Chapter 1

268 10 1
                                    

Chapter one: Arrival

Isa.

Dalawa.

Tatlo.

At lumipad na itong eroplanong sinasakyan ko.. ano kayang nag-aantay sakin pag-uwi ko? Excited nako na makalapag itong eroplano ko sa Maynila. Tumingin ako sa wrist watch ko at tinignan ang oras. 10:30 pm palang at 2 hours pa ang byahe ko since kakaalis pa lang namin. Binuksan ko yung phone ko na naka airplane mode naman kaya safe at nag earphones ako para makatulog man lang. Nirandom pick ko lang yung music at Dreaming of You ni Juris yung tumugtog.

"So I wait for the day and a courage to say i love you.."

Pabalik na lang ako ng Maynila at magkikita na naman tayo.. kailan ko kaya masasabi yan sayo? Na mahal kita.. hanggang ngayon kaya ikaw pa rin yung mahal ko?

"I still can't believe that you came up to me and said I love you, i loved you too."

Sana ganun ka rin sakin.. sana ganun lang kadali na kapag minahal mo yung tao, mamahalin ka rin niya. Pero hindi e, pag mahal mo at di ka mahal.. Ikaw yung talo. Ikaw yung kawawa.

Hindi ko namalayan na anong oras na pala at nakalapag na yung eroplano namin dito sa NAIA. Sinuot ko na yung backpack ko at kinuha yung luggage ko sa uluhan ng mga pasahero.

Habang bumababa ako sa may hagdan at naglalakad papasok ng airport.. hindi ko maexplain yung pakiramdam. Parang ang sarap pero ang bigat sa loob mo, kasi yung mga naiwan mong naransan dati maalala mo ulit lahat dito. Hays. Ang dami kong alam nakakainis. Tama na ang drama. Nagbalik ka dito para sa family and friends mo okay? Hindi para sa kanya.

Nung malapit nako sa arriving area kung saan naghihintay yung mga family or friends ng mga pauwi ay nakikita ko na si Ate at Kuya na labis labis ang ngiti ng matanaw nila ako. Sana pati siya nag-aantay dun.. Tama na nga nyemas!

"Helloooo bb girl!" Bati sakin ni ate tsaka ako niyakap

"Ang ganda ganda mo ng dalaga bb girl" dagdag naman ni ate

"Ako pa ba ate? Mana lang yan sayo" sagot ko naman sa kanya

"Nako Queana Claire Deguzman kahit pa dalaga kana ikaw pa rin yung baby sister namin" sabat naman ni kuya

Talagang binanggit pa yung full name ko no? Ako kasi yung bunso saming tatlo kaya over protective sila sakin

Si Kuya Paulo Iverson at ate Alicia Jane sila ang aking mga butihing kapatid. Si kuya ang pinakamatanda at si ate naman ang sumunod.

"Akin na yang gamit mo, pupunta lang ak ng parking lot kukunin ko yung kotse para makauwi na tayo" sabi naman ni kuya at iniwan na kaming dalawa ni ate.

"Ano kamusta ang bakasyon mo dun?" biglang sabi naman ni ate habang inaantay namin si kuya dumating

"Okay lang naman ate, nag-enjoy ako sa mga tourist spots dun ang gaganda ng view" sagot ko naman sa kaniya.

"Nakalimutan mo na ba siya after a year?" nagulat ako sa tinanong ni ate sakin

"Hmm maybe? Kasi naging masaya ako kasama sila Ed dun e" sagot ko naman sa kanya

Si Ed ay pinsan namin. Sila kasi yung pinsan ko na nandun kaya nag-enjoy ako kasama sila. Kasing edad ko lang siya kaya nagkasundo kami.

Mayamaya dumating na yung kotse ni kuya at sumakay na kami ni ate

It's almost 1:25 am in the morning kaya wala masyadong traffic.

No strings attachedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon