Chapter 13: Date tayo.

4.6K 108 0
                                    

NOTE: THIS CHAPTER IS EDITED.

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~~*~*~*~*~*~*~*~*

Chapter 13: Date tayo.

ALEXANDER'S POV

Lumabas ng bahay na to si Laureen. What's happening? Bakit nandito si Don Enrico? Bahay niya to? At bakit kami nandito? Argh.

"Please explain this to us."-matigas na sabi ni mama.

And ngayon, sobrang nakakatakot ni mama. Hindi na yung childish look niya ang pinapakita niya. Sobrang nakakatakot. But it really doesn't work to me.

Nagsalita yung matandang babae.

"A-ano kasi. Since nga yung napag-usapan natin sa mangyayari sa mga bata. I'm sorry to say, lumipad na patungong States ang apo---"

"Hindi yan ang tinatanong ko. Bakit hindi niyo sinabing may koneksyon kayo kay Mr.Cervantes?!"-galit na sabi niya.

Napabuntong hininga nalang yung matandang babae. Umiiling iling naman si Don Enrico.

"We're leaving."-sabi ni mama

Hinila niya ako patayo at umalis na sa bahay. Nag-shrug lang ako.

Pero si Lau? Kilala pala niya si Don Enrico. Kaibigan pa niya yung apo nung matandang yun.

I guess na kailangan naming mag-ingat sakanya. Delikado.

Pero para kasing.. Argh! Nothing. Tch.

Pero bakit kaya nandun na yun sa bahay ng mga Cervantes maaga palang? Pwede namang after classes? She's getting more interesting.

Hindi ako interesado sakanya, interesado ako sa katauhan niya.

Nag-drive na si mama at ibinaba nalang ako sa school. Tss. Wala namang kokompronta saakin.

Isa pang nakapagtataka, bakit naka-wheel chair yung matandang yun?

Ngumisi ako. May alas na kami. May nalalaman na kami tungkol sakanya.

Tumambay lang ako sandali sa abandoned room at pumasok na rin sa klase ko.

VERONICA'S POV

Kaysa tumambay ako sa labas ng bahay, nagpahatid nalang ako sa driver na papasok na ako.

Late nga ako eh. Kaya ayun, umacting yung teacher na pinapagalitan ako. ACTING lang. Eh kasi, lahat ng empleyado, alam na Cervantes ako.

Pwede bang wag na akong pumasok? Halos makatulog na nga ako eh. Buti hindi ako pinapagalitan.

*****

After ng klase, may hinanap akong unggoy. May plano kasi ako eh.

May plano na ako para paibigin ang Alexander na yan.

Wala naman akong nakikitang sign of GF. Di ko pa nakikita sina Princess eh.

At yung mga tao sa paligid? Parang wala na lang. Tss.

Saan kaya yun pwedeng magpunta? Buong school na ata 'tong nililibot ko. Edi na-tour ko na rin siya kung ganun.

Napatigil naman ako sa harap ng stage. Napangisi ako ng kaunti. I know what to do. Hindi ko siya mahanap? Pwes, siya ang humanap sakin.

Umakyat ako sa stage at kinuha ko yung mic. This is the start Alexander Navarro. Our devillish love story will begin.

"*ehem* Mic test. Mic test. Paging Alexander Navarro the unggoy! Paging Alexander Navarro the unggoy! Pag hindi ka nagpakita sakin, tatawagin kita laging unggoy! Unggoy si Alexander Navarro! Unggooooy! Btw, ako nga pala to si Laureen! Behlat!"

Black AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon