Chapter 9

326K 15.2K 4.5K
                                    

Chapter 9: His Greatest Fear

Habang naglalakad ako pabalik sa silid ni Prinsipe Dominus ay iniinda ko pa rin ang sakit ng likod ko. Gusto kong matawa sa uri ng pagpapakilala ni Prinsipe Arcus. Lumakas ang pagkabahala ko sa kanya. Simula pa lang ay naghihinala na sya. Kailangan kong maging maingat lalo na sa kanya.

"Saan ka galing?"

Natigilan ako nang may narinig akong tinig sa isipan ko. Napatingin ako sa likod ko kung nasan si Prinsipe Dominus. Nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa akin.

"N-Nagpunta lang ako sa kabilang bahagi ng palasyo." Wala akong balak sa sabihin sa kanya ang nangyari kanina dahil alam kong wala rin namang patutunguhan 'yon.

"Anong nangyari kanina?" Tanong nya. Natigilan ako nang maalala na nakakabasa sila ng isipan. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko para hindi nya magawang mabasa ang aking isipan. "Simple lang..." natigilan na naman ako nang sagutin nya ang tanong ko sa aking isipan. "Huwag mo akong hayaang makapasok. Huwag mong hayaang malaman ng lahat ang tumatakbo sa iyong isipan." Ngumiti ito. Naguluhan ako kung paano 'yon gagawin.

May dumaan na mga babaeng tagapagsilbi. Gumilid ang mga ito at nakayukong dumaan sa likod namin. Hindi ko pinangarap maging prinsesa pero hindi naman pala masama.

"Halika," aya nya sa akin. Nauna itong naglakad. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang nag-iba ang pakikitungo nya sa akin. Malamang na masama pa rin ang loob nya sa akin dahil sa nangyari kanina.

Bigla kong naalala 'yong pagluha nya. Nakakalungkot nga dito sa palasyo. Wala ka gaanong makasalamuha at alam kong mailap sa kanya ang mga tagapagsilbi rito dahil isa syang prinsipe.

Lumiko kami sa isang pasilyo. May pinto sa gilid kung saan may nakabantay na kawal. Nagdire-diretso lang si Prinsipe Dominus. Hindi pa man sya nakakalapit sa pinto ay binuksan na ito ng dalawang kawal. Daig pa nito ang mga automatic door sa mga mall sa mundo namin.

"Whoa!" Napaatras ako nang harangin ako ng mga guard. "Problema nyo?"

Napatingin ako kay Prinsipe Dominus. Natawa ito sa naging reaksyon ko. Parang bigla na lang syang bumalik sa good mood. Lumapit ito sa isang kawal at inakbayan nya ito. Nakita kong medyo nagulat sya sa ginawa ng prinsipe.

"Papasukin mo sya," bulong nya.

Sinenyasan naman ako ni Prinsipe Dominus na pumasok. Nagdahan-dahan akong pumasok at salamat naman ay hindi na nila ako hinarangan. Pagkapasok ko sa loob ay nalula ako sa dami ng mga naka-imbak na pagkain dito. May mga prutas din at gulay.

Lumapit si Prinsipe Dominus sa mga mansanas at kumuha ito bago nagpatuloy sa paglalakad. Kukuha rin sana ako nang mapatingin ako sa kawal. Masamang nakatingin ito sa akin.

"Tinignan ko lang, masama?" Inirapan ko sya bago humabol kay Prinsipe Dominus.

Marami pa kaming pasilyong dinaanan bago kami nakarating sa isang malawak na Dining Hall. Sobrang lawak nito. Ito 'yong mga napapanuod ko sa mga drama. Mahaba ang lamesa sa gitna na pinaliligiran ng mga disenyo. Sa magkabilang dulo ay may mga upuan na sobrang taas at binudburan din 'yong ng disenyo. Sa mga gilid naman ay may mga nakahilera ding upuan na tama lang ang lalaki. Sa itaas ay may apat na aranya na nagbibigay liwanag sa paligid.

Humila si Prinsipe Dominus ng upuan kaya ngumiti ako sa kanya. Uupo na sana ako do'n nang nauna na sya. Umupo sya do'n presenting sumandal. Ngumiwi ako bago humila ng sarili kong upuan at umupo sa tabi nya. Nakakamatay talaga ang maling akala.

Mayamaya ay dumating na si Prinsipe Arcus. Gaya ng nauna ko syang nakita ay wala pa ring mababakas na kahit na anong emosyon mula sa kanyang mukha kundi ang lamig. Parang binabalutan ng yelo ang pagkatao nya at takot syang malusaw 'yon at malaman ng iba ang nakatago do'n. 'Yon ang pakiramdam ko sa kanya.

Taste of Blood (Book I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon