Chapter 10 >__<
Hindi payag si Dane sa ganitong arrangement ngunit tinimpi niya ang nagpupumiglas na pagtutol. Hindi pa tapos ang report ng detective agency. Marami pang lihim sa nakaraan ni Czarina ang hindi pa natutuklasan
Kaya habang hindi pa niya nalalaman ang tungkol sa tunay na dahilan ng masidhing pagtanggi ni Czarina sa commitment at marriage-susunod siya sa lahat ng gusto nito.
"Ok. Papayag ako"
Muling tumindig si Dane at lumakad palapit sa kinauupuan ni Czarina. Hinawakan niya sa magkabilang balikat ang babae at marahang hinila para makatindig.
Sunod-sunuran ang dalaga. Walang kakurap-kurap sa pagkatitig sa kanya nang iharap niya.
Nakalakip ang masidhing pagkasabik sa masuyong halik na iginawad ni Dane sa mga labi ni Czarina.
"I missed you, Czarina" he whispered longingly.
"Puwede ba tayong magkita uli mamayang gabi?"
"Sige" ganting-bulong ni Czarina.
Medyo paos na rin ang malamyos na boses.
"Susundin kita dito, hmm?"
Halos wala sa loob ang pagtango ni Czarina.
Dane was overjoyed. Isa-isa nang natutupad ang mga plano niya. Hindi namamalayan ni Czarina na unti-unti na siyang napapalapit.....
At kapag napadikit na siya, kakapit na siya nang husto. Hindi na siya maitataboy palayo ni Czarina kailanman.
"Ok. I'll say goodbye for now"
Muling hinagkan ni Dane ang mga labing mistulang hinog na mansanas.
"See you later, Czarina"
"See you later...."
Tila wala pa rin sa sarili ang babae.
Pinuwersa ni Dane ang sarili na umalis na bago pa magbago ang isip ni Czarina. Nang nasa sasakyan na, kinuha niya sa loob ng dashboard ang isang ring box.
Kumindat-kindat sa liwanag ang diamond solitaire nang buksan niya ang munting kahon. Sa New York pa niya binili ang mamahaling singsing.
"Just stay put, ring. Malapit ka nang isuot ni Czarina" bulong ni Dane matapos halikan ang ga-mais na diyamante.
Isang lingo na naman ang matuling lumipas.
Mula sa hospital, inilipat ng ambulansiya ang pasyenteng si Sara Alquizar sa Hacienda Santillan Secret Garden.
Umibis agad si Czarina mula sa kotse ni Dane nang huminto sa bandang likuran ng ambulansiya upang nandoon siya kapag inilabas na ang stretcher. Pinatulog muna ang kanyang Mama bago inilabas sa kuwarto nito sa hospital.
"Welcome to the Secret Garden, Miss Alquizar" ang malugod na bati ni Senyora Emilia Santillan kay Czarina. Personal na sinalubong ang pinakaunang pasyente ng mental health farm.
Katabi ng butihing Senyora ang isang matangkad na Amerikanong nagpakilala bilang si Dr. Pattinson.
"You've already met our good doctor, of course"
"Yes, Senyora Emilia"
Yumukod si Czarina bilang pagpapakita ng lubos na paggalang sa may edad na ngunit napakaganda pa ring maybahay ni Senyor Robert Santillan, ang may-ari ng Rancho Santillan.
"Good afternoon, Dr. Pattinson"
Kinamayan niya ang may edad na manggagamot. Minsan lang silang nagkita at nagkausap. Si Dane ang naging abala sa pakikipag-usap sa espesyalista.
BINABASA MO ANG
The Mistress
RomanceShe was beautiful and sexy..... and a rich man's bedmate. Palibhasa mayaman at macho, palaging nakukuha ni Dane Niel Villafuerte ang lahat ng gustuhin---pati na ang mailap na dalagang si Czarina Alquizar. At kahit na naangkin na ni Dane ang katawan...