Chapter four: Falling tears
Claire's POV
Ginising ako ni Cade para sa almusal namin, nakaligo na ang lahat. At, nandito na kami sa kotse para ihatid ni Matt. This time si Ryan at Maori naman ang katabi ko, si Lia at Sarah naman nasa likod pa rin. Si Cade at Matt naman ang magkatabi sa harapan.
Nakaearphones ako ngayon dahil nasa tabi ako ng bintana.. sakto lang para sa moment. Lol.
"It's amazing how you can speak right to my heart.. Without saying a word you can light up the dark."
Oo nga eh, tignan mo lang ako.. Naririnig ko na yung sinasabi mo sakin..
"Hindi kita kayang mahalin.." Yan yung salitang sa mata mo palang, nababasa ko na. Mga salitang sinasaksak mo sa puso ko.. Yung tipong tignan mo lang ako.. Alam ko na.
Na, hindi moko kayang mahalin.. Na hinding hindi ka mahuhulog sakin.. Pero bakit ganun? Ikaw pa rin yung hinahanap ko sa tuwing nalulungkot ako.. Ikaw pa rin yung makakapagkumpleto sa araw ko.. Ikaw pa rin.Habang nasa byahe, at tumutugtog ang kantang yan sa tenga ko, biglang bumuhos ang malakas na ulan. Kasabay ng pagbuhos ng luha sa mata ko.. lumingon ako sa tabi ko at sa likod ko, buti na lang tulog sila.. Si Cade at Matt naman nagkukwentuhan kaya hindi nila ako masyadong nakikita.
Umiiyak na naman ako.. At walang ibang dahilan kundi sayo. Sayo Keith. Ikaw pa rin yung mahal ko.
Dahil sa mga luhang pumatak sa mata ko, hindi ko namalayang nakatulog ako.
*bogsh*
Nagulat ako sa narinig ko.. pagkabukas ko ng mata ko, wala akong ibang nakita kung hindi puti. Everything was white. Para akong bulag na walang makita kung hindi puti lamang. Unti unti kong nararamdaman na may nakayakap sakin.
"Claire..."
Narinig kong banggit niya. Pero hindi ako makakilos, ang bigat ng katawan ko.. Ang sikip ng dibdib ko, hindi ako makahinga. Parang iniipit ako sa isang lugar. —
Nagising ako sa pagkiliti ni Cade sa paa ko at pati na rin sa tenga ko na si Lia naman ang gumawa.
"Dito kana sa bahay nyo" sabi naman ni Lia
"Nako Liana ah, matapos akong gisingin ah" sabi ko naman
"Oy, dito kana sa bahay nyo hindi hotel tong kotse ko" sabat naman ni Matt
"Aba loko to!" tsaka ko siya binato ng pillow neck
"Osya bababa nako, pinapaalis nyo nako" bumaba nako at kinuha ang gamit ko sa likod
"Bye guys ingat sa byahe" paalam ko naman sa kanila
"Byeeeee" sagot naman ni Cade
Si Liana naman kumaway lang, yung iba kasi tulog pa.
Nung naglalakad ako papasok ng bahay, huminto muna ako. Parang may mabigat na aura akong nakakasalubong.. Parang ang bigat ng pakiramdam ko.
Pumasok nako sa bahay, at nakita ko si Kuya na nakatambay na naman sa harap ng salamin.
"Oh, andyan ka na naman sa salamin kuya gwapong gwapo ka na naman" sabi ko naman sa kanya
"Nandito kana pala, loko ka talaga Claire" sagot naman ni Kuya sakin
"Akyat muna ako sa kwarto kuya" paalam ko naman sa kanya tsaka umakyat sa taas
Inayos ko muna ang gamit ko tsaka humiga saglit.
Eto na naman ako, nakatitig. Sa kisame ng kwarto ko.. Ang ganda ng mga bituin..
Pinasadya ko kasi yung kwarto ko, na yung kisame ay galaxy paint kaya maraming stars. Glow in the dark siya kaya mas masarap titigan kapag gabi at matutulog kana.
Bakit kahit hindi ka totoo ang ganda mo pa rin?
Bakit kahit hindi mo ko mahal, ikaw pa rin?
Ikaw pa rin yung tibok ng puso ko..
Yung sinisigaw ng isip ko..
Yung hinahanap ng mata ko..
Pero kahit ganun, alam ko sa sarili ko..Na hindi ako yung mahal mo, at kahit kailan.. Hindi ako yung gugustuhin mo.
Ang sakit shit.
Hays. Ang drama drama ko, sa sobrang drama ko tumunog yung tiyan ko sa gutom. Puro kasi drama e. Tsk.
Bumaba muna ako sa kusina para kumain.
*Incoming call: Ate Jane*
Ate: Hello claire?
Me: Yas te? Asan ka?
Ate: Nandito ako sa mall, tara samahan moko dito
Me: Himala! Manlilibre ka? Sige gora nako medyo okay naman tong suot ko e aalis nako bye!Nagpaalam ako kay Kuya, wala kasi sila mama at papa nasa Business meeting nila. Mga 5:30 na ng hapon nun kaya ihahatid na lang daw ako ni Kuya
"Mag-iingat kayong dalawa ah, text nyo ko kapag may problema"
Bumaba nako ng sasakyan at pumasok na sa mall. Hinanap ko muna yung store na sinasabi ni Ate kung nasaan siya
"Hoy!" pang gugulat ko sa kanya
"Ayy tae mo — kaloka ka Claire" sagot naman nya sakin
"Tara na te kain na tayo" aya ko naman sa kanya nagugutom na kasi ako hahaha
After namin sa store na yun, kumain na kami.
Hindi katagalan, dumating na yung order namin. Nung kumakain kami, may naramdaman akong kakaiba.
Yung mabigat na aura pag-uwi ko ng bahay, dala-dala ko pa rin sya hanggang ngayon. Parang bitbit ko siya hanggang sa umuwi ako.
Nabuntong-hininga na lang ako pagkatapos ko kumain.
"Oh? Bat ka napabuntong hininga dyan?" tanong naman ni Ate
"Wala naman te" sagot ko naman sa kanya
Pagtapos namin kumain, naglakad lakad muna kami bago umuwi.
Mga 7:30 na ng gabi, nagpasya kaming maglaro muna sa arcade.
Nagbasketball muna kami ni ate at pataasan kami. May dare or deal kami kapag natalo ka, kapag ikaw ang natalo isang linggo kang manlilibre.
"Start" sigaw naman ni ate
Nagsimula na ang game, at natambakan ko si ate ng 10.
"Pano ba yan te? Ikaw manlilibre" natatawang sabi ko sa kanya
"Sige deal. Start na bukas" sabi naman ni Ate
Tumingin ako sa wrist watch ko, mag 8:30 na. Halos isang oras kami sa arcade na puro basketball lang ang nilaro. Buti nga ako basketball lang nilalaro e.. Siya, puso ko yung pinaglaruan niya, char.
"Ate ako na tatawag kay kuya" sabi ko naman sa kanya
*On the phone*
Kuya: Ano buti binalak nyo pang umuwi?
Me: Kuya, kami na lang daw ni ate ang uuwi dala naman nya kotse nya.
Kuya: Sigurado ba kayo?
Me: Oo nga kuya malalaki na kami
Kuya: Sige mag-iingat kayo ah
*call ended*Nandito na kami ni ate sa parking lot.
"Ate umayos ka ah baka lumipad tayo" biro ko naman sa kanya
"Lilipad tayo kasi matataas ang pangarap natin joke haha oo naman safety first" sagot naman nya sakin
Nasa kotse na kami at otw na pauwi.
"Dun tayo sa bagong bukas na daanan, balita ko maganda daw dun, dumaan na kami dun nung nakaraan e" suggest naman ni ate
"Bahala ka ikaw naman magdadrive e" sagot ko naman sa kanya
Mayamaya umiba kami ng daan ni ate eto na nga siguro yung sinasabi niya, ang ganda dito.. Kitang kita yung mga stars, marami ring puno nakakarelax sa pakiramdam..
*crash*
BINABASA MO ANG
No strings attached
Fiksi RemajaA girl who's already broken into pieces.. a girl who doesn't even know one sided-love. Isang babaeng handang mag-isa basta masaya ang mahal niya, babaeng gusto na lang mapag-isa sa buhay niya para lang safe ang puso niya. Would she even try to love...