Magkabilang Mundo
Written by: L
_____________________________
A/N:
This is it guys. This is really is it. I know it's too boring because i did mention the whole stuff regarding her work. Anyway, let's ignore that. The thing is we're here now. The meet-ups. Hope you guys enjoy it and have fun.
_________________________________
April 2011
Pauwe na ko galing sa boring kong trabaho. Oo, boring na. Umalis na kase si Sir Bon. Nag-resign kase aalis pala papuntang Kuwait. Buti pa sya. Nandoon na. Gusto ko naman talaga mangibang-bansa e. Yun kase yung alam kong paraan para sa ikagiginhawa ng pamilya ko. Tapos ito namang si Hoon Saeng nag-leave ng message. Dadaan daw muna sya dito bago pumunta ng Brunei. Gusto nya daw ako makita personally. Matagal pa naman yun kaya di ko masyado iniisip. Kabahan pa ko dba? Eto pang isa sa hindi ko maintindihan. Panay ang tingin nila saken. Mula sa trabaho, sa sakayan ng jeep, sa mismong jeep, pati ba naman dito papunta sa'men?
Anong meron? Feel na feel ko tuloy na maganda ko. Walang hassle yan. Wala kong kulangot sa mukha. Hindi sabog ang buhok ko. Wala kong muta. Lalong wala naman akong panis na laway dahil di pa ko natutulog. Syempre nag-salamin ako. Kanina pa kase ako nagtataka. Imposible namang maging blooming ako. Eh di naman ako nag-aayos at wala kong jowa noh!
Binale-wala ko nalang ang lahat at napag-pasyahang kay Nanay na lang isangguni ang mga tinging ipinupukol nila saken. Bwahahaha.
Pagdating ko ng bahay. Tahimik. Tanging radyo lang ang maririnig.
Asan kaya sila? Nagtanong pa ko sa sarili bago ko kumatok sa gate namen. Na gawa sa yero. sarado na kase yung mini store namen. May isang buwan na den ata. Nalugi kaya di na pinagpatuloy ni Nanay.
Si Nanay ang unang sumalubong. Tahimik talaga sa buong kabahayan. Kunsabagay, ganun naman talaga sa bahay pag umaga. Madalas kase tanghali na nagigising yung mga kapatid kong yun. Actually I know why. Masarap kayang humilata. Lalo pag ganito pa ka-aga. Malamig kase sa taas ng bahay namen palibhasa sa yero at kahoy lang gawa kaya talagang manunuot ang hangin mula sa labas.
"Tulog pa sila?" Tanong ko kahit alam ko naman na ang sagot.
"Oo, alam mo naman yang mga yan."
Naupo ako pagpasok sa bahay. Si nanay naman diretso sa kusina. Malapit lang naman yun. Tanaw ko nga sya.
Nagtitimpla sya ng kape. Pagkatapos kumuha ng plato at nagsandok ng pagkain. Alam ko namang para saken yun. Di naman nakain ng ganito kaaga si nanay. Diet daw sya.
"Alam mo ba nay, kanina pa sila tingin ng tingin saken. May kulangot ba ko sa mukha?" Tanong ko pa sa kanya matapos kong tanggapin ang kape at platong ini-abot nya saken. Tiningnan nya ko sa mukha.
"Wala naman. Baket? Sino bang sila?" Naupo si nanay sa tabi ko.
"Yung mga nakakasalubong ko." Sabe ko sabay nguya.
"Nagagandahan lang yung mga yun sayo."
"Nanay nga kita." Nagkatawanan kame.
Nagpalit na ko ng damet saka pumwesto sa upuan para matulog. Hinayaan ko lang na nakasaksak ang cellphone ko. Para full charge pag ginamit ko mamaya. Saka tuluyang pumikit.
After 2 hours. . . .
Mahihinang tapik ang nagpagising saken kasabay ng pagtawag ng isang boses sa pangalan ko. Dahan dahan kong idinilat ang mata ko. Si Lalaine ang bumungad saken.
BINABASA MO ANG
Magkabilang Mundo ( On-hold )
Romance"처 의 정 말 사 랑 해. 내가 여기 온 이유라고 당신을 떠날 큰 실수. 이제 새롭게 시작하고 결혼하자." Mga katagang nagpanganga saken. Seryoso ba sya? Napaluha ako. Hindi dahil sa tuwa kundi dahil hindi ko na-gets sinabe nya. Ang bilis e. Joeyshelle "Joey" Magracia never expected that on...