang balikat at umupo ako sa harap ng computer table ko. Kinuha ko yung diary ko at ballpen. Nagsusulat lang ako sa diary ko kapag may highlights sa buhay ko like birthdays and outings. Gusto ko kasi na masasaya lang ang nakasulat doon kasi kung isasama ko pa ang times na naitakbo ako sa hospital or inatake, hindi ako gaganahan na. I think, okay lang naman kung isusulat ko ang nangyari sa akin today.
Dear Diary,
May hindi magandang nangyari na naman sa akin today pero ayaw ko na yung balikan pa. Nagtataka lang kasi ako kung bakit ganoon yung naramdaman ko kay Kevin nung hinawakan niya ako sa balikat kanina. Tsaka nung tumingin ako sa mata niya, tama ba yung nakita ko? Bakit parang malungkot siya? Di ba dapat galit ako sa kanya kasi pangalawang beses na niya itong ginawa sa akin? Pero bakit hindi yun ang nakakapa ko sa dibdib ko? Bakit sinabi ko kanina na ayaw ko siyang kausapin pero yung totoo, gusto kong marinig yung sasabihin niya? Baka tama si Beth. Magso-sorry yata siya sa akin. Pero yun? Hindi naman yun marunong humingi ng tawad e. Ay ewan! Ang gulo! Itutulog ko na nga lang to.
Ibinalik ko na sa loob ng drawer yung diary at ballpen ko. Tinapos ko na ang pagtuyo sa buhok ko, nag toothbrush at humiga na.
Kinabukasan, nagising ako sa dahan dahang tapik ni mommy sa kamay ko. Siya ang taga gising ko araw araw. Hindi daw kasi mabuti para sa akin kung may alarm clock ako. Baka daw mabigla ako kapag tumunog na yun at sumama kaagad ang pakiramdam ko. Mas ok na din na si mommy ang una kong nakikita pagdilat ng mga mata ko kasi ngiti at yakap niya kaagad ang sumasalubong sa akin. Ang gaan sa pakiramdam. Tumingin ako sa relo sa bedside table ko. 5:30 am.
"Good morning, anak ko. Kamusta ang tulog mo?" Tumayo na ako after yakapin ni mommy. Inaayos na din niya ang kumot ko.
"Okay naman po. Nahimbing nga ako kasi naligo po ako kagabi bago natulog."
"Mabuti naman. Tara na sa baba at nang makapag breakfast ka na. Hinihintay ka na din doon ng daddy mo. Hindi ka daw kasi niya naabutang gising pa kagabi." Lumabas na kami ng room ni mommy. Yumakap lang ako sa braso niya habang bumababa kami ng hagdan. Naabutan namin si daddy sa dining table na humihigop ng kape niya.
"Good morning, daddy! Lumapit ako sa kanya at yumakap."
"Hello, Kaila, anak. How are you? Okay lang ba ang pakiramdam mo?" Kunot-noong tanong ni daddy. Bakit, ano ba ang itsura ko ngayon?
"Okay naman po ako, daddy. Bakit?" Nginitian ko pa siya pero ma-convince ko siya na okay nga ako. Okay naman talaga ang pakiramdam ko.
"Wala naman, anak. Hindi lang kasi kita nakamusta kagabi. Nung pumunta ako sa room mo, tulog na tulog ka na." Yun lang pala. Itong mga parents ko, grabe lang ang love and care sa akin.
"Ikaw talaga, daddy. Kumain na lang po tayo kasi almost 6am na. Baka ma-late ako sa school and ikaw naman sa office." Dinamihan ko ang kain ko kasi tocino and fried rice ang nasa table. Nung matapos na ako, nagmadali na akong umakyat sa room para maligo at magbihis ng school uniform ko.
Hinatid ako ni Mang Ben sa school. Kinamusta ko ang asawa niya, si Manang Alma. Tama nga ang naisip namin. Buntis siya, 3 months. Ang saya! Magkakaroon na naman ako ng 'kapatid'. Nung nasa school na ako, biglang may humawak sa kamay ko. Si Beth. Lagi talaga kaming naghihintayan sa labas ng gate para sabay kaming pumasok. Except kapag may sakit ang isa at hindi makakapasok.
"Good morning, bes! Magkikita kayo ni Kevin ngayon. Anong balak mo?" Tanong niya habang naglalakad kami papunta ng classroom.
"Oo nga e. Ewan ko bes. Mas madali siguro kung iiwasan ko na lang talaga siya. Ayaw ko din naman siyang kausapin tungkol sa nangyari. Baka makaramdam ako ng sobrang galit, maiyak at alam mo na, atakihin."
"Sabagay. E di third strike niya na yun. Haha! Pero iiwasan ba kamo? E katabi mo kaya siya ng upuan. Nakalimutan mo na ba?"
"Patay! Oo nga pala. Bes, help!" Pagmamakaawa ko sa kanya.
"Palit tayo ng upuan?" Nice idea yun ah. May common sense din pala itong si Beth.
"Sige, sige! Thanks, bes!" Tuwang tuwa ako sa suggestion niya, in fairness. Binilisan na namin ang lakad kasi 5 minutes na lang, magri-ring na ang bell.
Pagdating namin sa classroom, wala pa si maam. Tumingin ako sa upuan ko, andun na si Kevin. Kagaya ng pinagusapan namin ni Beth, dumiretso ako sa upuan niya at siya naman sa upuan ko. Laking gulat ko nung narinig ko si Kevin na nagsalita at kinausap si Beth.
"Kaila.. ay Beth?!" Takang taka siya na si bes ang umupo sa tabi niya. Patay-malisya ako at umupo na. Nakita kong lumingon siya sa akin pero bahala siya. Maya maya pa dumating na si Maam Zaragosa. Teacher namin siya sa English.
"Good morning, class! So today, we will discuss about your play for next month before the semestral break. Again, you will not take your exams in my subject anymore instead you have to plan and prepare for your play. So, may I call your class president and start the brainstorming."
Tumayo naman si Lisa at dumiretso sa harap. Napagusapan na The Princess and The Pauper ang gawing play. Musical Play yun. Mas maganda kasi kung kakanta din ang cast. Lahat naman nag agree kasi almost 40 naman kami sa klase kaya lahat naman mabibigyan ng roles.
"Okay, classmates, now we have to decide. Who will play the characters in the story? Any volunteers or suggestions? Let's start with The Princess and The Pauper." As if naman may magvo-volunteer diyan. Ang hirap kayang mag memorize ng lines sa play. Tapos kinakabahan ka pa at suot mo pa ang napakainit at mabigat na costume.
"Classmates, hello?" Eto ang mahirap kapag English class. Kailangan mag english ka. Ang corny kaya. Kaya karamihan sa amin, tahimik pag ito na ang subject. Tingnan mo, walang sumasagot kay Lisa. Para tuloy siyang ewan sa harap. Walang kausap.
"Class president, I volunteer myself. I'll play the role of The Princess! I'd be Anneliese." Ang confident naman ni Denise. Buti pa siya, kayang kaya niya ang mga ganyan. Bagay naman sa kanya ang maging princess kasi pretty siya at fluent mag english.
"Thank you, Denise." Isinulat niya sa board ang name ni Denise katabi ng The Princess.
"So for the role of The Pauper, Erika? " Baling niya sa amin.
"I volunteer Kaila. She's simple and can sing well. I think she'll portray that role better."
BINABASA MO ANG
That Summer Night (Short Story - On going)
Short StorySummer na naman. Habang ang ibang tao masayang nagpa-plano ng outings, vacations at family gatherings, eto ako sa kwarto ko - nasa harap ng laptop at nanonood lang ng movies. Hindi kasi ako pwede sa outdoor activities. Bawal akong pagpawisan at mapa...