CHAPTER 14 >__<
Agad na nanaghili si Dane. Marinig rin kaya niya ang mga kataga ng pagmamahal ni Czarina patungkol sa kanya?
'Ah kailan mo ba ako iibigin,Czarina?'
"I'm sorry to cut this happy occassion very short" Dr. Pattinson spoke after a while.
"Our dear patient is getting sleepy"
"Ay, oo nga, Czarina. Naghikab na si Sara" segunda ni Tiya Arlene.
"Pasensiya ka na. Bumalik ka na lang dito bukas nang umaga kung wala kang trabaho"
"Pupunta ako dito bandang hapon" pangako ni Czarina
"May hihintayin akong tawag bukas ng umaga"
"Ok. Hihintayin ka namin dito!"
"Aalis na po kami, Tiya Arlene" ang magalang na paalam ni Dane
"Ay, oo, Dane! Maraming salamat sa atensiyon at panahong ibinibigay mo sa amin, iho"
Magiliw ang pagsasalita ng may edad na babae sa binata. Hindi man sabihin, botong-boto ito kay Dane.
"Nakuha mo na ang loob ni Tiya Arlene" puna ni Czarina nang nakasakay na uli sila sa kotse.
"Nababaitan daw siya sa akin" wika ni Dane
"Mabait din naman siya"
"Hahanap-hanapin ka niya kapag......hindi ka na niya nakikita" ang makahulugang wika ni Czarina.
"Don't worry. I'll be around you for a long time" ang seryosong salo ni Dane.
Mapakla ang ngiti ni Czarina.
"Huwag magsalita ng tapos" babala nito.
"Hindi mo na ako maitataboy nang basta-basta ngayon, Czarina" ganting-babala ni Dane.
Ngumiti na lang uli ang dalaga. Hindi na kumibo hanggang sa makarating sa lumang bahay na tinitirhan nitong mag-isa.
"Thank you very much, Dane"
"You're welcome"
"Hindi mo ba ako ihahatid?" untag ni Czarina nang hindi siya tumitinag.
"What?"
Walang balak bumaba si Dane upang ihatid sa tapat ng pinto ang dalaga. It was too risky.
Ngunit kusang kumilos ang katawan niya nang hindi pa inuutos ng isip.
"Please, open the door for me"
Iniabot ni Czarina ang susi sa kanya.
Awtomatiko na naman ang pagtalima ni Dane kahit labag sa kalooban. He really was a slave to this woman!
"Coffee?" alok ni Czarina nang nasa loob na sila.
"No, thanks"
Pinindot ni Dane ang light switch at ininspeksiyon ang kusina at kumedor.
"Goodnight, Czarina. See you tomorrow"
"Kiss me goodnight" utos ng babae
Isinara nito ang pintuan at sumandal sa pinto. Iniharang ang katawan sa kanyang daraanan. Tila ibig siguruhing hindi nga siya basta-basta makakalayo.
"Czarina---"
"Hindi mo na ba ako gusto, Dane?" ang pasalakab na tanong ni Czarina.
"Oh, Czarina!"
Sa isang iglap, nasambitla ni Dane ang malambot na katawan ng babae. Kinuyumos niya ng maririing halik ang mga labing matatamis. Excitement shivered and vibrated instantly throughout their bodies.
BINABASA MO ANG
The Mistress
RomanceShe was beautiful and sexy..... and a rich man's bedmate. Palibhasa mayaman at macho, palaging nakukuha ni Dane Niel Villafuerte ang lahat ng gustuhin---pati na ang mailap na dalagang si Czarina Alquizar. At kahit na naangkin na ni Dane ang katawan...