Chapter 6: Palace
"Hindi na maaari, Hezira."
Umiling ako. "Kailangan, Tita. Nasa loob ng palasyo ang sagot sa aking mga katanungan." Pagpupumiglas ko.
Alam kong tapos na ang pagdiriwang sa palasyo. Hating-gabi 'yon gaganapin at madaling araw na ngayon. Hindi ako nakatuloy dahil sa bilog na buwan at kakalubog lang nito ngayon. Nagbalik ng muli ang aking kakayahan bilang bampira.
Kailangan kong makapasok sa loob ng palasyo.
"Hindi ka basta-basta makakapasok sa loob," wika niya sa akin.
Kinuha ko ang mga kasuotan na ibinigay niya sa akin. "Saan po ba ang malapit na batis?" tanong ko.
Ang sabi kasi ni Tita ay sa batis sila naliligo. Hindi ko naman alam kung saan 'yon. Ilang araw na rin akong hindi nakakaligo at pakiramdam ko ay napakarumi ko ng babae.
"Ako! Ate alam ko!" wika ni Hera na kagagaling lang sa labas.
"Maliligo ka rin?" tanong ni Hegel sa kanyang kapatid. "Hindi ka naman maaring sumama kay ate Hezira," sabi pa nito.
"Sasamahan ko lang siya."
"Halika na, Hera," aya ko sa kanya.
"Mag-iingat kayo." Pahabol ni Tita Rema.
Nakahawak sa kamay ko si Hera na masayang-masaya habang ako ay maraming iniisip. Iniisip ko kung anong hakbang ang gagawin ko kung sakaling makapasok ako sa loob. Hindi na rin ako maaaring magtagal sa mundo nila dahil sa nalaman kong kahinaan ng kwintas na ito.
"Alam mo bang pangarap ko ring makapasok sa loob ng palasyo, ate?"
"Hindi." Sagot ko.
Napatingin ito sa akin at nalilito na naman ang kanyang mukha. "Kaya nga sinasabi ko sa'yo." Inosenteng sabi nito bago ngumuso.
Natawa ako at huminto. Umupo ako at sinenyasan siyang sumakay sa aking likod.
"Sigurado ka?"
"Sige na, Hera."
Tumango ito at sumakay sa likod ko. Humagikgik ito nang umangat na sya sa ere. Kahit papaano ay nagugustuhan ko ang pagtawag nila sa akin ng ate--- Gusto ko talaga. Nakahanap ako ng maituturing na pamilya sa mundong ito--- mundong hindi ako kabilang. Ngunit alam ko kung hanggang saan lang ako at hindi ako maaaring lumagpas do'n... Hindi ako kabilang sa mundong ito at kahit na anong oras ay maaaring mapahamak ako.
"Wala ka pa bang naaalala, ate? Baka hinahanap ka na ng mga magulang mo." Bulong nito habang nakapahinga ang kanyang ulo sa aking balikat.
Payak na ngumiti na lang ako. "Wala ng naghihintay sa akin." Maikling sagot ko.
"Paano mo naman nasabi? Nanumbalik na ba ang 'yong mga alaala?"
Natigilan ako bago mahinang umiling. "Mahalin mo ang 'yong ina, Hera. Iparamdam mo sa kanya ang mga bagay na dapat maramdaman nya. Hindi mo alam kung kailan sya mawawala." Parang may kung anong bagay ang bumara sa aking lalamunan matapos kong sabihin 'yon.
Pero kahit na naiparamdam ko kay mama ang pagmamahal ko sa kanya ay masakit pa rin. Kahit na alam kong napasaya ko sya ay masakit pa rin. Masakit na bigla na lang syang nawala. Masakit na sa isang iglap ay wala na akong mama na tatawagin.
Alam kong ang paghihiganti ay walang mabuting maidudulot ngunit pakiramdam ko ay ito ang pinaka mainam na solusyon para maibsan ang galit na nararamdaman ko. Galit ako sa mundo... ipinagkait nila sa akin ang mga sandaling dapat ay kasama ko pa ang aking ina.
Si Hera ang nagtuturo ng daan. Nasa loob kami ng masukal na gubat ngunit alam na alam ito ni Hera. Malamang na lagi silang pumupunta roon.
"Ate, magkwento ka sa akin ah? 'Pag nakapasok ka na sa palasyo. Gusto kong malaman kung ano ang hiwagang ikinukubli ng lugar na 'yon."
BINABASA MO ANG
Taste of Blood (Book I)
VampirePara kay Hezira ay isang kathang-isip lamang ang mga bampira. Hindi siya kailanman naging interesado sa mga ito. Pero lahat ay nagbago matapos ang isang madugong gabi nang paslangin ng mga nilalang na 'yon ang nag-iisa niyang pamilya--- ang kanyang...