Chapter 8 *__~
Nawalan ng imik si Dane. Tila nabigla at napamaang.
Hindi rin kumibo si Czarina. Nakatutok ang paningin niya sa tanawing-dinaraanan ng sasakyan. Ngunit ang kanyang nakikita ay ang nag-aapoy na galit sa mga mata ni Dane nang mapatitig sila isa't isa kanina.
Saka lang kumilos si Czarina nang huminto sa mismong tapat ng lumang bahay na kinalakhan niya.
"Gusto kong magkausap tayo, Czarina"
Malamig at pormal na uli ang tono ni Dane.
"Patutuluyin mo ba ako sa loob? O dito tayo sa kotse mag-uusap?"
Umiling si Czarina.
"Patutuluyin kita" she sighed wearily.
"Pakibuksan na ang pinto"
Dagling bumukas ang passenger door nang pindutin ni Dane ang isang button sa dashboard.
"After you"
Bahagya na itong nakangisi dahil nasunod na ang gusto.
Inignora ni Czarina ang nakakalokong ngisi ni Dane.
"Tuloy ka" sambit niya matapos mabuksan ang front door ng bahay na may dalawang palapag.
"Hindi ka ba natatakot sa akin?"
"May dapat ba akong ikakatakot?" maang ni Czarina.
Mas matimbang ang concern niya para sa seryosong kalagayan ng kanyang Mama hindi niya ganoong iniintindi ang panganib na maaring idulot ng isang nagagalit na ex-lover.
"Meron kang dapat ikatakot" angil ni Dane
"Ginalit mo ako, Czarina"
Mapakla ang ngiting ipinukol ni Czarina sa gawi ng lalaki. Hindi pa rin siya tumitingin dito nang tuwid.
"You are a sensible person, Dane" sambit niya.
"Hindi mo sisirain ang magandang buhay mo para gumanti sa isang walang kuwentang ex-mistress"
Lumalakad siya patungo sa kusina habang nagsasalita.
"You really are a cool costumer, Czarina Alquizar. Hindi ka pala madaling sindakin"
Tila may bahid ng paghanga ang obserbasyon ni Dane.
Inignora ni Czarina ang tinanggap na back-handed compliment.
"Walang alcohol sa bahay naming. Coffee and tea lang" wika niya habang naglalagay ng tubig sa takuri
"Ano'ng gusto mo?"
"Coffee"
"Instant coffee lang ang available"
Kumuha siya ng mga coffee mugs sa cabinet at inilapag sa breakfast counter.
"Ok"
"Maupo ka. Dito na lang natin inumin ang kape"
Naupo si Dane sa isa sa mga stool at pinanood ang pagtatakal niya ng pulbos na kape at asukal sa dalawang mug.
Czarina was till feeling numb. Palagi siyang nadi-depressed sa tuwing dinadalaw ang kanyang ina sa hospital. Lumilipad pa rin ang isip niya. So she was able to ignore his bold interest for the first time.
"Bakit parang wala kang kabuhay-buhay ngayon? Parang hindi na ikaw ang sumisikat na modelong si Czarina Alquizar" mayroong himig ng pang-uuyam ang seryosong puna ni Dane.
"Posible bang napakalaki na agad ng ipinagbago mo gayong ilang araw pa lamang tayong hindi nagkita?"
"Walang nagbago sa akin"
BINABASA MO ANG
The Mistress
RomanceShe was beautiful and sexy..... and a rich man's bedmate. Palibhasa mayaman at macho, palaging nakukuha ni Dane Niel Villafuerte ang lahat ng gustuhin---pati na ang mailap na dalagang si Czarina Alquizar. At kahit na naangkin na ni Dane ang katawan...