Chapter 6 ÷__÷
"Bakit?"
Dane roared suddenly.Hindi ito sanay makatanggap ng rejection kaya nanggigil sa galit.
"I can give you anything, Czarina! Kahit ano, kaya kong ibigay sa'yo!"
Kahit ano—hindi lang ang pag-ibig na sumibol sa puso niya. Nagsisikip ang dibdib ni Czarina dahil hindi niya maisiwalat ang tunay na nararamdaman.
"Ikaw ang inspirasyon ko sa lahat ng mga pagsusumikap ko!"ang paangil na dugtong pa ni Dane.
Napasinghap si Czarina nang biglang humugos ang tuwa sa kalooban niya dahil sa sinabi ng lalaki. Parang tinugon na kasi ang damdamin niya.
Ngunit hindi pa rin niya magawang ilantad ang nadarama dahil muling nangibabaw ang pangamba. Bigla niyang naalalang mas kailangang maging matatag para maprotektahan ang sarili.
"I'm flattered, thank you"
Pinilit niyang maging blangko ang boses.
"Czarina---"
Hindi na pinakinggan ni Czarina ang iba pangsasabihin ni Dane. Binilisan niya ang paglakad at maliksing pumasok sa loob ng banyo. Halos pasalyang isinarado ang pinto. Tuksung-tukso kasi siyang ibuwelta ang mga paa para tumakbo pabalik sa mga bisig ng lalaki.
Matagal na nanatili sa ilalim ng maligamgam na shower si Czarina. Umiiyak siya kahit ayaw aminin. Umahon lang siya nang huminto na ang pagdaloy ng mga luha.
Medyo kalmado na uli siya nang matapos magbihis at mag-ayos ng sarili. Hindi siya nakapaglagay ng make-up dahil naiwanan sa sitting room ang kanyang handbag. Pero ang blangkong mascara ay pirmi na ang pagkakasuot niya.
"Czarina—"
Nakaabang si Dane sa labas ng banyo. Naghintay ito kahit na nagtagal si Czarina sa loob.
"It's over between us, Dane"
Czarina cut in.
Singtalas ng kutsilyo at singlamig ng yelo ang mga salita niya upang maputol ang anumang sasabihin ng lalaki. At pati na ang relasyon nilang dalawa.
"Ayoko nang makipagkita sa 'yong muli"
Nanatiling tahimik si Dane. Nagmistulang estatwang walang katinag-tinag. His classic features seemed etched in stone. Parang inukit sa bato ang matigas na ekspresyon.
Gayunman, alam niyang sagad hanggang buto na ang galit na nadarama ni Dane.
Nananangis ang puso ni Czarina habang humakbang siya patungo sa pintuan. Umaasam kasing pipigilan siya ng lalaki sa kanyang pag-alis.
Ngunit nanatiling walang imik si Dane. Nakakabingi ang katahimikang namaalam sa kanya. Ni walang katagang 'goodbye'
Binilisan ni Czarina ang paglalakad. Nangamba kasing baka bumalik pa siya at magsumamong patawarin ng lalaki. Halos mawala siya sa sarili nang tuluyang makalabas sa pintuan.
"Good evening, Miss Alquizar"binate siya ng roomboy na nakasalubong sa koridor.
Tumango lang siya.
Tinanguan rin siya ng guwardiya at ng night desk receptionist.
Na tinugon rin niya ng bahagyang pagkiling ng ulo. Her ready smile was absent. It was impossible to smile when her heart was bleeding.
"Tamang-tama, Miss Alquizar. Nandito ang paborito n'yong service car" ang magalang na wika ng night porter.
Suki na siya sa 'Santillan Mountain Ranch Resort Hotel' kaya kilalang-kilala na ng mga empleyado roon. Ma-missed kaya siya ng mga ito kapag hindi na siya nakikita?
BINABASA MO ANG
The Mistress
RomanceShe was beautiful and sexy..... and a rich man's bedmate. Palibhasa mayaman at macho, palaging nakukuha ni Dane Niel Villafuerte ang lahat ng gustuhin---pati na ang mailap na dalagang si Czarina Alquizar. At kahit na naangkin na ni Dane ang katawan...