Final Chapter

249K 10.3K 11.4K
                                    

Epilogue na po ang kasunod. Salamat!



Final Chapter

Napatitig ako kay Inueh dahil sa sinabi niya.

"Hezira, bampira ka," seryosong sambit nito sa akin. "Natutulog lang ito sa loob mo. Darating ang araw na babalik ka rin dito kasi nararapat ka lang sa mundong ito. Narito ang tadhana mo..."

Bumuntong-hininga ako bago tumango.

"Kung gano'n ay ipapaubaya ko na lang lahat sa tadhana," nakangiti kong sambit. "Matapos ang lahat, hindi ko hawak ang mga mangyayari. Gaya ng sinabi mo, kung mangyayari iyon ay mangyayari talaga."

Umawang ang bibig nito na tila may gusto pang sabihin ngunit natikom din nang hawakan ni Prinsipe Arcus ang kanyang balikat. Bumuntong-hininga ito bago tumango at nagpatuloy sa paglalakad.

Hinawakan ni Dominus ang aking kamay. Hinawakan ko rin pabalik ang kanyang kamay, mahigpit na tila may kukuha sa akin palayo sa kanya at natatakot akong mahiwalay. Ito na ang huling pagkakataon na mahahawakan ko siya.

Bumigat ang pakiramdam ko. Habang patagal nang patagal ang paglalakad namin ay palapit naman kami nang palapit sa katapusan ng lahat. Matapos ang lahat ng nangyari... Hindi ko inakalang makakabalik pa ako sa mundo namin.

Bumalin ako ng tingin kay Dominus.

"Hihintayin kita, Hezira," sambit nito nang hindi tumitingin sa akin. Bumuntong-hininga ito bago ako nilingon. "Matapos ang lahat, ikaw lang ang nagparamdam sa aking ng ganito. Maghihintay ako kahit na gaano pa katagal," diretso sa aking mga mata, dalisay at tagos sa puso na dugtong nito.

Nakangiting umiling ako. "W-Walang kasiguraduhan sa mundong ito, Dom, kaya madalas na mabali ang mga pangako. Ang mga salitang inilabas sa nakaraan ay maaaring mabura sa hinaharap."

"Pero hindi ang mga salita ko---"

Tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya sa akin. Pinagmasdan ko ang mga asul niyang mata. Naalala ko nong una ko siyang nakita, hanggang ngayon ay nalulula pa rin ako sa ganda ng mga mata niya.

"H-Huwag mo na akong hintayin," bulong ko. "Darating din ang araw na makikilala mo ang babaeng nakalaan para sa 'yo. Mabubura niya ang mga salitang binitawan mo sa mga sandaling ito at ayokong makaramdam ka ng lungkot para sa akin. Maging masaya ka, sasaya na rin ako."

Ngumiti ito bago tumango. "Kung gano'n ay mabubura mo ang nakaraan at mag-uumpisa tayo uli? Kung 'yan ang gusto mo, sige lang!"

Napanguso ako nang hindi niya ako naunawaan. Hindi ko alam kung niloloko niya lang ako na hindi naintindihan ang sinabi ko o talagang iba lang ang pagkakaintindi niya.

Naramdaman kong bumigat ang mga balikat ko. Nakaakbay pala sa akin si Inueh. Maliwanag ang nakangiti niyang mukha. Ngayon ko lang uli nakita ang gano'ng saya sa kanya... At doble ang dating no'n sa akin.

"Isali niyo naman ako sa usapan, malaki rin naman ang parte ko sa kwentong ito ah?" biro ni Inueh na kay Dominus nakatingin.

"Usapang pamilya ito!" ani Dominus. Napatingin ito sa braso ni Inueh sa aking balikat. "Nabibigatan si Hezira. Alisin mo nga ang braso mo sa balikat niya!"

Dumaing si Inueh bago inalis ang kanyang mga braso sa balikat ko. Humalukipkip ito sa aming harapan.

"Hindi pa ba ako kasama sa pamilya niyo?" Tumaas ang mga kilay nito. "Dapat kasali na ako, hindi ba? Ang tagal na nating magkakasama! Hanggang ngayon pa rin ba ay labas pa rin ako?" Ngumuso ito.

Taste of Blood (Book I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon