Chapter three: The brightest star
Cade's POV
"Oo eh, yung tipong andyan kana.. naghahanap pa ng iba.." sabi ko sa kanya. I was her bestfriend since highschool. Sobrang close kame at di talaga mapaghiwalay, parang conjoined twins sa sobrang close. I'm the only person who can get close to her kapag may period siya HAHAHA ako kasi lagi niyang hinihingian ng mga gusto niya (epekto ng moodswings niya)
Matagal niya ng gusto si Keith. Ever since second year of highschool, nabaliw na siya dun sa lalake na yun. Naging kaibigan namin siya at kasama na sa mga tropa namin. Hindi sa pagiging plastik pero, ayoko talaga sa lalakeng yun. Gustong gusto siya ni Quen pero di niya lang alam. Hindi niya din alam na palihim na umiiyak si Quen dahil sa kanya, at ako naman si bestfriend, to the rescue at papatahanin siya.
"Cade, matulog na tayo," sabi niya sakin after niya humikab.
"Sige tutal tulog nadin sila. Papatayin ko lang tong tv, ang drama na nung palabas eh." sabi ko.
Pumunta na kame dun sa higaan na inihanda namin, syempre hiwalay ang girls sa boys. Pero nasa magkabilang dulo kami ng higaan kaya nag-usap padin kami ni Quen bago matulog.
"Cade, bat ba kayo naghiwalay ng ex mo? Di ka naman manloloko, pero bat mo siya hiniwalayan?"tanong niya sakin with a confused look.
"Hindi niya ako naiintindihan, Quen. She always forbid me. Daming bawal. Yung tipong may kumausap lang sakin na babae, di niya na ako papansinin for a week."sabi ko.
"Diba dapat ikaw ang umintindi sa kanya?"tanong niya sakin.
"Quen, napagod din ako. Anglakas niya magselos, pero siya naman tong playful with boys. Yung lahat nga ng nagchachat sa kanya ineentertain niya" sagot ko with buntong hininga sa dulo.
"Kung sa bagay."maikling sagot niya.
"Naging kami lang naman nun dahil pinilit ko yung sarili ko magmahal ng iba". Tahimik siyang nakikinig.
"My ex is not the girl I want to be with. May iba akong gusto, pero alam kong hindi ko siya makukuha kahit na magconfess pa ko."
"Kahit na sobrang lapit niya na sakin, hinding hindi siya magiging akin."dugtong ko. "Sino ba siya?"tanong niya saken.
"Secreeet" sagot ko.
"Anggara mo naman di ba walang taguan ng sikreto sa isa't isa? Daya mo."sabi niya sakin.
"I'm sorry Quen pero, hindi ko pwedeng sabihin kung sino. I'm trying to act normal with her at nakakayanan ko naman. Much better siguro kung ako lang ang may alam." She looked at me with a disappointed look.
"Oh siya, sige okay lang kahit wag mo sabihin naintindihan ko naman. Pero kung kaya mo, sabihin mo sakin kung sino ah? Para matulungan kita sa kanya okay?"sabi niya. "Ah, o-okay."sagot ko.
"Matulog na tayoo gabi na oh!"sabi ko sa kanya.
"Oo matutulog na ako, goodnight Cade." Nag-goodnight nadin ako at natulog.
After kong matulog, nanaginip ako. "I love you ****, and I always did." I saw her.
The girl I loved the most. She was under a tree.
"I love you too, Cade. Sorry kung ngayon ko lang nalaman, mahal din pala kita. I'm sorry, di na sana humantong sa ganito... I'm sorry,"she said.
I was lying in a hospital bed, with a knife on my chest. Bigla akong may narinig. Toot, toot, toooooot. And everything went white.
Nagising ako na basang basa sa pawis. Narealize kong wala na yung iba sa kwarto, kundi kami nalang ni Quen. I stood up and said to myself,
"you're so close yet so far from me".
Ginising ko na si Quen para makapag-almusal na kami. And of course, andun na sa baba yung iba. Di padin nakapagluto ang mga hinayupak hinintay pa ako magising. After namin makapag almusal, naligo na kaming lahat at nagbihis para makauwi nadin. Hinatid na kami ni Matt para di na kami gumastos sa pamasahe.
This time, katabi ko si Matt habang yung iba nasa backseat.
"Cade, bestfriend lang ba talaga ang turing mo kay Quen?"biglang tanong niya saken. He's just like me, asking random questions.
"Yes Matt, she's just a bestfriend for me. Nothing else more than that."sabi ko.
"Sigurado kaba? Wala bang nabuong feelings after all these years na magkasama?"tanong niya ulit.
"Of course, Matt."maikling sagot ko sa kanya.
I'm just her bestfriend. Nothing more than that.
--
Dedicated to Clai_sgvs & Rialienne loving mga marcos babies 💕😍
BINABASA MO ANG
No strings attached
Ficção AdolescenteA girl who's already broken into pieces.. a girl who doesn't even know one sided-love. Isang babaeng handang mag-isa basta masaya ang mahal niya, babaeng gusto na lang mapag-isa sa buhay niya para lang safe ang puso niya. Would she even try to love...