MM4

91 15 9
                                    

Magkabilang Mundo

Written by: L

_________________________

Friday Morning~

The usual routine. Maaalimpungatan. Maririnig boses ni Ina. Imumulat ang mata. Kakapain ang cellphone. Titingnan ang oras. Titingin muna sa bubong. Hahanapin ang salamin sa mata. Isusuot. Babangon. Bababa ng hagdan. Sisilip sa tindahan. Uupo muna sa baba. Magpapatimpla ng kape. Uubusin ang kape. Maliligo. Magbibihis. Mag-aayos ng uniform. Isusukbit ang bag. MagpapaAlam. Aalis na. Magsusuklay. Maglalakad. Sasakay ng jeep. Maghi-headset. Magpi-play ng kanta. Makikinig. Titingin sa labas. Magmumuni. Bababa sa jeep. Sasakay sa bus. Makikinig ulit. Hindi iidlip. Baka lumampas. Bababa ng bus. Maglalakad. Babatiin at aasarin ng katrabaho. Magbibihis ng blouse. Isusuot ang apron. Mag-re-retouch. Lalabas. Magka-kaha. Kakausapin ng may ka-pormalan ang mga customers. Woah~ andami pala nila. Pero bakit ganun? Parang nakakabagot na.? Pa-ulit-ulit ko na palang ginagaw yun sa loob ng isang taon. Bakit kung iisa-isa-hin ko ng sabihin ang dami. Pero bakit pag ginagawa ko na feeling ko nasasakal ako. Gusto kong mag-aral. Pero pano? Di naman kaya ng budget kaya nga nagta-trabaho ko db? Kung mag-aaral man ako. Pano pamilya ko? Kakayanin ko bang nasa school nga ko wala naman kameng makain? Si lalaine. Nakahanap nga ng trabaho. Di naman ganun ka-stable yung sahod. Si tatay tambay. Walang project. Nasa high school pa yung dalawa. Di naman pwedeng sa tindahan kame aasa. Dahil talagang makakalbo yon.

Napabuntong hininga ako. Wala si Julie ngayon. Restday kaya naman 4 lang kame. Si ma'am tiny, si sir bon at si taba este bien pala. Ayoko na nga mag-isip. Baka ma-short pa ko.

Focus Joey. Focus.

I force myselt to ignore things that might affect my work. Mas malaking problema kung may problema pang darating. After all what's the purpose of the word REASON. I just believe that God has his reasons for bringing me so much difficulties in life. He might know that i'm not afraid of those. I have a family. They we're my biggest strenght. Kaya sisiw lang yun.

Pinili ko nalang linisin at punasan ang ibang mesang di pa napapasadahan ni bien. Wala naman kase kameng tao. Nagsawa ata kakain ng Filipino Delicacies o humahanap lang ng tyempo para tarantahin kame.

"Joey? Nakahanap ka na ba ng boyfriend?" Tanong ni Ma'am Tiffany o Tiny. Natawa ako.

"Di pa ma'am. Di naman ako naghahanap." Binuhat ko na ang tray na naglalaman ng pinggang singbigat ata ng 3ng kilong bigas.

"Koreano kase hanap nyan ma'am. Kala mo naman papatulan." Narinig kong sagot ni Bien. Gag* talaga yun. Tuluyan na kong pumasok sa kitchen at umpisahang hugasan ang mga naipong hugasan dun.

Akala ko nga sya na yun e. Nag-a-assume lang pala ko.

Bigla ko kaseng naisip yung koreano.

Erase! Erase! Wag mo na nga isipin yun.

"Maganda naman si Joey ah! di nyo kita?" Narinig kong pagtatanggol saken ni Ma'am Tiny.

Malakas na tawanan naman ang narinig ko.

"Hoy gag* kang baboy ka ah!" sigaw ko kay Bien. Mga monggoloid talaga 'tong mga ka-trabaho ko. Si Ma'am Tiny lang talaga ang utak tao dito eh.

Nang matapos ko ang lahat ng hugasan. Lumabas na ko. Tapos pumasok ulit. Kukuha lang ng pera. Pambili ng fries. Kanina pa nasa dulo nang dila ko yun e. Uyyy! Di ako buntis ah.

"Ma'am bili lang ako mg fries ah!"

"Sure." Ngumiti pa si Ma'am nung tumingin saken at ibinalik ulit ang tingin sa laptop. Nagawa iyon ng monthly sales namen. Sa couch malapit sa pinto papasok sa kitchen/bar.

Magkabilang Mundo ( On-hold )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon