Chapter 30

23 2 0
                                    

Claire's POV

Makalipas ang ilang mga araw, nakalabas na ng hospital si Cade. Bantay sarado ako ni Kuya at ng mga barkada ko. May mga text messages akong narereceive pero hindi ko na lang sinasabi sa kanila at dinedelete ito, ayaw ko ng mag-alala pa sila. Sa bawat araw na nakalipas, nagrerequest ako ng gala or bonding sa barkada at sa family ko, gusto kong sulitin ang mga araw na kasama ko sila. Ngayon, nakaready na ako para umalis, dalawa muna kami ni Cade ang magbobond. Nakaformal dress ako na hnd masyadong maikli at di rin masyadong mahaba. Nagpaalam na ako kanila Kuya para umalis. May park na malapit dito sa bahay namin kaya tinext ko si Cade na dun muna na niya ako sunduin. Kinuha ko ang phone ko at tinext muli si Cade. Pagkatapos kong itext si Cade, nakita ko si Zyrus na nakatingin sa akin mula sa malayo, it's Trisha's older brother. Napapadalas ang pagkita ko kay Zyrus na nakatambay or nakatingin sakin mula sa malayo. Hindi ko ito pinansin at muling tinext si Cade.

"Where are you?" pipindutin ko na ang send pero nagpop-up ang name niya. Tumatawag siya.

*on the phone*
Cade: Quen, where are you?
Me: Nasa park ako Cade.
Cade: Nandito ako e, asan ka?
Me: Ha? Wa—.
*call ended*

May humawak sa balikat ko at iniharap ako sa dereksyon niya. Si Cade, he's holding his phone on his left hand at nakatago ang kamay niya sa likod niya.

"I'm here! wait, y-you look different.." ang ngiti sa mukha niya ay mas lalong lumawak. What? Anong problema nito?

"Bakit?" tanong ko sa kanya

"N-nakadress ka" seryosong sagot naman niya sakin. Anong problema kung nakadress ako?

"Hindi ka nagdedress Quen." Oww i forgot hahaha nakakapanibago ba? Di naman babae pa rin naman ako e.

Tumawa ako at nagsalita. "I'm still a girl kaya pwede pa rin akong magdress" ngiti na sagot ko sa kanya. Ngumiti siya at inilahad ang nasa right hand niya na kaninang nasa likod niya.

Cotton candy na may mukha ni Baymax. HOWWWWWWWW? Alam kong marunong gumawa si Cade ng cotton candy pero medyo mahirap ang detail ng mukha ni Baymax. Ang galing talaga ng mahal ko.. Inabot niya sa akin ang cotton candy at tsaka na ako niyaya na sumakay sa kotse niya. Pinagbuksan niya ako ng pinto at sumakay na ako.

Habang nasa byahe kami nagsalita si Cade habang deretso nakatingin sa daan.

"Saan tayo Quen?" masayang tanong naman niya sa akin

"Hmm, dun sa dati nating tagpuan." ngiting kong sambit sa kanya

'Yung lugar na 'yon ang isa sa hindi ko makakalimutan, doon kami lagi tumatambay sa lugar na yon. Park siya at sa tabi nun may isang coffee shop. Madaming puno sa lugar na yun kaya peaceful at tahimik, bibihira lang ang tao dun kasi di siya masyadong kilala. Ngumiti si Cade at nagpatuloy sa pagmamaneho. Marunong siyang magmotor at magdrive ng kotse. He also likes to cook at napakagaling niyang magluto. Ilang minuto ang nakalipas, nakarating na kami. Nagcoffee muna kami at nagkwentuhan. Kilala pa din kami ng mga staff dito dahil lagi nga kaming nandito ng barkada. Pinapayagan din kami dito na gamitin namin ang kusina nila dahil sa sobrang close namin ang lahat ng staff pati na rin ang may-ari nito.

"Uyy hi Mam Claire!" bati nung isang lalaking staff dito.

Lumabas si Mr. Valdez na siyang may-ari ng coffee shop na ito. Mga nasa-50's na siya kaya marami ng experience.

"Namiss ko kayo mga anak" bati niya sa amin. Ngumiti kami kay Mr. Valdez

Onting chitchat at nag-order na kaming dalawa ni Cade. Kung ano 'yung dati naming inoorder, 'yun pa rin. Habang nagkukwentuhan kami, biglang dumating muli si Mr. Valdez at nakipagkwentuhan muli sa amin.

"Buti at hanggang ngayon, magkasama pa din kayo" nakangiting sambit ni Mr. Valdez

"Diba Mr. Valdez sabi ko po sainyo, babalik kami rito at siya pa rin ang kasama ko." nakangiti naman si Cade at uminom ng kape.

"Ano bang meron sainyong dalawa hijo?" nakangiting tanong ni Mr. Valdez

"Special po siya sakin at sana ganun rin siya.." yumuko ng bahagya si Cade.

Ganun din ako sayo Cade. Pero, nahihiya akong aminin sayo.. Nahihiya ako dahil ang ilang beses na kitang nasaktan at napahirapan. Nahihiya akong aminin sayo kasi baka masaktan ka na naman dahil sakin.. gusto ko na hanggang magkaibigan lang tayo dahil may mga taong handa kang patayin kapag mas lalo akong napalapit sayo..

Ngumiti lang ako at nagpatuloy sa pag-inom. Umalis na rin si Mr. Valdez para asikasuhin ang iba niyang costumers. Nagkwentuhan naman kami ulit ni Cade. Habang nagkukwentuhan kami, may nagtext sakin..

Fr: ***********
"You look gorgeous in that dress, honey."

Nilinga ko ang mata ko pero wala naman akong nakitang kahina-hinala.

Cade: Bakit Claire?
Me: A-ah wala naman

Sino ka ba at di ka matigil sa pang gugulo? Dinelete ko lang ang message na 'yun at uminom ng kape. Niyaya ako ni Cade sa park kaya sumama ako. Habang naglalakad kaming dalawa biglang nagsalita si Cade.

Cade: Hmm.. Claire?
Me: Yes?
Cade: Yung sinabi ko sayo bago tayo bumalik dito, i mean it.
Me: Huh? What do you mean?
Cade: I want to court you Quen, pumayag ka man o hindi.
Me: O-okay.

Ngumiti siya sa akin, yumuko naman ako ng bahagya at ngumiti. Hays Cade. Kung pwede ko lang sanang sabihin sayo ang nararamdaman ko, matagal ko ng ginawa. B-but, hindi maari. It's for your own sake.

Napatigil ako at umupo sa isang bench sa gitna ng park. Something is bothering me at hindi ko alam kung ano 'yun o kung sino 'yun. Pero sana, hindi maulit ang nangyari kay Cade. Luminga linga ako at wala naman akong ibang taong natawan, dalawa lng kami ni Cade.

"A-are you okay?" tanong ni Cade at hinawakan ang balikat ko.

"O-oo" nauutal kong sagot sa kanya. Hays.Feeling strange..

Binilhan na lang ako ni Cade ng ice cream at kumain kami habang nakaupo.

"Salamat Cade ang sarap nito!" ewan ko pero ang babaw ng kaligayahan ko kapag pagkain ang pinag-uusapan.

Food is life but music is lifer and Cade is lifest.

Handa ko na bang iwan si Cade for his own sake? Hindi ba ang hirap.. kasi parehas kayong masasaktan.. Ang hirap mag hold on kapag alam mong patuloy lng siyang masasaktan ang hirap din namang mag let go kasi mahal niyo ang isa't isa.

Tangina namang pag-ibig to. Nakakabaliw.

No strings attachedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon