MM11

42 13 0
                                    

Magkabilang Mundo
Written by: L
________________________________________________________________________

Napatingin kame ni Nanay sa pababa sa hagdan. Bakit nga ba hindi eh panay ang langitngitan ng sahig naming kahoy sa taas. Alam kong si Lalaine at Hoon Saeng yun. Pinatawag kase ni Nanay kay Lalaine si Koreano. Paglapat pa lang ng talampakan ng Loko sa sementado naming sahig dito sa baba ay nakatingin na sya saken. Halos may isang linggo na pala sya samen. Tapos ni hindi nya pa ko nakaka-usap ng matagal. Busy na nga ko sa trabaho. Iniiwasan ko pa siya. Sh*t naman kase. Bakit ginawa pang Universal Language yang English na yan. Marunong ako. Oo. Pero naman kase. Baket on the spot? Daig ko pa tuloy yung tubig sa takure na hindi kumulo-kulo. Konek mo huh?

"Shelle? Sabayan mo na sila. Kumaen ka muna bago ka matulog." Boses ni Nanay na nagpabalik sa kamalayan ko. Di ako kumibo. Pinili kong estimahin muna ang kaartehang pumapasok sa isip ko. Kung hindi ako sasabay sa kanila at patuloy na iiwas. Pano kame magkaka-ayos?
Bahala na. Kung anong kakalabasan. Eh di sige. Wala na eh. Tumayo na ko. Naupo malapit sa kanya. Alam kong nakatingin sya saken. Bakit nga naman di ko malalaman eh parang nabuhayan ang mga ugat ko at panay ang alog. Kinikilig daw sila. Tahimik akong kumuha sa harap ko ng pinggan. Inihanda iyon ni Lalaine.

Iniabot ni Hoon Saeng saken ang kanin na tinanggap ko naman. Ngumiti lang ako. Di na ko nag-antay ng reaksyon mula sa kanya. Nilaga ang ulam namen. Isa sa dahilan kung ba't napaupo nila ko para kumain. May kasama pang tuyo para matikman ni Hoon Saeng.

"What's this?" I heard him asking. Di ko siya pinansin dahil akala ko si Lalaine ang tinatanong niya. Nagpatuloy ako sa pag-sandok ng kanin.

"Ate?" Si Lalaine. Tiningnan ko sya. Inginuso naman nya si Hoon Saeng. Tumingin ako sa gawi nyon. Nakita kong hawak pa nya yung tuyo. Gamit ang chopstick.

Galing naman. Gusto ko den matuto sa isip isip ko.

"What's this?" Ulit nya sa tanong nya. This time nakatingin na sya saken.

I cleared my throat. "Dried fish."

"Is this masarap?" he asked again. Masarap ang second tagalog word na natutunan nya samen. The first one was KUYA. Lalaine used to call him that way.

"Yes. Specially when you dip it to vinegar." Oha! Sabe sa inyo marunong ako e. :) "You should try one." Si Lalaine na inunahan ako sa linyang yan. Masyado talaga kong mabagal. Lagi tuloy nauunahan.

Tinikman niya. Pilit ninanamnam ang alat na dulot ng tuyo.

"맛 입 다." Hala! Nag-korean. Isang word pa lang. Nosebleed na kame ni Lalaine. Teka, parang na-search ko yun.

"Masarap!" Halos sabay naming sagot ni Hoon Saeng. Sa isip nga lang yung saken. Si Lalaine kase nag-tanong pa. Di nalang pinaubaya sa knowledge power ko. Isang tuyo lang ang nakaen niya. Masarap daw e nuh? Gulo ah!

"Kelan restday mo?" Sabay na tumingin saken ang dalawa.

"Bukas." Tugon ko. Narinig ko ang ginawang pag-bulong ni Hoon Saeng.

"When?" So, naintindihan nya pala yung tanong ni Lalaine. Kunsabagay, nakaka-intindi yun ng Tag-Lish. :)

"Tommorrow." Lalaine answered. Sabay ulit silang lumingon sa direksyon ko. Diretso lang sa pagkain. Inaantok na ko. Gusto nang pumikit ng mata ko. Inuubos ko nalang ang kakapiranggot na kanin at karne na natira sa plato ko. Bilis nuh? Ganun ako ka-siba. :)

"Punta daw tayo Intramuros te." Si Lalaine ulit. Di na talaga natigil bibig nito. Kahit saglit di man lang naisip ipahinga.

"Sige." Sagot ko. Manahimik lang sya. Tsaka syempre para naman mag-ka-time ako kausapin 'tong bisita ko.

Maya-maya pa'y tumayo na ako. Nauna na ako sa kanila. Umakyat ako sa taas para kumuha ng damit na pam-bahay. Pagbaba ko. Diretso naman ako sa CR. Alangan naman mag-palit ako ng damit sa harap nila dba? Hallerrrr. Desperada? Hwahahaha. Wala pang 5 minutes tapos na ko magbihis. Paglabas ko ng CR. Diretso ko sa upuan slash higaan ko. Eto na talaga. Pipikit na. Nahiga na ko. Dahan-dahang ipinikit ang pagod kong mata dahil sa salaming suot ko. Marahil isa iyon sa dahilan nang pag-bigat ng talukap ng mata ko. Narinig ko ang boses nya.

"안 녕 히 주 무 세 요 처 위." ( Good night Joey. ) Malinaw pa sa pandinig ko na korean iyon. Sa sobrang antok ko ngayon. Kahit pa i love you ang ibig sabihin nun. Pasensyahan tayo. Matutulog ako. Pero sana nga 사 랑 해 ( i love you. ) na lang sinabe nya. :)

Dire-diretso ang naging tulog ko. Kunsabagay nasanay akong pag-uwe ko pa lang. Linis lang ng katawan tapos tulog agad. Minsan lang ako nakain. Dalawang rason lang yan. Una, gutom talaga. Pangalawa, paborito ko yung ulam. Nagising ako bandang alas-syete. Nagising pa ko sa narinig kong bulungan. Bulungang rinig na rinig naman. Si Hoon Saeng parang batang nag-tatanong tungkol sa mga lugar dito na nakikita daw nya sa Internet. Or yung mga part ng history naten. Syempre dahil hindi naman forte ni Ina ang history. Nasagot lang nya yung mga tanong kung saang lugar matatagpuan ang iba sa mga iyon. Other than that. No comment na. Alas 7 ng gabe ang pasok ko nun. Pasado alas sais na ko nagising kaya wala ng oras para makapag-bonding kame ng mga kapated ko, maski nga siya di ko na maharap pag nagmamadali na ko.

Wala eh. Mas mahalaga talaga trabaho. Dahil kung wala yun. Nganga. Although may trabaho naman si tatay. Di pa den kasya.

Umalis ako ng bahay nang masaya. Bakit nga ba hindi? Eh gabi gabe na kong may taga-hatid. Tapos gwapo pa. ^_________^

_________________________
A/N:

I'm back. Nalimutan ko kase password nito e na-log out ko. Buti na lang. Matalino ang facebook. Happy mother's day sa mama ninyo.

Magkabilang Mundo ( On-hold )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon