Chapter 17

2.5K 58 13
                                    


CHAPTER 17 ¥__¥

Ikatlong umaga nang kumuriring ang telepono. Nagulat pa si Dane dahil nasanay na siya sa katahimikan. Naka-off ang celfone niya kaya walang kahit na anong komunikasyon na natatanggap mula sa trabaho at sa pamilya.

Ang tanging distraksiyon na pinapayagan niya ay ang nightly visits nila ni Czarina sa Secret Garden.

Natutulog pa si Czarina kaya halos lumipad siya mula sa hardin patungo sa kusina, kungsaan nakakabit sa dingding ang telepono.

"Hello?"

"Hello....Is this the Alquizar Residence?"

Hesitant ang pagtatanong ng isang boses ng babae mula sa kabilang linya.

"Oo. Kung si Czarina ang kailangan mo, she's not available at the moment. Puwede kang tumawag uli mamaya"

"Oh. Baka hindi na ako makatawag uli mamaya..."

Medyo nabawasan na ang pag-aalinlangan ng tono ng di-nakikitang kausap.

"Um, puwedeng magtanong?"

"Puwede ka bang magpakilala muna?" salo ni Dane.

Bahagya nang nakakunot ang noo niya. He disliked the intrusion of the outer world. Isang lingo lang ang kailangan niya para subukang makalikha ng isang maliit ngunit perpektong mundo para sa kanilang dalawa ni Czarina.

"Of course. I am Mary. Ako ang modeling agent ni Czarina"

Parang may mga pangil na sumakmal sa puso ni Dane. Matatapos na ba agad ang maikling panahong inamot niya sa tadhana?

"And you are?" untag ni Mary nang hindi na nagsalita si Dane.

Tila nakabawi na sa pagkabigla

"Hello? What's your name, Sir?"

"I am Dane Niel Villafuerte"

Pangalan na lamang ang sinambit niya dahil hindi magandang pakinggan ang 'I am her lover'

"Dane Niel Villafuerte? Connected ka ba sa Villafuerte Enterprises?"

"Yes. I am the company president"

Sanay na siya sa hawak na pinakamataas na posisyon sa sariling kumpanya kaya halos pakaswal lang ang pagbanggit.

"Oh!"

Tila may ikinalito na naman ni Mary.

"Hindi ko alam na-na magkakilala kayo ni Czarina, Mr. Villafuerte"

"Bakit kailangan alam mo pa ang private life ni Czarina?"

Dane bit out with some belligerence.

"Are you Czarina's keeper as well?"

"No-pero ang alam ko sa kanya ay manhater siya. I mean, ngayon ko lang kasi nalamang may boyfriend siya"

Nataranta sa pagpapaliwanag si Mary

"I'm not exactly an ordinary boyfriend" pagtatama ni Dane

"We've known each other for more than one year now"

Hindi naman siya nagsisinungaling dahil seven month ang courting stage nila at seven months na silang mag-lovers ni Czarina.

"I see...."

Saglit lang ang mabigat na katahimikan.

"Este, d'yan ka na ba nakatira, Mr. Villafuerte?"

"Yes"

Walang gatol ang tugon ni Dane. Talaga namang doon siya nakatira---kahit na sa loob ng isang lingo lang.

"Oh!"

The Mistress Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon