Chapter 14: Fall for me, Unggoy.

4.6K 96 0
                                    

NOTE: THIS CHAPTER IS EDITED.

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

Chapter 14: Fall for me, Unggoy.

"Hoy pandak, maganda ba 'to----"

"Jusko po! Unggoy, bading ka?!"

Bigla namang nanlaki ang mga mata ni Alexander habang may hawak na damit at tumitingin-tingin pa sa paligid dahil baka may nakarinig. So totoo nga?!

"Ano bang pinagsasasabi mong pandak ka?!"-galit niyang sabi

"Yung hawak mong dress! Tsk tsk. Kaila---"

"Tanga! Para sa'yo 'to! Sa date natin!"-sabi niya

Napatigil naman ako, bibilhan niya ako ng damit para sa date namin?

"A-ah. Ganun ba? Hehe. Sorry. Akin na 'yan. Susukat ko na. Ikaw magbayad ha? Salamat!"

Hinila ko sakanya yung hawak niyang damit at pumunta na sa dressing room.

Dress na color violet? Violet nga ba yun?

After sa damit, binilhan niya naman ako ng sapatos.

Teka, ngayon ko lang napansin na ang BCG lang ang hindi naka-uniform sa school ah?! Dapat pinagbabawal yun! Ako naman may-ari nun ah?

"Yan, mukha ka ng presentable. Hindi ka na mukhang pinulot sa kalye."-sabi niya.

"Ano bang mali sa suot ko kanina?! Uniform naman yun ng WDU ah? Bakit sina Princess? WDU uniform din naman ang suot nila ah?"

"Yun na nga eh. Kasi si Princess, maganda. Pero nakakabawas ng ganda ang pagsusuot ng uniform ng pesteng school na 'yan!"-sigaw niya

Natahimik naman ako. Bakit? Bakit ang laki-laki ng galit niya sa WDU? Kay lolo?

Umiwas naman siya ng tingin pero hindi nagsasalita.

Maya-maya ay nagsalita siya. "Anong plano mo?"-tanong niya.

"Huh?"

"Sabi ko, Anong plano mo para sa date natin."-sabi niya.

Medyo nagulat naman ako. Aba! Ang kapal ng mukha nito! Siya dapat ang nag-iisip ah!

"Bakit ako ang tinatanong mo? Ikaw ang lalaki saating dalawa 'no!"

"Ikaw? Babae? Ha! At saka, tangna, ikaw ang nag-ayang mag-date tayo! Um-oo lang ako."

Ngek. Ako nga pala ang nagyaya. Eh wala naman akong plano ah?

Bigla nalang kaming nagulat ng may kung anong tumunog sa tiyan ko. Napatingin siya saking gulat na gulat.

Napapikit ako. Nakakahiya! T____________T

Pagkadilat ko, TAWA SIYA NG TAWA. -______________-

"Hmp! Mabilaukan ka sana!"-sabi ko sabay alis sa harapan niya

"Mabilaukan eh wala naman akong kinakain? HAHAHAHAHAHAHA!"

Tang-inang unggoy yan! May maipipintas na naman sakin! Leche.

Saan ako pupunta? EDI SA KAINAN. GUTOM NA GUTOM NA KO.

Pumasok ako sa isang restaurant na mukhang mamahalin. HAYAAN NIYO NA, MAYAMAN SIYA EH.

Lumingon ako sa likuran ko at wala yung unggoy!

Nilibot ko ang mata ko at nakita kong may kasama siyang babae. At! Nakacling pa sa braso niya yung putanginang babae!

Black AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon