Chloe's POV
Agad akong nagpunta kanila Paulo nung nabalitaan kong nakita na nila si Claire. Sinalubong ako ni Paulo at inalalayan papunta sa living nila. Nadisappoint ako nang makitang wala namang Claire dun.
"Where is she?" nagtatakang tanong ko naman kay Paulo.
"She's with Cade and her friends. Nandun siya sa bahay na binili sa kanya ni Lola." sagot naman ni Paulo sakin
"I wanna see her."
"Not now babe, she's still in pain. Lalo na nung nalaman niyang ampon lang siya." seryosong sagot naman ni Paulo at nayuko.
I feel bad about her, nalulungkot ako. Napamahal na rin ako kay Claire kasi ang saya niya kasama. Everyone is worried about her. Niyakap ko si Paulo habang nakaupo kami sa sofa.
"Magiging okay rin ang lahat babe, intindihin nyo muna siya." kinomfort ko siya pero hindi pa rin nagbago ang mukha niya.
Hays. See? Everyone is affected. Nilinga ko ang mata ko pero hindi rin ako makaramdam ng aura ni Jane dito. Biglang dumating si Keith. Dumeretso siya ng upo sa may sofa at halatang disappointed rin an mukha niya.
"Sorry kuya.." malamig na sambit niya at nanatiling nakayuko.
"Why Keith?" tanong ko naman sa kanya
"Akala ko, matutuwa siya at naalala ko ang mga sinabi niya sakin noon, but she's mad." malungkot na boses niyang sagot sakin.
Umasa kasi siya sayo Keith. You're so numb. Hindi ka man lang nakakaramdam na mahal na mahal ka ni Claire.
"You know, we can't blame her. She's in pain at lalo pang nadaragdagan 'yun. Kaya hindi mo siya masisisi Keith." sagot ko naman sa kanya
Nanatili kaming tahimik. Nagring ang phone ko dahil nagtext si Mama.
"Where are you? I need you right now."
Nakalimutan ko na kailangan pala ako ni mama para asikasuhin 'yung ginagawang bahay.
"Hmm. Babe? I have to go." pagpapaalam ko naman kay Paulo.
"Hatid na kita" malamig na sabi naman niya
"At ikaw? Ihahatid na kita sainyo." sambit niya at tinapunan ng tingin si Keith.
Umalis na kami ng bahay at nanatiling tahimik ang byahe namin. Pagkarating namin, hinalikan ni Paulo ang noo ko at ngumiti sakin. Ayaw kong umalis sa tabi niya kasi alam kong kailangan niya ako pero I have to help my mom in her work.
He'll be fine. Magkakaayos rin sila ni Claire.
---
Jane's POV
Umuwi kami ni kuya na malungkot dahil sa nangyari. Nandito ako sa kwarto ko at nakatitig lang sa may bintana. Magaling na ang paa ko kaya nakakalakad na 'ko.
Nasaktan namin si Claire sa katotohanan, pero naniniwala akong mapapatawad niya rin kami. Sooner or later, magkakaayos rin kami. Nagring ang phone ko at nagpop-up ang name ni Ash. He's my special someone. At hindi ko alam kung ganun rin siya sakin.. He's always there no matter what happen.
*on the phone*
Ash: Hello?
Me: Hmm?
Ash: Are you free tonight?
Me: No. I have to rest, bye."
*call ended*Naging harsh ako sa kanya kasi wala talaga ako sa mood ngayon. Stress na stress na 'ko. Hays. Sana magkaayos ayos na kami. I really miss my little sister..
Nagutom ako at bumaba sa kusina para kumain. Umalis si kuya siguro dumating na si Chloe kaya hinatid na niya. Maging si Chloe, affected sa ma nangyari. Bakit pa kasi kailangan maging ampon ni Claire.. kung hindi sana siya pinaampon kay mama edi sana masaya kami ngayon. Kasalanan niya 'to lahat! Kung hindi niya nirape ang mama ni Claire hindi kamukuhian ng tunay na mama niya si Claire. UGH! Bakit pa kasi kailangan 'tong mangyari.
Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Mama.
*on the phone*
Mama: Jane?
Me: Bakit po ma? Nasabi na po namin ang totoo kay Claire sa hospital.
Mama: P-pasensya na anak ha.
Me: Okay lang po ma.
Mama: Samahan mo 'ko bukas, pupuntahan natin siya.
Me: O-opo ma.
*call ended*Sana sa pagpunta ni mama, magkaayos-ayos na ang lahat. Hindi ako sanay sa ganito, hindi ako sanay na apektado ang lahat sa mga nangyayari.
[THROWBACK]
Lasing na lasing si Claire noon at hinatid siya ni Keith dito sa bahay."Anong nangyari?" tanong ko kay Keith.
"Nalasing po siya" sagot naman nito.
Inakay ko si Claire papunta sa kwarto niya ng bigla itong nagsalita."Alam mo ba, ikaw. Oo ikaw Keith hihiz.." sabay turo niya sa mukha ko. Namumula siya at bakas sa mata niya na maluluha na siya.
"Mahal na mahal kita hehez.. Hangga't nabubuhay ako, mamahalin pa din kita hihiz.." ngayon umiiyak na siya habang sinasambit sakin 'yun.
Umiiyak na si Claire, at hinayaan ko lang siya. Pinalitan ko siya ng damit kasi amoy na amoy yung ininom niya. Mahal na mahal niya si Keith at kaya niyang gawin ang lahat para lang kay Keith. Sana totoong kapatid ko na lang siya.. sana di na lang siya ampon.
[END]
Nagtambay na lang ako sa may kwarto ko at nagisip na naman. Diyan ako magaling e, ang mag-isip. Sana nandito ka Ash. You're my happy pill at sana pati ikaw wag mawala sa akin.
Natulog na lang ako para makapagpahinga na ang isip ko.
"Pinaampon ko siya dahil sa ginawa ng papa niya hindi dahil sa ayaw ko siyang alagaan! Nasasaktan ako kapag nakikita ko siya.. naalala ko ang pagpapahirap niya sakin." umiiyak ang boses nito at bakas sa boses nito ang paghihirap na naramdaman niya.
Nagising ako dahil hindi ako makahinga. Pawis na pawis ako at hinahabol ang hininga ko. Alam kong si Tita 'yun, si Tita Jenny.
— —
Keith's POV
Hinatid ako ni Paulo at Chloe sa bahay namin. Pinapasok sila ni mama pero tinanggihan nila kasi nagmamadali si Chloe."Nagkita na ba kayo ni Clai—" tanong ni mama sakin na may halong pag-aalala.
"Galit siya. She's mad at me, at kasalanan ko ang lahat." nakayuko kong sabi sa kanya.
Kasalanan ko ang lahat, kung hindi dahil sa akin. Hindi mangyayari 'tong mga nangyayari ngayon.
"I have something to tell.." napaupo si mama sa sofa.
"You and Claire.. are related to each other." tinignan ko si mama na ngayon ay nakatitig na rin sakin.
"H-how?" nauutal kong tanong sa kanya.
Kinakabahan ako sa susunod pang maririnig galing sa bibig niya. What do you mean?
"I was so depressed that night.. At tanging si Jude lang ang kasama ko. Sinamahan niya akong uminom.." bakas sa mata niya na lalabas na ang luha dito.
J-jude?
"May nangyari samin that night, lumaban ako at hindi ko siya napigilan na pagsamantalagan ako. He was so strong and I can't stop him. Pinagsamantalahan niya ako." pagpapatuloy nito.
S-so, kapatid ko si Claire? Damn! Hindi ito maari. Hindi maari na kapatid ko ang taong minahal ko noon.. Hindi.
Nagkulong ako sa kwarto ko at nilock ang pinto. Fuck them! Dahil sa kanila nadamay kami ni Claire sa nangyari. Hindi pwede! Hindi! Hindi ko kayang maging kapatid lang ang babaeng minsan na pinangarap ko.. Hindi maari na kapatid ko lang ang taong gusto kong maging nanay ng anak ko..
Mahal ko na si Claire at hindi pwede itong mga nangyayari.
BINABASA MO ANG
No strings attached
Fiksi RemajaA girl who's already broken into pieces.. a girl who doesn't even know one sided-love. Isang babaeng handang mag-isa basta masaya ang mahal niya, babaeng gusto na lang mapag-isa sa buhay niya para lang safe ang puso niya. Would she even try to love...