Chapter 25

205K 9.2K 4.4K
                                    

Chapter 25: Kaba


Kinabukasan ay napagpasyahan namin na huwag munang pumasok. Napagkasunduan namin ni Dominus na pumuntang pamilihan para mamili ng damit na maisusuot mamayang gabi para sa kasiyahan. Ito ang unang pagkakataon na makakadalo siya sa isang kasiyahan sa labas ng palasyo.


“Sigurado ba kayong ayaw niyo akong isama?” tanong ni Lazaro nang handa na kami ni Dominus na lumabas. “Mas mapapanatag ang loob ko kung nakikita ko kayo.”


Tumawa si Dominus. “Hindi na, Lazaro. Saka nakakailang na may kasama kaming magulang kahit saan pumunta,” sagot nito.


Napakurap ako dahil sa sinabi niya.


Binalingan ako ni Dominus. “Hindi ba, kapatid?”


Bahagya akong napatango. Mukhang kahit papaano ay may natutunan na siya na hindi kailanman itinuro sa palasyo. Ang aral na hindi sa lahat ng pagkakataon ay may kawal na aalalay sa kanya. Masaya akong kahit papaano ay nagagawa na niyang kumilos nang hindi dumidipende sa iba.


Bumuntong-hininga si Lazaro.


“Mag-iingat kayo.” Saka ito ngumiti sa amin.


“Opo, Ama!” masayang sagot ni Dominus.


Napatikhim si Lazaro. Napansin ko ang bahagyang pagkailang sa kanya dahil sa itinawag ni Dominus. Hindi ko siya masisisi, prinsipe lang naman ang tumawag sa kanyang ama.


Nang makalabas na kami ay mabilis na inakbayan ako ni Dominus. Mas inilapit niya ako sa kanya. Kahit na nakapatong sa balikat ko ang braso niya ay hindi ako nabibigatan, parang hindi niya pinapasan sa akin ang kanyang bigat.


“Zira, ano sa tingin mo ang damit na babagay sa akin?” tanong niya.


Napangiwi ako sa itinawag niya sa akin. Hindi pa rin ako sanay… Pakiramdam ko ay sinisira niya lang ang pangalan ko. Pwede namang iba pero iyon pa talaga ang pinili niya.


“Kahit ano naman mukhang babagay sa ‘yo,” sagot ko.


Mas hinigpitan niya ang pagkakaakbay sa akin. “Pinupuri mo ba ako?”


“Kung mayabang ka ay malamang na iisipin mo ‘yan.” Nagkibit-balikat ako.


Mahina siyang tumawa. “Minsan talaga ay matanglihaga ang mga lumalabas sa bibig mo. Hindi nila maiisip na nilalait mo na pala sila.”


Pagkarating namin sa pamilihan ay agad na dumiretso kami sa mga damit. Pumunta kami sa mga panlalaking kasuotan para makabili muna si Dominus. Hinayaan kong siya ang mamili ng gusto niya. Nanatili akong nasa likod niya.


“H-Hindi mo ba ako tutulungan?” tanong niya sa akin. Napansin ko rin na tinitignan niya lang ang mga damit.


Umiling ako. “Hindi naman ako ang magsususot. Pumili ka lang ng gusto mo.”


“P-Pero… H-Hindi ko alam kung ano ang pwedeng isuot do’n,” pabulong na sabi niya. “Iba ang sinusuot namin sa pagdariwang sa palasyo!” Bahagyang tumaas ang kanyang boses.


Napakurap ako. “Sinisigawan mo ako?”


“Ayaw mo akong tulungan eh!” pagdadabog niya. “Ganito ba ang pamilya?”


Ayan na naman siya. Ginagamit na naman niya ang pamilya para mapasunod ako.


Nagmatigas akong umiling. “Hindi ko rin alam kung ano ang gusto mo,” pang-iinis ko. “Isipin mo na lang kung ano ang sa tingin mo ay mas makakaakit sa mata ng isang babae.”


Tumamad ang tingin niya sa akin. “Mas naaakit sila kapag walang damit,” sagot nito. “Gano’n ang mga babaeng alipin sa palasyo. Naririnig ko sila minsan na pinag-uusapan ang mga kawal na walang damit.”

Taste of Blood (Book I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon