Chapter 1 *__*
"Oooh! Ang ganda-ganda naman nito, Kuya Dane!"
Medyo over-acting ang paimpit na hiyaw ni Nicole Villafuerte-Ramos nang makita ang diamond necklace na nasa makitid at manipis na kahon.
"Saan mo binili? Sa Tiffany New York?"
"Doon ako nanggaling, hindi ba?" was the indulgent reply of Dane Niel Villafuerte.
Maluwang ang pagkakangiti nito. Isang perpektong larawan ito ng isang mapagbigay na Kuya sa bunsong kapatid.
"Ito lang ba ang binili mo do'n?" usisa ni Nicole habang pinupukol ng patagilid na sulyap ang babaeng katabi ng eldest brother.
Nailang si Czarina pero hindi niya ipinahalata. Hindi kasi tunay ang pearl earrings na nasa teynga niya.
Tumawa si Dane.
"That is none of your business, my dear sister" ang paiwas pero nakatawang tugon ng binata.
"Gan'on! Magtatampo si Mama kapag wala siyang natanggap na pasalubong, sige ka!"
"Of course, may pasalubong ako kay Mama" bawi ni Dane
"O, nandito na pala ang asawa mo. Albert!"
Tumindig ito upang salubungin ang isang lalaking medyo bilugan ang pangangatawan at mas mababa.
Nang tumalikod ang panganay na kapatid, dagling nabura ang ngiti sa mapulang bibig ni Nicole.
"Ano'ng pasalubong sa'yo ni Kuya, ha?" ang pausig na tanong nito.
May bahid ng inggit ang pahagod na sulyap nito sa balingkinitang katawan ni Czarina. Paano'y naging chubby na ito magmula nang makapanganak.
Czarina shrugged a slim shoulder.
"Hindi ko pa alam"
"Siguradong mas mahal at mas maganda ano?" panunubok pa nito.
Muling nagkibit ng isang balikat si Czarina. Hindi na niya sinabing kailanman ay hindi pa siya tumanggap ng kahit na anong regalo buhat kay Dane.
"Kailan ba kayo magpapakasal ni Kuya?"
Nabigla si Czarina sa tanong na iyon. She felt spooked. Nadiskaril ang takbo ng utak niya. Inakala agad na nabasa ng kaharap ang loob ng isipan niya kaya bahagyang nataranta.
Ngunit nang makitang inggit pa rin ang nangingibabaw sa maasim na ekspresyon ni Nicole, agad siyang nakabawi.
"Wala sa isip namin ang tungkol d'yan" tumugon siya nang matiyak na malumanay na ang tono niya.
"Wala?"
Tila hindi makapaniwala si Nicole.
"Ang tagal n'yo na,a? Mahigit pitong buwan na kayo, hindi ba?"
Umiling na lang si Czarina dahil namataan niyang papalapit na ang magbayaw na Dane at Albert.
"Bakit wala pa sa isip n'yo?" pangungulit ni Nicole.
"Mas gusto naming ang ganito" Czarina answered in a restrained tone.
Pigil na pigil ang tono niya. Para siyang sinasakal. Medyo umayos lang ang paghinga niya nang makalapit na ang dalawang lalaki.
"Good evening, Albert" binate niya ang asawa ni Nicole.
"Good evening, Czarina" ang magalang na bati ni Albert Ramos bago humalik sa pisngi ng kabiyak.
"Happy Birthday, sweetheart"
"Thank You! Tingnan mo'ng regalo sa akin ni Kuya!"
Ipinagmalaki agad ni Nicole ang diamond necklace.
BINABASA MO ANG
The Mistress
RomanceShe was beautiful and sexy..... and a rich man's bedmate. Palibhasa mayaman at macho, palaging nakukuha ni Dane Niel Villafuerte ang lahat ng gustuhin---pati na ang mailap na dalagang si Czarina Alquizar. At kahit na naangkin na ni Dane ang katawan...