Magkabilang Mundo
Written by: L
_________________________
Magkalayong agwat
Gagawin ang lahat
Mapasa'yo lang ang
Pag-ibig na alay sa'yo
Ang awit na to ay awit ko sa'yo
Sana ay madama
Magkabila man ang ating mundo
Sabe nung radyo.
Gusto kong patayin eh. Yung nag-compose pati kumanta dahil iisa nga lang sila. Hindi dahil pangit yung kanta kundi dahil tamang-tama. Tamang-tama sa'ken. Para bang nandun si Jireh nung nangyari lahat yun.
Sumimangot ako. Katulad nang palagi kong ginagawa. Sinabayan ko pa ng pag-nguso habang sige pa den ang kamay ko sa pag-punas sa gilid gilid ng POS counter.
" Ma'am Joey. Ako na po gagawa nyan." Si Kaira ang nagsalita. Cashier ng Caffé KHS. Alongside with Kelly and Krina.
"Ako na. Patayin mo na lang yung radyo kesa ikaw ang mapatay ko." Natawa sya. Alam nya. Alam na alam nyang hard ako mag-joke. Agad nga syang tumalima e. Ganun ako umasta sa lahat ng empleyado ko.
Ayokong mag-mukhang boss na boss. Ayokong umastang mataas na mataas. Hindi dahil humble ako, plastik o anu pa man. Yun ay dahil alam ko kung ano ang mararamdaman nila. Bakit hindi?
I was once a cashier in a coffee shop.
Sa tagal ko dun. Dun ko na ata naramadaman ang lahat ng pakiramdam.
Masaya.
Malungkot.
Mainis.
Mabagot ng sobra.
Maiyak.
Mangarap.
Lahat na ata ng may "MA". Kahit nga ng salitang Maiwan.
Maiwan ng taong kahit kailan hindi ko ini-Expect na magiging part ng buhay ko. Yung malaking parte pa.
Yung taong ni sa hinagap di ko aakalaing mahahawakan ko. Makakasama. Makakatawanan. Makakaiyakan. Makakatagal sa ugali ko. Pero kase yung taong yun. Madami ding pangarap sa buhay.
Nung una nga kala ko sya na. Kase iba na talaga e. Iba na. Nararamdaman ko na. Nararamdaman ko nang --------
Hahampasin ako sa balikat.
Inis akong lumingon. Panira ng moment
"Tulala ka nanaman. Ano nanamang iniisip mo?" Si Julie the Spoiler. Mukang kakarating rating lang nang gaga slash gago dahil sa hingal na naririnig ko sa pagsasalita niya. Kasama nito si Ayhen. Ang long time ka-in a relatioship niya sa facebook. Tumatawa pareho ang dalawa despite some abnormal breathings.
"May naiisip lang." Maikli kong sagot. Mangungulit nanaman kase 'to pag hinabaan ko.
"Sus! Parang meron ka naman nun." Dinugtungan pa nya ng malakas na tawa.
I eyed her sharply. " Wala ko sa mood tomboy ah!"
Si Ayhen naman ang um-adlib ng tawa.
"Gago kha huh?" Burst her with the annoying "h" sound. Di na talaga natanggal sa kanya yun.
"Pikon ka den pala e. Kamusta naman? Maayos ba dun?" I ask about our other branch. Dito kase ako madalas sa Tagaytay. Malapit kase samen at halos kapitbahay ko yung mga employee. Isa pa nasa kapatid ko yung kotse. Hiniram para sa kung anek anek na rason.
"Teka nga. Ba't hingal na hingal ka? Tumakbo ka ba mula rito hanggang manila?" Dagdag ko pa.
"Nope. Itong kaseng si Ayhen. Walang ginawa kundi mangiliti." Natatawa iyong tumingin sa babaing nasa tabi nyon.
We decided to sit outside the café in which you'll see a cliff with huge modern houses and colorful roofs.
Everywhere were scattered with beautiful and colorful flowers entwined into a low iron fence coloured with pink and blue pastels. Oozing with cold fresh crisp air.
"Sinong nag-drive? Imposible namang nagkikilitian kayo habang nag-da-drive ka?" Nagtataka kong tanong. We we're there sitting and enjoying the cool breeze of an afternoon sun.
"Ako!" Entering our conversation with a sound of manly voice.
"Albert." Napangiti ako. It's been a year. And finally. He's here.
"Kelan ka pa nakauwi? Kamusta si Daryl Anne?" I toss my fist in his. Naupo sya sa gilid ni Ahyen which is in the right side.
"Ayun. Di ko na sinama. Makulit kase masyado yung inaanak mo." He was referring to their son, Aryle.
"Malaki na yun. Don't worry i'll drop by sometime."
"Bigtime na kayo ah. Parang dati kanya kanya tayong problema sa pera."
"Pinagsumikapan lang. Mag-aanak na daw kase si Julie at Ayhen e."
Isang malakas na batok at gagu kha huh nanaman ang natanggap ko kay Julie. Ayhen capture her hands and smiled.
"Eh ikaw? Kelan? Don't tell me. Siya pa den. Joe naman. It's been what 5 or what years now? Parang di ata ang pagdalaw sa inaanak mo ang bigyan mo ng time kundi ang sarili mo naman. What's the essence of being succesful when you still had some things to forget and to let go."
Natahimik ako. Oo. May punto siya pero hindi naman kase ako ang nagawa ng narararamdaman ko. Pwede ko ngang diktahan ang puso't isip ko pero sadyang matigas sila. Hindi nasunod. Kung pwede nga lang na kalimutan na lang ang lahat e. Kung pwede lang.
Natapos ang araw na yun na lalatoy-latoy ako. Paulit-ulit kaseng rumirehistro sa utak ko yung mga linya ni Albert. Minsan natatawa ko kase hello! Si albert ba yung nagsalita? Eh hindi naman marunong mag-english yun dati. Puro pang-aasar nga lang yun kadalasan. Alam kaya nila ang gamot sa sakit ko? Baka pwedeng sila nalang ang mag-reseta saken para gumaling nato, nahihirapan na kase ako.
Hirap na mag-isip at umasang babalik pa siya.
_________________________
A/N:
Parang ewan lang pati chapter 1. Bahala na kayo umintindi. Alam ko matatalino naman kayo. chap 2 ko na gagawen yung throwback nya.
Patikim pa lang yan. Sana lang magustuhan nyo.
BINABASA MO ANG
Magkabilang Mundo ( On-hold )
Romance"처 의 정 말 사 랑 해. 내가 여기 온 이유라고 당신을 떠날 큰 실수. 이제 새롭게 시작하고 결혼하자." Mga katagang nagpanganga saken. Seryoso ba sya? Napaluha ako. Hindi dahil sa tuwa kundi dahil hindi ko na-gets sinabe nya. Ang bilis e. Joeyshelle "Joey" Magracia never expected that on...