Magkabilang Mundo
Written by: L
_________________________
November 2010
Nagsimula na kami ni Sir Bon mag-duty sa Alabang Branch. Maayos naman. Madali kaming nakapag-adjust. Mas lalo si Sir Bon. Ultimo kaseng malapit na sa kanya. Inuutos pa saken. Mas naging malapit kame. Makulit sya. Kaya pati ako nahawa. Sa sobrang lakas nya mag-mura. Pati tang*na mina-mani ko na lang. Hobby na lang namin at paglalambing sa isa't isa ang pag-mu-murahan. Madalas nga nagugulat si Ina saken. Di naman kase talaga ko pala-mura.
"Good morning Ma'am." Bati ko sa kararating lang na customer.
"Good morning." Bati nito with a super arteng accent. Sila na call center. Kalma Joey. Pilit akong ngumiti.
"Tsokolate and Napoleones please."
"Dine it or take out Ma'am? "
"Dine-in."
"May additional order po kayo Ma'am?"
"That's it."
Tinalikuran ko na sya matapos kong ulitin ang order nya. Maliit lang 'tong store kumpara sa store na pinanggalingan ko, nasa gilid lang ng kaha ang kitchen. Sa gawing kanan naroon ang chiller, sa likod nun ang lababo. Dalawang tao lang talaga ang mag-ka-kasya. Si Sir Bon na ang nag-asikaso ng order na Tsokolate. Ako naman ang nagplace ng Napoleones.
"Asan ba si Ruel?" Tanong ni Sir Bon.
"Break nya naman eh. Hayaan mo sya mag-gala." Sagot ko.
Maya-maya umingit ang glass door.
Babatiin ko na sana pero si Ruel ang nakita kong pumasok.
"Ayan na si Ruel, Sir." Tawag pansin ko kay Sir Bon na noo'y busy sa pag-gawa pa den ng Tsokolate.
"Asan na fries ko? Sabe mo manlilibre ka."
"Antigas den ng muka mo sir e nuh? Ikaw na nagpapalibre. Ikaw pa nambu-bully."
"Kay Joey lang 'to Sir e." itinaas pa ni Ruel ang dala dalang supot. Moreno si Ruel. Matangkad saken ng konti at kulottttt.
"Tang*na naman oh! Inuna mo pa yang pag-sintang pururot mo kay Kabayo."
"Oh! I-takbo mo na yan sa customer sa labas." Utos ni Sir Bon saken. Iniabot nito ang Tsokolate saken. Minura ko lang sya para quits. Lumabas na ko saka ini-abot na. Bumalik na den ako sa loob pagkatapos kong i-serve. Naabutan kong dumadakdak pa den si Sir Bon habang tatawa-tawa sa isang sulok si Ruel.
"Bakit Sir?" Nagtatakang tanong ko. Tumayo ako sa harap ng kaha at ipinatong doon ang dalawang braso ko.
"Tinatanong kase nito kung nakahanap ka na daw ba."
"Ng?" Takang tanong ko.
"Kung anong bilis mo tumakbo saka naman bagal ng utak mo." Anlakas ng tawa nun pagkatapos mag-salita.
"Mag-laway ka sa fries ko." Pahayag ko saka marahas na inagaw ang hawak nyang supot na malamang sa malamang e hinablot den lang nya kay Ruel.
"Hoy kabayo ah! Mamahagi ka." Tatawa-tawang anas nyon.
"Muka mo Sir. Bahala ka dyan." Sinimulan ko ng kainin iyon. Naki-agaw din si Nunal. May malaking nunal kase yun sa muka.
Nagta-tawanan pa kami nang biglang sumingit si Ruel.
"Sabe naman kase sayo Joey. Sama ka nalang sa probinsya namen. Tanim tayo kamote."
Sukat doon. Naghagalpak-an kame ng tawa ni Sir Bon.
Mabilis lumipas ang panahon. Di nga ba't parang kelan lang January pa lang. Para bang mina-madali ang pag-lipat nyon na parang sa kalendaryo. Ganun nalang kabilis ang pag-lubog at sikat ng araw. Parang yung pag-tanggap ni Lolo sa lahat ng maling ginawa nila Bien. Parang yung biglaang pag-alis nya papuntang Brunei. Parang yung pagdating ng mensahe isang gabe na dadaan muna daw sya dito bago tuluyang bumalik sa Brunei. Puro Brunei. Oo nga pala, naging matunog ang bansang brunei sa pandinig ko simula ng makilala ko siya.
_________________________________
A/N:
Iksi ba? Pinili ko talagang pa-iksiin. Naiinip na ko da takbo ng story e. Huehue. Antagal ng meet-ups ng mga bida. Gee~ ginanahan sa pag-kwento mula umpisa.
Read, Vote, Comment, Suggestions? I would love to hear a word from you.
BINABASA MO ANG
Magkabilang Mundo ( On-hold )
Romance"처 의 정 말 사 랑 해. 내가 여기 온 이유라고 당신을 떠날 큰 실수. 이제 새롭게 시작하고 결혼하자." Mga katagang nagpanganga saken. Seryoso ba sya? Napaluha ako. Hindi dahil sa tuwa kundi dahil hindi ko na-gets sinabe nya. Ang bilis e. Joeyshelle "Joey" Magracia never expected that on...