Chapter 12: WHAT THE HELL?!

4.7K 102 0
                                    

NOTE: THIS CHAPTER IS EDITED.

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

Chapter 12: WHAT THE HELL?!

ALEXANDER'S POV

Kakauwi lang namin ni Princess galing sa mall. At kanina ko pa rin iniisip yung sagot nung Lau na yun. Ibang klase talaga siya. Paiba-iba daw ang ugali niya. Posible ba yun? =_____=

Para kasing may ibang meaning siya. Moody? I think normal na yun eh lalo na pag sa babae.

*knock knock*

"Pasok."-sabi ko.

"Baby Xander! Tine---"

"Aish! Mom! I'm not a baby anymore! I'm 19 years old so please, Stop calling me baby!"-I said to my CHILDISH mom.

"Hmp! T_T Gusto ko lang namang sabihin na, bakit hindi ka nagrerespond sa text messages ko?"-sagot niya.

SHT! Yung cellphone ko! Naiwan ko sa abandoned room. Tsk.

"Naiwan ko yung cellphone ko sa Abandoned room namin. Ano bang kailangan mo?"-sabi ko.

"Basta. Hindi natuloy kanina eh. So, habang nagkla-klase ka bukas, baka gambalain kita ha? May emergency lang. Anytime. Okay? Bye son! Love you baby!"-sabi niya sabay labas ng kwarto ko.

Tangina. Tinotoo talaga niya yung baby? I'm Alexander Navarro, the King of the gangsters but my mom still calls me baby. Aish! Makatulog na nga!

Itinalukbong ko ang kumot ko sa sarili ko at natulog na.

********

*White Dragon University*

Pagkapasok ko, bumalik agad ako sa abandoned room para kuhanin ang cellphone ko. Walang ibang pwedeng pumasok dito, kundi kami lang. Kahit janitor, hindi pwede.

Sa school na 'to, kami ang Hari. Para bang mas powerful pa kami sa may-ari ng school na to.

Nag-stay muna ako saglit dito. 30 minutes pa naman bago ang klase.

Naramdaman kong bumukas ang pinto at alam kong sina Trason na yun.

"Yow King! Aga ah."-lawrence.

Hindi ko sila sinagot at naglaro lang ng malalaro sa cellphone ko.

"Hoy kayo. May ipapagawa ako sainyo."-sabi ko.

Umayos naman sila at humarap sakin.

"Bakit? Ano yun?"-jace

"Manmanan niyo yung Lau."-sabi ko sakanila.

"Ha? Yung Lau na pinakilala nina Princess? Yung nerd na parte na ng GF? Yung nagsabing Be Caref----"-andrew

"Oo na. Yun na nga yun."-sabi ko. Dami pang satsat eh. -______-

"Oh bakit? Anong meron dun sa Lau? Teka, type mo pre?"-JM

"G*go. Pero, pwede na rin --- Joke lang pala. Tsk. Basta. Hindi, ano... Curious lang ako sakanya."

"HAHAHAHAHAHAHAHA! CURIOUS DAW OH!"

"Mga ulul. Titigil kayo o ihahampas ko sainyo 'tong hawak ko?"-sabi ko.

Automatic namang, tumahimik sila, Mga takot kasi sakin. Under ko eh.

Bigla nalang may nag-text sakin. Tangna, yun ulit ringtone. Peste. Tinawanan na naman ako ng mga ulol na unggoy.

Tinignan ko naman ito at galing kay mama. Ganito kaaga?!

From: ChildishMom

SOOOOOOOON! Sabi ko nga, gagambalain kita. Pasensya kung ganito kaaga, ha? Basta, GO HERE. NOW.

Black AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon