MM9

53 13 0
                                    

Magkabilang Mundo

Written by: L

________________________________________________________________________

Naging mabilis ang paglipas ng segundo, minuto, oras, araw at buwan. Di ko namalayang isang araw palagi ko na syang makikita. Parang kelan lang. Muka akong tangang nag-iintay sa message ng taong di ko naman nakikita ng personal. Pero ngayon kausap at kaharap ko na. Sinundo ulit namin sya sa airport. At masaya silang magka-kwentuhan ni Lalaine. Naging close ang dalawa ng sobra. Habang ako, ilang na ilang sa pagsasalita ng English. Di naman kase namen nakagisngang ganun ang ginagamet na lengguwahe mapa-trabaho man o bahay. Sa trabaho bibihira dahil naka-system na samen ang 'Hi ma'am. Welcome to blah blah---' kaya kadalasan panay lang ngiti ko. Wala akong pasok ng araw na yun at talaga namang presko ang paligid dahil na rin sa maulap na langit. Parang uulan pero hindi naman. Sadyang makulimlim. Nakikisama kay Hoon Saeng para ayusin ang gamit sa kwarto sa taas na pag hindi ganun ang panahon ay pihadong maluluto ka talaga.

May ilang batang kapit-bahay ang nagpunta sa bahay namen para usisain ang itsura ng koreano. Pati na din kung pano siguro nito sila pakikitunguhan pero sadyang magaling si Hoon Saeng sa bagay na yan. Kahit super nosebleed na si Lalaine kaka-translate sa pinag-sasabi ng mga bata ay sige pa den ang tanong ng mga yon. Na syang sinasagot naman ni Hoon Saeng. To be translated in tagalog again by Lalaine. Kinakausap ko siya pero kapag out of words na ko. Ngingiti ngiti na lang ako.

Tuloy pa den ang araw araw na buhay. Pumapasok ako ng trabaho at minsan lang sa isang linggo kung maglaan ng oras sa kanya. Andyan naman si Lalaine at close na close naman sila. Sa super close nila. Muntik na kameng mabuko. Nagtatawanan kami nun. Panay kase ang daldal at patawa ni Lalaine na dinudugtungan pa ng kalokohan ni HS. Hindi High School ah. :DDD May nabanggit si Lalaine tungkol sa kanya. Halos lahat ng pinagsasabe nya na si Lalaine ang sumasagot sa chat.

Puzzled na tumingin sya sa amin. Nakahiga ako nun sa upuan. Sila nama'y nakaupo sa sahig. Tulog na nun sila nanay.

"Who's really my chatmate here? Seems like Lalaine knows everything and she's good in english."

Sukat doon nag-init ang tenga ko. Isinubsob ko pa ang muka ko sa naka-cross kong braso. Porke di ako nagsasalita di na ko magaling? Dba pwedeng naiilang lang talaga ko at kinakapa ko pa ang pagsasalita nun.

Si Lalaine ang sumagot kaya napatigil ng tawa si Hoon Saeng. Prangka ba talaga lahat ng koreano? E kung sapakin ko kaya to? Nakalimutan atang nasa bahay namen sya at andito sya sa pilipinas.

"Ate Joey. It's just that i'm always beside her whenever you two chatting."

Di ko na inintay ang sasabihin nya. Agad akong pumunta sa taas. Naging way yun para matapos ang pagtatanong niya. Ang galing ko talaga. Pero na-offend talaga ko ah. Hindi yun part ng drama.

Kumuha ako ng unan at humiga ng padapa. Siksikan kame sa kwarto. Tanging si Jonathan kase ang katabe ni Hoon Saeng sa kabilang kwarto. Nahihiya kase si tatay at toto na tumabi. Tsaka masisikipan na.

Maya-maya'y may narinig akong yabag ng mga paa at pagbukas ng pintuan. Si Lalaine. Natulog na den siguro si Koreano. Narinig ko den kaseng bumukas ang pinto sa kabila.

"Huyyy ate!" Kinalabit pa ko ng gaga.

Di ko sya pinapansin. Masama talaga loob ko. Una, sa pagiging prangka nya. Pangalawa, sa pagka-ilang ko sa kanya. Pangatlo, dun sa tanong nya.

"Ate???" Pinilit pa nya na i-angat ang nakatungo kong ulo. Wala talaga kong balak harapin sya. Naiirita pa den ako. Hindi sa kanila ni Hoon Saeng kundi sa sarili ko. Bakit kase naiilang ako? Dahil nga siguro sa gusto ko na sya. Nahahalata nya kaya? Wag naman sana. Naku! Mas malaking problema yun. Itsura ko naman para gustuhin nya. Gwapo sya. May kaya. Matalino. May talent. Almost perfect. Eh ako? Isa lang nga ata ang similarity namen. Ang pagkakaroon ng salamin sa mata.

Wala na kong nagawa nang mahuli ni Lalaine ang ulo ko. Nakita na nya ang kanina ko pa pilit tinatago.

"Naiyak ka?" Tanong pa nito sa obvious namang sitwasyon.

"Baket? Di naman tayo halata e. Nabawi ko naman e. Naniwala naman tsaka talaga namang ikaw ah. Ikaw ang nag-iisip ng sasabihin sa kanya. Tinatranslate ko lang kaya sayo pa den galing. Ikaw talaga yun." Bulong pa nito. Humiga na den sya sa tabi ko. Nagkumot pa nga at inilapag sa isang gilid lang ang cellphone na hawak hawak kanina. Adik talaga ko sa pagti-text.

Marahas kong pinahid ang luhang kanina pa panay ang patak sa unang kinapapatungan ng mukha ko.

"Nakaka-inis kase. Grabe mag-salita. Ayoko na nga sa kanya. Naiilang kase ko sa kanya boi kaya dko masyadong kinikibo. Tsaka di talaga ko sanay na may kausap tapos english pa baka kase mali grammar ko." Sumbong ko sa kanya. Close kame ni Lalaine. Siguro dahil sino pa ba magkaka-intindihan e kame lang ang babae. Boi ang madalas na tawagan namen maliban sa Baboy ang tawag ko sa kanya at Bakla naman ang tawag nya samen.

"Sus! Ganun talaga yun si Kuya. Sinasabe nya kung anong nasa utak nya. Tsaka di naman tayo nagsinungaling sa kanya ah. Ikaw naman talaga ka-chat niya ah."

"Kahit pang sabihin mo ganun den yun." Masama pa den loob ko.

"Parang tanga 'to. Kausapin mo kase. Nahihiya ren daw kase sya sayo. ,Masyado ka daw kaseng tahimik. Taopos minsan mo lang daw sya kinakausap e ikaw nga ang kilala nya dito. Kahit English carabao lang naman. Maiintindihan nya yun. Minsan nga pag naguguluhan na ko sa sinasabe ko sa kanya. Tag-lish nalang. Naiintindihan naman nya."

Natahimik ako. So, ganun na pala talaga ka-close ang dalawa huh? Nakakatuwa naman ang nagkasundo. Pero teka, Ibig sabihin pareho kame ng nararamdaman. Naiilang sa isa't isa. Kasalanan ko den pala. Tama nga naman. Ako ang ipinunta niya tapos minsan na lang ko andito sa bahay. Minsan den lang kung kibuin ko sya. Bahala na. Di ko na siya sinagot at ipinikit ko na lang ang mata ko.

Kinabukasan. . .

Katulad nang nakagawian. Uuwi ako ng tirik na ang araw sa bahay. Graveyard pa den ako. Pero di tulad dati. Hindi na lang si Nanay ang nasalubong saken. Kasama na pati ang singkit na ito. ( Hindi ako ah. Si Hoon Saeng ^_____^ )

"Hi." Bati nito. "Nanay!" Tawag nito kay Nanay mula sa loob.

"Joey's here." Dugtong niyon. Nauna akong pumasok.

Bumabawi ata ang loko. Sa isip-isip ko.

"Kakaen ka?" Tanong ni Nanay.

Naupo ako. Si Hoon Saeng naman umupo den sa tapat ko. Wala si Lalaine nang oras na yun. Namalengke daw.

"Anong nangyari dyan nay? Ba't hindi sumama kay baboy?" Tukoy ko kay Hoon Saeng. Gusto kong matawa sa itsura nya. Nakatingin lang sya saken. Nakikinig samen ni Nanay.

"English-in mo nga. Para naman maintindihan nung isa. Mamaya sabihin niya. Minumura naten siya." Si Nanay. Tumayo ako.

Ako nalang ang magtitimpla ng kape. Wala ko sa mood mag-utos.

Muli kong tiningnan si Hoon Saeng. Abala na iyon sa cellphone niya.

Muli akong naupo sa harap ni Hoon Saeng. Ni hindi man lang lumingon ang loko. Tahimik akong uminom ng kape. Hindi pa naman talaga ko inaantok. Naadik ako sa pagkakape. Siguro para na den masilayan ko muna sya bago ko matulog. Naks!

Nakita kong tumayo siya. Lumapit kay Nanay na noo'y nasa kusina pa den.

"Nanay joey's sulky?" Pabulong na rinig naman na tanong nito kay Nanay.

"No. She's just tired." Tugon ni Nanay.

Nakita kong tumingin sya saken kahit di ako nakatingin sa kanya gamit ang aking natatanging peripheral vision. Kunware wala kong nakita.

Hwahahaha. Ganti ganti lang yan.

Matapos kong magkape. Naglinis pa ko ng katawan. Saka naupo ule para matulog na. Wala na si Hoon Saeng. Nasa taas na. Nag-uumpisa nang magpinta. Nakaka-gigil lang. Wala talagang pakialam. Nakatulog akong nanggigil.

________________________________________________________________________

A/N:

Natapos den. It takes decades for me to finish this chapter. Parang hirap na hirap ako. Hwahahaha. Di ko den alam kung baket. Hwahahaha.

At ayun, abang-abang nalang. Salamat.

Magkabilang Mundo ( On-hold )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon