Chapter 38

29 1 0
                                    

Claire's POV

Kumakain lang ako ng kumain. Ganito ako kapag galit, malungkot or masaya. I don't know why but nakasanayan ko ng gawin to. Nakakainis kasi. Nakakainis. DAMN! Pagtapos kong kumain nagpaalam na ko na aalis lang muna. Hays. Kailangan ko makalanghap ng sariwang hangin. Masyadong sumisikip ang dibdib ko dito.

Naligo na ako at nagbihis.

"Where are you going?" tanong naman sakin ni Cade habang hawak hawak ang phone niya.

Katext niya siguro si Patricia. Baka may projet ulit. LOL. Di ko na lang siya pinansin at umalis na. Nagmaneho na ako papunta sa park. Naupo lang ako sa may bench doon. Medyo nabagot ako kaya bumili ako ng kape at bumalik sa bench. Hays. Kailangan ko ng alone time ngayon. I really need to chill myself. Masyado akong nainis.

"Drinking coffee alone huh?" nagulat ako ng biglang may nagsalita at tumabi sakin. Siya na naman. Di ko siya pinansin at nagpatuloy sa pag-inom ko sa kape ko.

"Alam mo masarap uminom ng kape kapag may kasama" dagdag pa niya. Eh anong pakialam mo? Magsasalita pa dapat siya pero tumayo ako. Hinawakan niya ang braso ko na dahilan ng pagkatapon ng kape ko.

"ANO BA?! DI KA BA TITIGIL HA? BAT MO BA KO GINUGULO?!" Sigaw ko sa kanya.

"Bitawan mo siya." Matigas na sambit ni Cade na ngayon ay nasa harapan ko na at hawak hawak ang kamay ni Zyrus.

"Woah.. looks like boy bestfriend is here!" Natatawang salita naman ni Zyrus pero nakikita ko sa mata ang inis. Bat siya naiinis? Ano bang pakialam niya?

"Fuck you." Lutong na mura naman ni Cade sa kanya. Hays. Eto ba yung magiging ALONE TIME KO?

"Shut up!" Sigaw ko sa kanilang dalawa. Umayos silang dalawa ng upo pero bakas sa mata nila ang pagkainis sa isa't isa.

Iniwan ko silang dalawa doon at umalis na. Manonood na lang ako ng sine. Hays. Parehas sila.

Papasok na ako ng mall ng may humila sa braso ko.

"Quen, ano bang problema?" Tanong naman niya sakin.

"Please. Wag ngayon." Madiing sagot ko naman sa kanya. Please. Wag.

"No. Sasama ako sayo." Pagmamatigas naman niya. Ang kulit!! Hays. Hinayaan ko na lang siyang sumunod sakin at naglakad na ako papuntang cinema. Nakapila na ako pero pinaalis niya ako.

"Ako na magbabayad." Sambit naman niya. Agad akong umalis sa pila at bumili ng makakain.

Tatlong large popcorn, tatlong coke, at tatlong hotdog. Dalawa sakin. Isa kay Cade. Inantay ko si Cade sa may entrance banda sa isang cinema.

"Bumili kana pala ng foods." Naiilang na sabi niya. Iniabot ko sa kanya yung isang large popcon, isang coke at isang hotdog tsaka pumasok na sa loob.

"E-eto lang?" Tanong naman niya sakin. Tinaas ko siya ng kilay at naupo na kami.

Kumakain ako at nanunuod.

"I love you.."

Naiiyak ako sa eksena pucha. Namatay kasi 'yung bidang babae kasi may malubhang sakit siya. Pero hindi alam ng lalaki na may sakit pala yung babae kasi tinago niya ito. Ghad!

Umiiyak ako habang kumakain ng tumawa si Cade.

"Anong nakakatawa?" Malamig na tanong ko sa kanya.

"Iyakin mo talaga" nakangiti niyang sagot sakin. Eh bat ba nakakaiyak kaya! Manhid mo kasi.

Natapos ang palabas at naubos na rin ang kinakain namin. Nagpunta ako sa coffee shop at nakasunod pa rin sakin si Cade.

Nag-order na ako pero siya pa rin ang nagbayad.

"Uyyyy, mauubos na laman ng wallet ko di mo pa rin sinasabi sakin kung bat ka ba talaga galit.." pagmamakaawa niya sakin.

"May card ka." Nakataas na kilay kong sagot sa kanya. Rich kid ka, kaya di ka mauubusan ng pera no. Don't me Arturo.

"Bat ba kaseeeeeee" ngayon para na siyang tuta sa harap ko.

"You're talking to her." Pabulong kong sagot sa kanya. Manhid. Manhid mo! Urgh!

"Patricia?" Nagtatakang tanong niya. Kinunot ko ang noo ko, siguro naman alam niya na 'yon.

"You're jealous!" Natatawang sigaw niya sakin. Leche ka. Kailangan talaga isigaw? Oo na. Tsk.

"Hah!" Tumatawa na si gago. Wtf. Ano bang nakakatawa?

"Look. Nagkamustahan nga lang kami." Seryosong sagot naman niya.

"Fine." Sagot ko naman.

Tumayo ako at nag-order ulit pero this time, donut naman ang inorder ko. 5 donut HAHAHA! Eh bat ba? Gutom ako. Bumalik na ako kay Cade at nagphophone na naman siya. Hays. Alam kong naglalaro lang siya pero DUH! Kasama niya kaya ako. Kasama niya ang queen, dapat maoverwhelmed siya kasi minsan lang 'to! Tsk. Padabog kong binagsak ang tray na may donuts sa lamesa na ikinagulat naman ni Alien.

Tinaasan ko lang siya ng kilay at kumunot naman ang noo niya.

"Problema mo na naman ba?" Tanong niya.

"You should be the one doing this shit, not me!" sigaw ko sa kanya.

Inakbayan naman niya ako kaya napaupo ako sa tabi niya. Hokage tss.

"Sorry na, busy lang." Bulong naman niya sakin.

Tinanggal ko ang pagkaka-akbay niya sakin at tinaasan ng kilay.

"Busy sa kaproject-MATE mo." Diing sagot ko naman sa kanya. Ngumiti naman siya sakin at pinisil ng dalawa niyang kamay ang pisngi ko.

"Ang cute mo talaga!"

Hays. Hindi ako cute. Inirapan ko na lang siya at nagsimula ng kumain. Kumain din naman siya pero nagphone na naman pagtapos. Tss. Palamon ko sa kanya phone niya eh! Tsk! Napansin kong nakatapat na sakin ang phone niya kaya nagduda na ko. Alam ko 'to eh. Alam na alam ko talaga to.

"Cade Arthur Perez." Matigas kong sambit kaya napatigil siya bigla.

"Hmmm?" Sagot naman niya sakin.

Inagaw ko ang phone niya at tinignan ang kalokohan niya. Sabi na eh. Namimicture tong alien na to.

Ngumiti siya sakin.

"Sorry na cute mo kasi pag lumalalon ka." Ngumiti na naman siya. Ano ba! Wag kang ngingiti please..

Nung matapos na kami kumain, uuwi na sana kami pero iniba ni Cade ang daan.

"Saan tayo pupunta Arturo?" Tanong ko naman sa kanya.

Tinignan niya lang ako ng mapang-asar na tingin at nagpatuloy sa pagmamaneho. Huminto kami sa isang malawak na hardin na puno ng iba't ibang klase ng bulaklak. Ang ganda dito.

"Anong ginagawa natin dito?" Tanong ko sa kanya pero ngumiti lang siya sakin at bumaba ng kotse. Nakaupo lang ako at hindi ko siya sinundan. Binuksan ni Cade ang pintuan ko.

"Ano diyan ka lang? May ipis dyan." Sambit naman niya sakin. Inirapan ko siya tsaka bumaba.

Naglakad lakad lang kami dito ni Cade.

"Hmm Quen?"

"Yes?"

"T-totoo ba?"

"Ang ano?"

"Na.. nahuhulog kana sak--"

Hinila ko si Cade palapit sakin. Pumikit ako at hinawakan ko gamit ang dalawang kamay ko ang pisngi niya. Damn. That damn you. Natahimik si Cade sa ginawa ko hindi ko alam kung anong reaksyon niya. Pero naramdaman kong hinawakan niya baba ko at unti-unting nilapit ang mukha niya sa mukha ko..

And then..





















*bang*

No strings attachedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon