Chapter 5

88 8 2
                                    

Chapter 5: Sense

Cade's POV
It's 5:00 pm already, nakaalis na kami sa bahay nila Quen. Naihatid narin namin sa kani kanilang bahay ang iba sa squad namin. *buntong hininga*
I was worried about Quen. Parang hindi siya okay, at parang may dinadalang mabigat na problema. I tried to not ask her for now.

At eto, kami nalang ni Matt ang naiwan sa sasakyan, at deretso na kami sa bahay ko. I met Matt in mid year of 2nd year highschool. Simula nun, siya na yung lagi naming kasama ni Quen.

He's a very cheerful and friendly guy, not a typical guy out there na puro kabulastugan lang ang alam. He is the "joker" sa tropa namin.

"So Cade, punta muna tayong mall? Marami pa tayong time, di ka naman pinapagalitan ng parents mo kahit di ka magpaalam na malelate ka ng uwi."

"Well, tama ka naman. Let's go wala naman akong gagawin sa bahay eh."reply ko.*with a grin*

Kumain lang kami saglit sa mall, then I saw someone familiar. Si Quen at ate niya."Matt! Si Quen oh! Magtago ka baka makita tayo!"

"Bat ba natin sila kailangan taguan Cade? Hindi naman tayo stalker nila eh."

"Sundan lang natin sila G kaba?"sabi ko.

"Oh siya sige, diyan naman tayo magaling eh haha"

Well, wala kaming napala hahaha. It's just bonding between sisters. Kumain lang sila, then nag arcade. Umalis na kami at binalak na naming umuwi. Naglalaro padin sila nung umalis na kami. When we got out of the mall, pumunta na kami sa parking para makasakay na sa kotse. Nung binuksan ko na yung pinto ng  kotse, biglang may malamig na hangin akong naramdaman. It's weird. Nasa basement yung parking, pano magkakahangin na ganun kalamig dun? Hindi ko nalang pinansin at umalis na kami. 8:00 pm na nung nakarating ako sa bahay. And as usual, di naman ako pinagalitan.

"San ka galing? Sabi mo before six andito kana sa bahay?"tanong ni mama.

"Kumain lang kami sa mall ma, kasama ko si Matt."sagot ko.

"Oh siya kumain kana pala, ilalagay ko na sa ref yung natirang pagkain sa kusina, kapag nagutom ka initin mo sa microwave."bilin sakin ni mama.

Umakyat na ko sa kwarto. Nakaramdam ulit ako ng malamig na buga ng hangin. All windows are closed, at di nakabukas ang aircon sa sala. Hindi ko nalang ulit pinansin, baka may bukas lang na bintanang di ko nakita.

Humiga ako sa kama ko. Bumangon din ako agad. Kinuha ko yung gitara ko, at tumugtog ako.

"At kahit mahal kita,
Wala akong magagawa
Tanggap ko o aking sinta,
Pangarap lang kita."

Pangarap lang kita. Na kailanman di ko makakamit. Sana sinabi ko nalang sayo noon yung totoong nararamdaman ko para sayo, para ngayon, magkasama na tayo.. Pero inunahan ako ng takot. Natakot akong masira ang friendship natin..

*picks up the phone*
*dialed Quen*

"The number you have dialed is unattented."

Weird.

Kapag tumatawag ako kay Quen, mabilis pa sa ala singko kung sagutin. Tsaka imposible namang tulog na yun. Siguro nalobatt na siya. Nagbihis na ko para matulog..

2:43 AM

*phone ringing*
*Matt calling*

Wtf. Aga naman mangbulabog nito.

"Oh, napatawag ka Matt? Ang aga aga pa ehh."

"Cade... si Quen.."

No strings attachedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon