A/N:
Andame palang typo error nung chap 1. Kaninang umaga ko lang kase nabasa. Hwahaha. At ayun. Tatapusin ko nalang to kahit kakapiranggot pa lang ang readers.
Magkabilang Mundo
Written By: L
_________________________
I'm about to sleep when mem'ries capture me.
Dalawang magkasunod na buwan ang itinuturing kong swerte sa buhay. Sabe nila 8 daw ang maswerteng numero dahil walang katapusan. Pero hindi eh.
Kase para saken 9 at 10 yun.
2009 nang matanggap ako sa trabahong di ko ini-expect na tatagalan ko ng halos 5ng taon. At 2010 nang makilala ko sya.
Year 2010
Kakagising ko lang Miyerkules nang araw na yun. Syempre makikita mo sa mata ko na masaya ko. Bakit hindi? Eh rest day ko.
Bumaba ko sa hagdan para silipin si nanay. Busy sya sa dini-display nyang paninda. May sari-sari store kase kame sa harap ng bahay.
Dumiretso ako sa mesa. Hinanap ang termos at kumuha ng tasa. Kinuha ko ang garapon kung saan nakalagay ang sachet ng kape. Pero wala na. Nakakainis lang. Para g dahil sa kape masisira araw ko. Uyy! Hindi ako bipolar ah. Sabe nila iritable daw ako most of the time. Sabe ni nanay na palagi kong tagapagtanggol eh dahil daw yun
Sa kung anu-anong gamot na itinurok saken nung bata pa ko. Muntik na daw kase akong matuluyan dahil sa sakit na asthma nung baby pa.
Balik tayo sa kape. Tumayo ako. Inalis ang pagkainis dahilan para mapanguso ako at mapasimangot. Sa tindahan ang punta ko.
"Nay?"
"Oh! Ang aga aga nakasimangot ka." Puna ni nanay sa nguso ko. Teka di naman ako nakasimangot ah.
"Mukha ko na ba talaga yun?" I asked myself referring to my lips.
"Hoy! Bakit mo ko tinatawag?" Si nanay. Nabitin ata kaya nang-istorbo na.
"Manghihingi lang ng kape. Naubos na yung stock naten nay eh." Tugon ko.
Binigyan nya ko.
"Salamat nay. Si Lalaine? Mag-o-online ako ah!"
Naupo muna iyon bago sumagot. "Andun sa palengke. Nakalimutan ko kase bumili ng i-re-repack na mantika. Bakit? Sige magComputer ka. Ikaw naman ang nagbabayad ng ilaw."
"Ah!" Ayun lang at pumasok na ko.
Excited akong umupo sa punggok na upuang ginagamet namen sa computer. Pano ba naman kase ang liit ng ginawang kaha ng computer ni Ama. Kaya naman balde lang ng pintura ang pwede mung upuan para di tuluyang bumaluktot ang spinal cord mo.
May bahid pa ng excitement ng pindutin ko ang switch ng AVR para magbukas iyon. Maski ng i-on ko ang CPU at Monitor. Na-i-excite kase ako magDownload ng OST ng korean movie na He's Beautiful. NakakaLSS kase lahat.
Nung marating ko ang website. Halos lahat ng korean song ata na nakalista sa playlist nun e pinagpipindot ko lahat ang Download button. May isang oras din akong naghintay sa mga iyon.
Sinipat ko isa isa kung lahat ba ng gusto ko ay naroon. Pero anlaking pagkadismaya lang.
Wala dun yung isa. Yung pinakapaborito ko pa.
As usual. Sumimangot ako. Napasigaw pa nga ng badtrip e. Napasilip at napatanong tuloy si nanay ng Bakit na tinugunan ko naman ng wala lang.
Sa google ako nantarget ng apps na pwedeng mayroon ng kantang iyon.
I-mesh caught my attention. Para syang friendster. Costumize BG. Make Friends. Chat. Etc. Etc.
Andami pang foreign friends na pwede mong gawing friend.
Swerte pa den dahil lahat ng OST nila ay nandoon. Kahit yung mga latest songs. Andun den. Package na.
Ang gagawin mo nalang maghintay.
I clicked all songs I like and decided to find new friends. Na-excite ako ng mag-appear sa harap ko yung Korea.
I was like 'this is it'. But started to worry afterwards. Inisip ko kase pano kaya yun? E mahal kaya sa korea yung English lessons. Kaya pano nila ko maiintindihan. Pero hayaan mo na. Nakapagsend na ko ng request e.
Ilang oras ang lumipas at natapos na lahat lahat ng na-Download ko. Pero wala pa deng nagre-response sa Request ko.
Ilang oras ang lumipas at natapos na lahat lahat ng na-Download ko. Pero wala pa deng nagre-response sa Request ko.
Magla-log-out na sana ko nang biglang
.
.
.
.
.
.
.
.
Hoon Saeng accept your friend request.
And
.
.
.
.
.
.
.
.
Hong Saeng messaged you.
BINABASA MO ANG
Magkabilang Mundo ( On-hold )
Romance"처 의 정 말 사 랑 해. 내가 여기 온 이유라고 당신을 떠날 큰 실수. 이제 새롭게 시작하고 결혼하자." Mga katagang nagpanganga saken. Seryoso ba sya? Napaluha ako. Hindi dahil sa tuwa kundi dahil hindi ko na-gets sinabe nya. Ang bilis e. Joeyshelle "Joey" Magracia never expected that on...