Chapter 17

23 5 0
                                    

CHAPTER 17: EXPECTING

Lianne's POV

Hindi ko inaasahan yun. Yung confession ni Cade kay Claire. I mean, oo bestfriends sila for years pero di ko alam may feelings pala si Cade para kay Claire. Nakakagulat lang hahah


Me: Sarah, ang galing ni Cade no? Antagal niya na palang may gusto kay Claire, pero mas pinili niyang unahin yung nararamdaman ni Claire para kay Keith.
Sarah: Oo nga eh, nakakayanan niyang makita yung ganun. Siguro meron ding time na hindi lang si Claire ang umiiyak, pati si Cade din.
Me: Hindi yun imposible Sarah. Imagine that, MATAGAL NA may gusto si Cade kay Claire. Nanatili siyang loyal sa nararamdaman niya kahit na nasasaktan na siya kay Claire.

Lahat kami, walang alam sa tunay na nararamdaman ni Cade noon. Malihim siyang tao. Pero pagdating samin na squad niya, di siya naglilihim. Tanging feelings niya lang ang naitago niya. At ngayon alam na namin.

Cade: *enters* Guys anong gusto nyo kainin? Magluluto ako.
Me: Adobo Cade!

Wtf favv ko ang adobooo at di na ko nagpapigil dahil nagkecrave na talaga ako dun

Jacob: Favorite food mo talaga adobo no Lianne? Nagkecrave kana ba? Ako din kasi hahahaha
Me: OO KANINA PA KO NAGKECRAVE ADOBO NAA USSS!


Sarah's POV

Tuloy padin yung usapang adobo nila simula nung nagsuggest si Lianne na yun ang kainin namin. Hindi naman sa ayaw ko sa adobo, pero ayun, nauumay na ko sa usapan palang parang kanina pa ako nakain nun. Pag si Cade talaga nag aya na kakain, siya lagi nagluluto.


Well, matagal na kami ni Cade magkakilala. Elementary palang kami kilala na namin ang isa't isa kasi magclassmate kami nung grade 5 and 6. Ganun padin naman ako noon at tsaka ngayon, nagkabraces lang. Lagi nga ako inaasar dati ni Cade, ako kasi taga serve ng "feeding" sa room namin. Ako din yung nagtitinda ng mga pagkain sa tray.*kaway kaway sa mga tiga public schools diyan specially sa mga tiga ACS*




Ewan ko ba, pero fav talaga ako ng teacher ko dati na utusan kapag patungkol sa feeding na yan at sa tray nakakainiiissss. Pero nakakamiss yun, yung tipong nabuwiset pa ko dahil ninakaw pa yung tinda sa tray. Kung ako yung tatanungin, napakalaki ng ipinagbago ni Cade.



The Cade I know back then is a juvenile Cade. Napakasalbahe. Lagi akong binubully. Pero asar lang na pangbubully hindi niya ako hinihingian ng pera o kung ano maliban sa papel tuwing may exam.

*flashbacks*



Cade: Oy Sarah!! Wag mo akong bibigyan ng feeding kapag lugaw yung menu ah!
Me: Nako Cade wala kanang magagawa lugaw tayo ngayon!
Cade: Lecheng school to ayoko na ng feedingg na tooo!!

*end of flashback*


Natatawa ako kapag naaalala ko yun, dahil sobrang galit talaga sakin si Cade kapag lugaw yung siniserve ko. Oo juvenile si Cade noon. Bully sa ibang kaklase ko.


Pero one time, may nakita akong classmate ko noon ding elementary. Binubully siya ng tiga ibang section, nang biglang dumating si Cade. Nilapitan agad ni Cade yung isang bully at tinanong kung anong problema nung bully na yun sa classmate namin. Bigla nalang sinapak ni Cade yung bully, tas ayun napatakbo yung duguan na bully. Tinulungan ni Cade yung classmate namin na tumayo at sinabihan na mag ingat. Nagpathank you yung classmate ko na yun kay Cade, pagkatapos ay tumakbo.



Nagtatago lang ako nun nung nakita ko yun. Salbahe man siya noon, may mabuting loob din siya. At kaya ko nasabi na anglaki ng pinagbago ni Cade, dahil pagtungtong namin ng high school, hindi na siya bully. Instead, naging mabait siya. Nag aral ng mabuti. That was the time na nakilala namin si Claire. Kaya siguro nagbago si Cade. I was EXPECTING na bully padin si Cade pagdating ng high school pero, nagkamali ako.



May mga tao talagang kayang mabago yung isang tao.

No strings attachedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon