Claire's POV
Nag-usap kami ni Jacob at Cade sa may kubo.
"Anong balak mo Claire?" seryosong tanong sakin ni Jacob
Huminga ako ng malalim bago sumagot.
"Magiistay muna ako dito. Baka kasi kapag nakita nila ako, mas lalo nilang maalala ang lahat ng pagkakamali nila." sagot ko naman sa kanya at ngumiti sa kanilang dalawa
"You're so strong Quen." sambit naman ni Cade.
"Okay, sisilip silipin kana lang namin dito." suggestion naman ni Jacob
"No. Mag-iistay ako kasama siya" sagot naman nito
Tumango na lang si Jacob at nagpaalam na papasok siya sa loob. Ngayon dalawa na lang kami ni Cade ang natira.
"Hmm are you really going to stay?" tanong ko naman sa kanya
"Of course I will stay." sagot naman ni Cade sakin at ngumiti.
Nanahimik kami ng sandali at muling nagsalita si Cade.
"Hmm Quen?"
"Yes?" nakangiting sagot ko sa kanya.
"M-may sasabihin ako sayo.." unti-unting siyang lumapit sakin at halos magdikit na ang ilong namin.
"Ang pogi ko no?" sambit naman niya
Binatukan ko siya at tumakbo palabas.
Aba'y loko to ah! Ang daming nalalaman. Tumigil ako sa kusina dahil sa gutom na naman ako. Hayop na tiyan 'to parang walang oras na hindi gutom. Binuksan ko ang ref at narinig na nasa may pintuan si Cade at pawis dahil tumakbo. Hahahahahaha! Laughtrip talaga kapag binabatukan at kinukurot.
I will miss him.. mamimiss ko 'tong si Cade.
"Hoy! Loko ka, mahalan lang walang batukan." sambit niya habang nakahawak sa ulo niya. Damn! He's so cute.
"Anong sabi mo?" pagkatapos kong uminom ng tubig. Naka ex ang mga kamay ko na nakaharap kay Cade.
"What did you just say?" ulit ko pa sa kanya.
Napatayo siya ng deretso at tsaka nagsalita.
"Nevermind, my Queen." uminit ang mukha ko at muling uminom ng tubig. Ghad Cade! Gusto kitang sapakin sa tuwa.
Natigilan ako ng pagkababa ko ng baso at paglingon sa likod ko, nagtama ang ilong namin ni Cade. At hawak hawak niya ang basong ginamit ko.
"Painom" dama ko ang hininga niya. Nakatitig lang ako sa kanya, nagpanggap ako na hahalikan siya pero tinapon ko sa kanya ang tubig. Tinapon ko sa mukha niya ang tubig. Hahahahaha! Makikita mo sa mukha niya na seryoso siya nung papalapit ako ng palalapit sa mukha niya. Damn! Hahahahaha nakakatawa ka talaga Cade.
Tumakbo ako sa kwarto at sinara ito dahil for sure gaganti si Mr. Arturo. Umasa akong kakatok siya pero wala, hanggang sa nagtanghali at hapon. Hindi ako kinibo ni Cade.
Hanggang sa kumain kami hindi niya ako kinibo.Sinundan ko siya sa may kubo at nagtago sa may malapit na puno dun. Umupo lang siya at sumilip sa mga ulap. Nagtampo ata siya sa akin or nagalit?
"Alam kong nandiyan ka, lumabas kana at malamok diyan." sambit naman niya
Napakamot ako sa ulo at tumabi sa kanya sa kubo.
"Uyy, sorry na." sabi ko sa kanya habang pinipindot pindot ang likod niya
"Cade, sorry sa nagawa ko -" bigla niya akong hinila at nilapit na naman sa kanya.
"I want to court you, Queana." nagulat ako sa sinabi niya. Masyado pang maaga para manligaw siya.
"Mag gagabi na so hindi na maaga." natatawa niyang sagot
Binatukan ko na naman siya at medyo lumayo.
"Court me, if makakuha ka ng cotton candy na may mukha ni baymax" hamon ko naman sa kanya
Ngumiti lang siya at natawa sa sinabi ko.
"May nakakatawa ba Mr. Arturo?" tanong ko sa kanya
"Wala, my queen." ngumiti naman siya sa akin.
Yumuko ako at napangiti dahil sa sinabi niya. He knows how to make me smile in a simple but special ways. Bat ka ba pinanganak Cade? Para paibigin akong muli?
Nagpaalam na ako na papasok sa loob. Nagmusic na lang muna ako sa kwarto ko at doon nagpalipas ng oras.
--
Cade's POV
Cotton candy na may mukha ni baymax? Sisiw. Marunong akong gumawa ng cotton candy, pero pag-aaralan ko pang gumawa ng mukha ni baymax sa cotton candy. I want to court her, pumayag man siya o hindi. Nag-isip isip ako kung ano ang mga gagawin ko kay Quen kapag naisipan ko ng magsimula.
Sumunod ako kay Quen at pinuntahan siya sa kwarto niya.
"Kailan mo balak magpakita sa kanila?" tanong ko sa kanya
Nagkibit balikat lang siya sakin. Ramdam ko pa rin ang lungkot ang sakit na nararamdaman niya. I love Quen so much. Hindi ko maexplain ang pakiramdam kapag nagkikita kami, kahit araw araw kaming maglasama. Naeexcite pa din ako na makita siya. Parang first time ko ulit siyang makikita kapag magkikita kami.
--
Claire's POV
Lumabas na si Cade sa kwarto ko, hindi ko namalayan na nakatulog ako dahil sa music sa tenga ko.
*toot* *toooot*
Nakatayo ako sa tabi ng isang hospital bed. Blurred ang lahat. Wala akong makitang malinaw, ang alam ko lang nag-aagaw buhay ang lalaking nasa harap ko. Kinapa ko ang dibdib niya at dama kong dugo ito. Punong-puno siya ng dugo.. Sino siya?"Huuyyyyyy!!"
Sumigaw si Cade at ginigising ako. Natutulog 'yung tao e biglang ginising.
"Are you okay?" nag-aalalang tanong niya sakin
"Naliligo ka sa pawis oh, may napanaginipan ka na naman ba?" dagdag pa niya at hawak ng dalawang kamay ang magkabilang balikat ko.
"A-ah wala." sagot ko sa kanya at ngumiti. Ngumiti rin siya sa akin.
"Nandito si Kuya Paulo at Ate Jane." seryosong sabi naman niya
"A-ano na namang ginagawa nila dito?" sagot ko at yumuko.
"Please let them explain first, okay? May importante rin silang sasabihin sayo." ngumiti naman siya at ginulo ang buhok ko.
Hinawakan niya ang kamay ko at hinila papunta sa salas. Nakita ko si Kuya at Ate kasama si Jacob. Natigil ang pinag-uusapan nila ng dumating kami. Umupo kami ni Cade sa tapat nila, at muling nagsalita si Ate Jane.
"Claire, patawarin mo sana kami. Ngayon lang namin ang totoong nangyari, sana mapatawad mo kami." nakayuko siya habang binabanggit ito at halatang pinipigilan ang pagluha niya
"We are here, para manghingi ng tawad at para imbitahan ka sa malaking surpresang magaganap. You are not my real sister, pero ikaw ang hindi pwedeng mawala sa mangyayaring surpresa na yun." dahil sa sinabi ni Ate at Kuya. Napatawad ko na sila, wala silang kasalanan at hindi naman sila naging masama sakin.
Niyakap ko silang dalawa na ikinatuwa naming lahat.
"Ano ba yung surprise kuya?" masayang banggit ko
"Si Ate Chloe mo, isusurprise ko siya." mukhang alam ko na ang mangyayari kaya pumayag ako sa gusto nila.
Pinaliwanag nila sa akin ang mangyayari. Napamahal na rin ako kay ate Chloe dahil siya ang nagturo sa akin na mag-ayos ng sarili. Pumayag na rin ako na makipag-ayos kay Mama. Correction, ang stepmother ko.
"So babalik na ba tayo?" tanong naman ni Cade.
Ngumiti ako sa kanya at dali dali naman siyang nagpunta ng kwarto at inayos ang gamit namin.
"Pumunta na lang kayo bukas sa bahay Cade ah, alagaan mo dito si Claire. Kailangan na namin umalis" sambit naman ni Kuya
Nagwave ako sa kanila tsaka nakaalis ang sasakyan nila. Excited na akong masurprise si Ate Chloe. Sana magustuhan niya.
BINABASA MO ANG
No strings attached
Teen FictionA girl who's already broken into pieces.. a girl who doesn't even know one sided-love. Isang babaeng handang mag-isa basta masaya ang mahal niya, babaeng gusto na lang mapag-isa sa buhay niya para lang safe ang puso niya. Would she even try to love...